Kumabog ang dibdib ni Sunshine nang makita ang hawak-hawak na Pregnancy Kit ni Storm sa kamay nito. She gulped. Pasimple niyang pinunasan ang namamawis niyang noo. "H-Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, h-hindi akin yang prenancy test kit na yan." pagtanggi niya sabay kagat ng kanyang ibabang labi. Nakita niyang tumango-tango ito. Magpapa-salamat na sana siya sa Diyos sa akalang naniwala ito sa pag-tanggi niya nang bigla na lang itong ngumisi. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla itong tumawa ng pagka-lakas-lakas. Parang mauubusan na nga ito ng hininga sa kakatawa. Hindi niya kayang matawa dahil first time niyang makitang ganito si Storm ay hindi niya magawa. She's scared! How the hell did she knew that she was pregnant!? Sigurado siyang naitago niya iyon sa kanyang bulsa bago siy

