Chapter 2

1114 Words
Chapter 2 Braze "Ma'am hindi pa po natatapos yung sales record for this month, Kailangan na po ba yon?" Tanong saakin ni apple na abala sa pag tutupi ng mga damit na nakalagay sa section ng mga may discount. Dinumog ito ng mga tao kanina kaya ganito at gulo gulo, Mag papasko na kasi kaya marami ang mga mambibili na nag hahanap ng pamasko. Marami din ang benta ibig sabihin. Marami kaming mga kakompitensyang mga boutique na may mas sikat na pangalan, Pero dahil maganda at may kalidad ang mga binebenta namin. Marami rami din ang mga customers na pumupunta dito. "Kailangan ko yon pero pwede mo namang ibigay nalang bukas." Sagot ko kay apple bago ako napatingin sa labas kung saan nakasandal sa glass wall ng aming tindahan ang Isang lalaki na animo'y siga sa buong lugar. Kilala ko ang lalaking yon at alam ko ang pakay niya, Taas ang Isang kilay kong sinulyapan ang Empleyado ko na iritadong iritado ang muka. Si Xavier Cray Cruz, Ang lalaking pinaka kinaiinisan ng Empleyado kong ubod ng ganda. Hindi ko alam kung paano nag simula itong dalawa basta ko nalang napansin yang si Xavier sa labas ng boutique---Kunot ang noo at sambakol ang muka. Masungit yan at walang ibang pinapansin at Iniinis kundi itong si Apple. Gwapo si Xav pero mas gwapo ang gan ko, Dahil nga laging nandito yang su Xav napag selosan narin ito ni gan sa pag aakalang ako ang hinihintay ng lalaki. Balit ko nga rin na...mayaman at isang sikat na businessman ang lalaking yan, Nalaman ko lang yon kay gan na mukang kakilala si Xav. Hindi ko maiwasang mapabungisngis ng makita kung paano nalukot ang inosenteng muka ni apple ng matuon iyon kay Xav. "Kausapin mo na kasi, Hinihintay ka yata." Nanlaki ang mga mata ni apple at natuon ang tingin nito saakin. "Ma-Ma'am hindi ko po kasi gusto yung sinasabi ng lalaking yan, Masyado pa akong bata." Numula ang pisnging litanya saakin nito. Totoo naman na bata itong si apple, Ang alam ko ay 19 years old pa lang siya at nag aaral sa malapit na unibersidad. Sinusustentuhan ko ito ng pang allowance at dahil matalino uto ay may scholarship na sumusupporta sakanya para mabayaran ang pang matrikula. Nilakihan ko narin ang sweldo ng babae para wala na siyang aalalahanin sa pag aaral niya at pang gastos, Hindi man ganoon ka lago ang business ko pero pwedeng pagkuhanan ng pamilya. Yung nakuha kong ipon sa pag aartista ko, Ginamit ko para ipatayo ito. Akala ko nga ay hindi ito kikita laking pasasalamat ko nalang ng dumigin ito sa unang araw hangang sa nagustuhan na ng mga tao ang binebenta namin. "Ano bang sinasabi sayo ni Xav?" Kunot noo kong tanong kay apple bago ko muling sinulyapan si Xav na mukang inip na inip na sa labas. Pinag titinginan narin ito ng mga at nilalapitan ng mga kabataan na naakit sa pisikal na anyo nito. Pero dahil nga masungit si Xav, Hindi man lang niya pinapansin yung mga gustong magpa litrato sakanya kaya naman bagsak ang balikat na lumalayo ang mga iyon. Hmmm pwedeng pagka kitaan si Xav sa totoo lang, Isang picture kada isang damit na bibilin dito sa boutique ko. "Ma'am masama po bang..." tumaas ang isang kilay ko dahil hindi tinuloy ni apple ang itatanong niya. Bakas sa muka ng bata ang takot,Nerbyos at hiya na sabihin ang dapat ay itatanong niya. Ano naman kaya yon? May problema kaya sila ni Xav? "May ginagawa bang masama sayo si xav?" Kasi