"AURORA, in two weeks time, aalis na tayo ng Pilipinas. Babalik na muli tayo sa California at doon magbe-base. Gusto ka rin namin kumuha ng proficiency exam para makapag-college ka na rin roon. Magbabagong-buhay muli tayo sa California," Naibagsak ni Aurora ang kubyertos na hawak niya nang magsalita si Tita Neri. Kakauwi lang nito pati na rin ng Tita Tina at Tita Adel niya galing sa OB trip ng mga ito. Dahil Sabado ng umaga ngayon ay walang trabaho ang mga ito at ginawa iyong day-off ng mga ito para kay Dylan. Sabay-sabay silang nag-almusal nang umagang iyon. "Tita, ayaw ko. Hindi ba at hindi niyo naman gusto roon kaya umuwi tayo rito sa Pilipinas?" ang kuwento sa kanya ng mga Tita niya ay hindi daw gusto ng mga ito ang environment sa America kaya napagpasyahan nitong iuwi si

