He Is The Ceo

1442 Words
Nabitiwan nya yung mga papel na hawak nya at nagkalat iyon sa sahig . Nako po ! "Watch at what you're going through miss!!" Galit na baling niya sa akin. "Hala sorry , nagmamadali kase ako . Late na ako , sorry talaga. " pinulot ko yung papel na nagkalat sa sahig at binigay ko sa kanya. Sayang gwapo sana nakakunot lng yung noo ! Galit parin yung mukha nyang kinuha sa akin yung mga papel. Bigla kong naalala na late na ako. Patay ako kay Mr. Agnello nito. Baka ma alis ako nito sa trabaho. Waaaaaah. Hindi pwede ! Kailangan kong maghanap ng magandang rason bat ako na late ! Huhuhuhu "crazy!" sabi nong lalaki tas tinalikuran ako pero hinawakan ko yung braso nya. "wait lng " sabi ko sa kanya. Inis naman syang nilingun ako. "WHAT!" nakakunot parin na sabi nya. "saan ba dito ang office ni Mr. Agnello?" kitang kita ko sa mata nya na sinurvey ang itsura ko bali head to foot. "that's where I'm going!!" matigas na sabi niya tapos nagsimula nang lumakad. Ohh my ghad ! Kung ganon ! Kung ganon.!! Kung titingnan ko ang itsura nya , hindi lng magkalayo yung edad namin, magka age lang kami. Oo. So maybe , bagong hired din siya dito. Naku!! Kaya pala galit sya kase nagmamadali din syang pumunta sa office ni Mr. Agnello . Alam siguro nya na stricto ito at laging galit. Tsk. Tsk. Tsk. Tumakbo ako at hinabol siya , sasabay nalang kami papunta doon para kami dalawa yung pagalitan . Tama tama . Good idea Ave. Nakita ko syang naglalakad parin papunta ata sa elevator. Binilisan ko yung takbo , pagkarating ko sa kanya. Hinawakan ko kaagad yung kamay nya . Tas hila hila ko sya patakbo. "WHAT THE f**k!!" Umalingawngaw yung boses nya sa lakas ba naman. Naagaw atensyon naman namin yung ibang taong nagdadaan , yung iba parang natatakot yung iba naman umiiwas . "wag kang magmura dito" pinagdilatan ko siya sa aking mata , tapos para akong tanga na tumitingin sa mga tao , hawak ko parin ang kamay nya. "Kailangan natin bilisan ano na oras oh ? Late na tayong dalawa ! First day of work pa natin tas masesesante lang tayo ! Alam mo ba sabi nila, stricto daw si Mr. Agnello, tas importante sa kanya lagi yung oras! Lagpas 8 na oh. Baka umuusok na yung ilong non kahihintay sa atin. Sabihin nlng natin na nagka LBM ka at sinamahan kita sa CR. " "WHAT!?" nanlilisik ang mata nyang tumingin sa akin. Hindi nya ba nagustuhan ang idea ko. Hays "Sige ako nalang yung nagka LBM" para kaseng papatayin nya ako sa mga titig nya. "YOU--" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya kase hinila ko na sya papasok sa elevator. Anu ba nmn tong lalaking toh ! Lagi nalang galit. tapos pa english english pa , may lahi ba toh ? Hinihilot nya yung sentinido nya at pinakalma ang sarili.. "anong floor?" sabi ko sa kanya. Para siyang nagdadalawang isip kong sasagutin ba nya ako. Huminga sya ng malalim "40th , let go of your hand!" galit parin na sabi nya. Ang arte naman nito kung hindi ka lang gwapo tsk. Pinindot ko na yung 40th floor. Tahimik lang kami sa loob ng elevator. "Tingin mo , mapapagalitan ba tayo ? Ayuko masesante , gusto ko pang tulungan mga kapatid kooo." ano na mangyayari sa amin. Uuwi ako sa laguna na luhaan . Para akong nanghina sa naisip ko. Hind siya sumagot. Siguro iniisip din niya kung masesesante ba din siya. Tumunog na yung elevator hudyat na nakarating na kami sa 40th floor . Nauna syang lumabas hinabol ko naman siya at hinawakan ang braso niya. Ang taas naman ng fighting spirit ng lalaking ito hindi ba sya natatakot kay Mr. Agnello. Pumasok na kami sa loob ng opisina. "Good morning Sir Agnello" bati ng mga tao dun , bigla silang napahinto sa ginagawa nila . Yung isang mataba na babae nahulog pa yung stapler sa kamay nya na nakatingin sa amin. Nagulat sila nang makita akong nakahawak sa braso ng kasama kong lalaki. Tapss palipat lipat ang mga mata nila sa aming dalawa. Tumingin tingin ako sa paligid. Kase nag good morning sila kay Sir Agnello , Asan ba sya. Tumingin ako sa likod, Wala , sa