Two years later... "Apo, hindi ka pa ba kakain? Aba'y maga-alas singko na ng hapon, hindi ka pa nakakapananghalian." "Okay lang po iyon, hindi pa na man po ako nagugutom. Tatabihan ko muna tong si Zylea, baka kasi magising dahil hindi ako katabi." "Naku naman Sunny, masasanay iyang anak mo na lagi ka na lang nasa tabi niya. Baka hindi mo na yan maiwan dito samin ng lolo mo kapag nagt-trabaho ka na." Nahihiyang nginitian niya ang kanyang lola at tsaka umiling-iling. Wala siyang trabaho ngayon dahil natanggalan siya ng lisensya bilang nurse. Hindi niya alam kung bakit ganon pero sigurado siyang kagagawan iyon ng ina ni Thunder. Hindi rin niya gustong iwan ang kanyang anak na natutulog nang hindi siya katabi. Kaya nga't noong naghahanap pa lang siya ng trabaho, pinili niya iyong trabaho

