Nine Years Ago... HINDI sigurado ni Phillip kung tatawa o ngingiwi na lang nang iaabot ng isang batang babae sa kanya ang isang stuff toy na kabayo. Siguro ay matutuwa at ma-a-appreciate niya pa ang bigay nito kung binili nito ang stuff toy sa toy shop. Pero sa klase ng pagkakaggawa noon, ramdam niya "specialize" ang kabayo at ang nag-"specialize" noon ay walang iba kundi ang bata sa harap niya. Sa tantiya ni Phillip ay nasa early teenage years nito ang babae. Pero dahil nasa twenties na siya, para sa kanya ay batang maituturing ito. Isama pa na nakasuot pa ito ng pigtails. She looked cute though. Gustong-gusto rin niya ang ngiti nito at ang tingin nitong parang siya na ang pinakaguwapong nilalang sa mundo. Ilang beses na siyang nakakita ng ganoong klaseng tingin sa mga tao.