gilid. Wala naman. "Morning" sabi naman ng katabi ko. Nanlaki ang mata ko nong sumagot yung katabi kong lalaki. WAIT! WAIT! WAIT! WHAAAAT?? bigla akong kinabahan . Unti unti kong hiniwalay ang kamay kong nakahawak sa braso niya. So , Soooo itong katabi ko, itong kasama ko ngayon. SYA SI MR. AGNELLO???? Dumistanya ako sa kanya kase sobrang lapit namin sa isat isa hehehe unti unti kong binaling ang tingin ko sa kanya. Bigla akong napapikit ng nang makita kong galit ang mukha nya nakatingin sa akin. Biglang nag flashback sa utak ko ang nangyare simula nong nabunggo ko sya , yung hinihila ko sya tapos paghawak ko sa braso nya. Ow no ! Patay ako nito. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko Ang tanga tanga ko , ngayon ko lang naisip na sobrang tanga ko talaga! Paano ko eexplain ngayon ito? "Mr. Huarez , natapos muna ba ang pinagagawa ko sayo kahapon?" sabi nya doon sa lalaking nakalipstick , bakla amp. "Yes sir" sabi nmn nong bakla. "YOU!" hindi sya nakatingin sa akin pero alam kong ako yung tinutukoy niya. Bigla nalang nanuyo ang lalamunan ko. "Follow me!" ma awtoridad na sabi niya. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nginitian ko nalang ang mga staff doon na nakatingin parin sa akin. Pumasok kami sa isa pang office , pagpasok ko namangha ako sa ganda ng loob , may living room doon. Tas kitang kita yung view sa labas. Parang bahay na office ganun. Pumunta sya sa table nya at umupo sa Executive Chair. Tapos may nakasulat doon sa harap niya 'Zachary Tyler Agnello (CEO)' huhuhuhuhu.. Sya nga talaga yung CEO . Hindi na yun magbabago pa. "Will you just look there? Come here and sit down!" galit parin na tugon nya. Dali dali namn akong lumapit sa table nya ta umupo kaharap nya. Hindi ko parin makapaniwala na sya pala yung CEO , ayyss. Nakakaloka naman ito! "a-ah.. S-sir , s-sorry di ko a-alam na i-ikaw pala si Mr. A-agnello" shit! Umayos ka Averill ! Tiningnan ko ang reaksyon niya , umiigting ang bagang nya nakatingin sa akin "After you drag me ?, do you expect that I will still receive your sorry!!" matalim yung mata nyang nakatingin sa akin Hindi ako kaagad nakasagot. Eh kase naman. "Akala ko kase bagong hired ka ditu , hindi kase halata na CEO ka ..s-sir " explain ko sa kanya "So manghihila ka nalang ng basta basta na hindi mo naman kilala? Is that right?" nakakunot na yung noo niya "Eh bat kase hindi mo kaagad sinabi ? kung sinabi mo pa nong una pa lng edi sana hindi na kita hinila hila !" "So, kasalanan ko pa ?" OO! "h-hindi yun ang ibig kong sabihin sir" nakayuko nlng ako Tumahimik ka nlng Ave ! Wag munang dagdagan pa . Sabi ko nalang sa sarili ko. Kinakabahan ako sa tensyon naming dalawa, hindi ko nga alam na sya pala yung CEO , Haler , magka age lng kami. kung alam ko lng edi sana hindi ko na sya ginanun ganun Napikit nalang sya at hinilot yung sentinido nya . Huhuhu galit na sya.. Tapos nagbuntong hininga sya May kinuha sya na Envelope. Wait envelope ko yun ah. Tiningnan nya yung resume ko. "So, you are Averill Alfica Garcia" tumingin sya sa akin. "Y-yes sir" wala , wala na akong pag asa , babalik na ako sa laguna "I would have fired you but..." tumingin sya sakin "You are related to Mrs. Mendoza, So, I will give you a second chance" walang emosyon na sinabi nya. "TALAGA PO? Salamat Sir Zach" pinigilan ko ang sarili kong hindi tumalon sa tuwa "Don't get too excited Miss Garcia, You should always be focused on work, time is time I don't like those people who are always late and I don't like stupid women at work, is that clear! Miss Garcia ?" nawala yung excitement ko at napalitan ng kaba. "Yes sir" sabi ko nlng Tumingin sya sa kanyang relo "Look outside for Mr. Huarez, he will show you where your table is, you can leave now." nakatingin lng sya sa papel pagkasabi nya yun. Tsk. STRICTO! Gusto ko yun isigaw sa kanya sa halip ngumiti nlng ako kahit hindi naman sya nakatingin . "okay sir zach" tumayo na ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD