Chapter 3

1052 Words
Chapter 3 Braze "Ma'am uuwi na po ba kayo?" Katatapos ko lang ilock ang pinto ng shop ng biglang bumungad saakin si Apple, Akala ko ay kanina pa siya umalis? Ano pang ginagawa niya dito? "Akala ko umuwi ka na?" Kunot noo kong tanong sa bata pero nginitian lang ako nito bago napakamot sa batok. Ang cute niyang tignan pag ganiyan pero nakakapagtaka naman na hinintay pa niya akong isara itong shop. "Nahihiya po kasi ako Ma'am..." nawala ang ngiti sa muka ni apple at napalitan iyon ng simangot, Ano kayang problema? Napatingin ako sa labaa nitong mall at napapalatak ng makitang gabing gabi na, May pasok pa siya bukas! Hindi dapat siya nag stay ng ganito katagal. "Hahatid na kita." Pag pre-presinta ko sa babae at akmang hahawakan na sa braso ng biglaan nalang nitong hawakam ng mahigpit ang mga palad ko. Nagulat ako kasi yung hawak niya punong puno ng pag mamakaawa, A-Ano bang problema? "Si tatang po kasi nahospital kailangan po ng malaking pera, Pwe-Pwede po ba akong umutang ma'am?" Nakayuko at nanginginig ang boses na asik nito saakin. "Hi-Hindi ko na po kasi alam kung saan ako kukuha ng pera, Si Mamang po nasa bahay dahil na stroke ito noon at hindi na makagalaw, So-Sorry po talaga ma'am na-nakaka-" hindi na natuloy pa ni apple dahil bumulusok na ang luhang sa tingin ko ay kanina pa niya pinipigilan. Tila piniga ang puso ko ng marinig ang bawat pag hikbi niya at ang mas lalong pag higpit ng hawak niya sa kamay ko. Bakit hindi niya sinabi saakin agad? "Ma-Ma'am babayaran ko naman po, Pe-Pero matatagalan lang po talaga. Hindi ko na po alam kung saan ako kukuha ng pera." Sunod sunod akong napailing bago ko kinabig ang bata para yakapin ng mahigpit. Napaka bata pa niya para maranasan ito, Naawa ako kay apple dahil andami na niyang pino-problema. Dahil siguro sa bigat ng nararamdaman ay mas lumakas ang pag hagulgol ng bata na ikima durog lalo mg puso ko. "Tumahan ka na, Papautangin kita dapat mga ay sinabi mo saamin agad kasi sino sino pa ba ang mag tutulungan kundi tayo-Tayong nandito lang din sa Boutique." Dapat pala hindi ko nalang sinabi yon, Mas lumakas kasi ang pag iyak ng babae. Inalo ko ito at hinimas ang likod bago ako kumalas sa pagkaka yakap at binuksan ang bag ko. "Magkano ba ang kailangan mo?" Tanong ko kay Apple na nag pupunas na ng luha at pilit na pinakakalma ang sarili. Hayys bilib ako sa mga ganitong bata. Imbes na kumapit sa masamang gawain para kumita ng pera ay mas pipiliin pa niyang lununin ang pride at dumiskarte. "Fi-Fifty thousand po kasi ang ka-kailangan pero ayos lang po kahit po tre-trenta o be-" malungkot kong mginitian si apple at kinuha ang panyo kong nakatago sa bag, Pinunasan ko ang luha niya gamit ang panyo ko. "Wag ka ng mag alala, Parang pamilya ko na kayo kaya tulong ko nalang ito." Litanya ko bago tinuon amg tingin ko sa cheque book ko. Simula noong mawala si mama at wala na akong natirang kamag anak, Silang mga nasa boutique nalang ang naging pamilya ko kaya hangang kaya ko ay tutulong ko. Nilagay ko sa cheque ang amount na kailangan, Pangalan ko at pangalan ni Apple bago ako pumirma. "Ma-Ma'am sorry po talaga, Ba-Bayaran ko po kayo agad! Ka-Kailangan na kailangan ko lang po kasi. S-Sorry po!" Napailing ako bago ko kinuha ang palad niya at inilagay doon ang cheque. "Handa naman akong tumulong hangang sa kaya ko, Magiging maayos din ang lahat pati ang mamang at tatang mo," nginitian ko siya at inayos ang magulo niyang buhok. "Pag nagkaroon tayo ng break ipasyal mo ko sa lugar niyo para makilala ko na sila mamang at tatang." Asik ko sa bata na sinagot lang ako ng tango bago ng matinding yakap. Halatang sabik na sabik ito dahil sa higpit ng yakap niya, Sobrang sarap mayakap ng ganito. Pakiramdam ko ay mabuting tao ako dahil sa nagawa ko. "Sige na at umuwi ka na, Gabi na." Utos ko kay apple na napatango na lang. "Maraming salamat po Ma'am! Sa-Salamat po talaga!" Yoon na lang amg sinabi niya bago nakayuko at umiiyak na naglakad palayo saakin. Hayyss kung may malaking pera lang ako baka ako na ang sumagot sa kailangan ng tatang niya at mamang. Hindi naman kasi ako ganoon kayaman. Malungkot akong napangiti at akmang lalakad na paalis ng marinig ko ang pag tunog ng telepono ko. Agad kong kinuha ito at napataas ang Isang kilay ng makitang si Gan ang tumatawag, Buti naman at nag paramdam itong ponsyo pilatong ito? Akala ko ay hindi na ito mag paparamdam, Nag tuluyan na ako nitong igho-ghost kaya kanina hindi maipinta ang muka ko sa Inis. Yoon siguro ang dahilan kung bakit hindi agad lumapit saakin si Apple?! Dahil wala akong choice ay sinagot ko ang tawag ni Gan. "Hello, Buti naman at naisipan mong mag para-" napatigil ako sa panenermon ng marinig ang tila ba alingangaw ng ambulansya sa kabilang linya. "Kamag anak niyo po ba si Mr.Mendrano?" Mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ang hindi pamilyar ma boses. Fu-f**k anong nangyari?! "Fiancee niya ito..." nanginginig ang boses kong sagot sa kung sino man na nasa kabolang linya, panandalian iyong natahimik bago pinakawalan ang mga salitang tila ba bombang sumabog sa tenga ko. "Naaksidente po si Mendrano at kinalulungkot ko pong ibalita na kritikal nag lagay niya." Nanlaki ang mga mata at napaawang ang labi ko. Hindi matanggap ng utak ko ang narinig kong balita, ayaw mag proseso at pumasok...nanatili akong tulala habang nakatitig sa teleponong hawak ko. "Nandito po kami ngayon sa address na isesend ko." Yoon nalang ang sinabi ng kung sino man bago nito pinatay ang tawag. S-Si gan naaksidente... Balisa at hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman ng tumunog ang cellphone ko ay dali dali akong tumakbo papunta sa parking lot ng mall. Nanginginig ang mga kamay at nanlalamig ng pumasok ako sa kotse ko. Hi-Hindi ko kaya na mawala saakin si gan, Please wag! Hindi ko kakayanin. Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng mabasa ang lugar. Alam ko ang address na iyan, pero ang alam ko ay wala namang hospital diyan. Baka naman meroon, Hindi ko lang napansin noong pumunta ako? Hindi ko na alam kung anong ginawa ko para mapaandar ang kotse at mabilis iyong minaneho papunta sa address na pinadala ng lalaki. Diyos ko, Wag naman sanang mangyari yon.N-Nag sisimula pa lang kami at hindi ko kakayanin na mangyari yon sakanya. Hi-Hindi ko kaya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD