HINDI mapalis-palis ang ngiti sa mga labi ni Aurora kahit naihatid na siya ni Phillip sa bahay niya at nasa kuwarto na rin siya. Ang akala niya noon ay the best na ang parte ng fairy tale na mangyayari sa buhay niya nang malaman niyang ginising siya ng halik ng isang lalaki. Pero ang pinaka-the best pala ay sa simpleng bagay lang: Ang maisayaw ng hindi man totoong knight in shining armor niya pero ang lalaking nagbibigay naman sa kanya ng kakaibang kilig sa katawan. Phillip was his and damn the dragons in their life. The night is so magical na para bang ayaw na niyang matapos iyon dahil natatakot siyang maggaya siya ng prinsipe sa istorya ni Cinderella----ang mawala ang pinakamamahal nito at nagkaroon pa nang mahirap na pahanapan para lang makita muli ito. Pero sabi nga ni Phi