kung Oo ako mismo ang kukuha sa baril ko at ipuputok ko sa bungo ng lalaking yon. Hindi ko gusto na may nanakit sa kapwa kong babae dahil pinag daanan ko narin yan, Hangang sa kaya ko ayokong danasin ng ibang babae ang dinanas ko sa mga halimaw at mapang abusong lalaki. Nakagat ni apple ang ibabang labi niya bago ito alangan na ngumiti saakin. "Wa-wala po ma'am,Naguguluhan lang po ako." hindi ako kumbinsido pero ano bang magagawa ko kung ayaw niyang sabihin? Ayoko namang makialam at pilitin ang bata, napabuga ako ng hangin at tinapik ang balikat ni apple. "Kung ano man yang desisyon na gagawin mo pag isipan mong mabuti, kung may problema ka man wag mong damdamin, Isipan mo ng paraan." Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag simangot ng bata bago ito napasulyap sa gawi ni Xav. "Laging tama ang uumahin apple."bilin ko pa sa babae bago ko ito tinulungan sa pag liligpit ng mga damit, Kakausapin ko pa sana ito kasi nakita kong talagang gulo gulo siya pero hindi ko narin nagawa ng sunod sunod na pumasok ang mga customer. May tiwala naman ako sa batang iyan,Matalino siya at alam niya kung ano ang tama at mali. Makakaya niyang lagpasan kung ano man ang pinag dadaanan niya. Hindi naman siguro dito sa trabaho kasi nakatayo lang naman siya at tumatanggap ng bayad. Syempre mangangawit lang siya sa pag ngiti pero hindi ganitong mapapagod. "Bad trip ma'am yung nakalaban ko sa karera, Hinabol ako kagabi at hindi matanggap ang pagka talo niya." Oo nga pala, Racer si red. Pero hindi alam iyon ng mga magulang niyang nasa ibang bansa. Ang pangangarera ang nag papasaya dito pero tutol doon ang mga magulang niya kaya tinatago niya na lang, Para masustentuhan ang gamit sa mutor at career niya bilang racer nag tra-trabaho siya dito sa boutique ko. "Anong ginawa mo?" Kunot noo kong tanong na ikina buntong hininga ng babae. "Tinakasan ko, Pero langya napakagaling nung lalaki. Nalaman yung number ko!" Ang weird naman ng nakalaban niya na yon. "Masyado yatang obsess na matalo ka?" Ngisi kong tanong sakanya na ikina ngiti rin niya. "As if naman matalo niya ako Ma'am!" Buong pag mamalaki saakin ni Red, kumuha ito ng bubblegum sa bulsa at inalok ako pero tinanggihan ko. Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko kaya baka masuka lang ako pag nag bubblegum ako. Sinubo iyon ng babae at puno ng gigil na nginuya. Saaming magkakaibigan dito sa boutique si Red ang pinaka matapang at siga, Si apple ang pinaka inosente at tahimik at si Danica ang pinaka mahinhin at elegante. Ako ang pinaka matanda dito kaya ako ang tinuturing na ate at tiga bigay ng payo pag may nangangailangan. Nakasanayan ko na yata yon dahil marami rin akong napagdaanan. "Balik na ako sa trabaho Ma'am!" Paalam saakin ni Red na sinagot ko lang ng ngiti. Napagod yata ako kasi nahihilo namaman ako at medyo sumasakit ang likod ko, Hindi naman ako ganito hayyss. Nasaan na kaya yung lalaking yon? Napatingin ako sa mga paa ko na nakaalis sa pagkaka sapatos, Namamahid ito kaya tinanggal ko muna ang sapatos ko. Ilang oras palang yata kaming magka hiwakay pero miss na miss ko na agad siya, May kakaiba kasi akong pakiramdam... Para bang may kinakabahan ako na ewan, Hindi ko maexplain. Baka naman gutom lang ito? Mag aalastres narin ng hapon,Hindi pa kami nag mimiryenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD