BILANG kaparusahan sa aksidenteng naggawa ni Phillip kay Aurora ay kinailangan niyang sunduin araw-araw si Aurora sa school nito. Isang linggo pagkatapos nitong tumigil sa pangangabayo ay nagsimula na ang klase nito. Itinuloy nito ang pag-alis sa riding school pero hindi raw ibig sabihin noon ay itutuloy na rin nito ang pagpapalayas sa kanya sa buhay nito. Hindi raw ito titigil hangga't hindi siya nai-in love rito. Kaya lang ay sa halip na si Aurora ang manligaw sa kanya ay mukhang si Phillip pa ang nanliligaw rito dahil sa parusang ibinigay nito sa kanya. Malapit lang ang school nito na nasa loob rin ng subdivision kung saan nakatira ang mga ito. Halos katabi lang rin iyon ng riding school. Hindi naman nahihirapan si Phillip sa gusto ni Aurora. Isama pa na hindi naman siya pa

