Sobrang lapit na hindi na ako makahinga. Umaatras pa ako peru mas lalo syang lumapit hanggang sa lumapat na yung likod sa pader.
Sh*t! Sa w*****d lng to nangyayare.
Kahit nanginginig ang buong katawan ko nilabanan ko parin ang titig nya. Ang gwapo nya sobra. Pero hindi ! Dapat hindi ako mapatinag. Oo gwapo sya pero hindi ko sya type!
Nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko nakakakiliti yung bulong nya
"You know, youre actually my type" pagkasabi nya non , bigla nanigas ang buong katawan ko . "baka hindi mo ako kilala , Im a bad person, im gonna eat you alive " diin talaga niya ang huli nyang sinabi. Zombie ba sya? Gwi nam ikaw bayan ? hindi na ako makapagsalita . Anu na Ave? Hamon hamon kapa. Wala na akong magawa kundi titigan sya. Nanginginig na ang kamay at binti ko.
"relax baby , youre shaking " tumawa sya ng nakakaloko
Biglang nagtayuan ang aking balhibo. Gusto ko syang sapakin. Gusto ko syang sigawan! Pero. Pero di ko magawa.
"gusto mo akong isumbong kay mommy, go on ! If you can hahahaha remember i have spare keys" pinakita nya sa akin ang mga susi nya tapos winawaygay nya sa harap ng mukha ko , lumayo na sya pero hinaplos pa nya saglit yung kamay nya sa balikat ko pababa. bastos talaga!
Umalis na sya at iniwan akong tulala.
I cant believe this ! That guy? That perv ! Sya yung anak ni tita Aida ?
Teka isusumbong ko ba talaga siya kay tita? Pano pag balikan ako ditu. No waaaay. Kakainin pa man daw nya ako ng buhay. Eeey!
Hindi , hindi muna.. Arggh! Nakakalito nmn.
Lumabas muna ako sa kwarto at tiningnan kung lumabas na ba talaga siya. Okay confirm wala na. Pumasok ako ulit at humiga na sa kama. Iniisip ko parin yung nangyari. Deputa talaga nong lalaking yun!
Kinaumagahan para akong zombie bumaba sa hagdan . Ano na lulutuin ngayon , parang wala nmn akong ganang kumain.
Biglang may nag doorbell .
Bigla akong kinabahan . Napatingin ako sa pintuan. Si Caleb? Baka si Caleb to !
Ano ang gagawin ko. Bubuksan ko ba? Ha?
Lumapit ako sa pintuan.
Para akong tanga na nagdadalawang isip na hawakan ang doorknob .
Napag isipan ko nlng na buksan.
1
2
3
"oh ave , anong nangyari sayo ?" parang nagulat si tita sa itsura ko.
"Titaaaa, ikaw pala yan, pasok po kayo" para akong nakampante na si tita ang nakita ko hindi si Caleb.
Tita yung anak mo , pumasok dito kagabi may dalang babae !
Gusto ko yun sabihin kay tita . Pero sasabihin ko ba ? Hindi . Wag ! Cge bahala na. Ayy. Wag na nga lang. Hayst.
Para na akong baliw sa kilos ko
Nagtaka na si tita sa inaakto ko
"may gusto kabang sabihin ave? Maayus kabang nakatulog ? " pagtatakang tanong ni tita
Sasabihin ko ba ? Na alala ko yung sinabi ni caleb kagabi. 'im gonna eat you alive'
Aaaaaaaaahhhh! Hindi. Wag. Ave. Waaaaaaaaaaaaaaag .. Gusto mo bang kainin ka nong hayop na yun?
"Wala po tita " sabi ko nlng . Tinikom ko nlng yung bibig baka kase masabi ko kay tita.
Umupo si tita sa sofa at bumaling sakin.
"Kukunin ko pala yung requirements mo ngayon ave, para maka pag simula kana bukas " sabi ni tita
"Okay po , kukunin ko muna sa kwarto tita, ah . Kumain na po ba kayo?" ngumiti lng si tita.
"Nag kape na ako ave , thanks"
"ahhh okay po tita" dali dali akong umakyat sa kwarto kinuha ko yung envelope sa loob ng drawer .
Pagkababa ko , binigay ko na kay tita yung envelope
"Magiging Secretary ka ni Mr. Agnello , sa Marketing ka sana kasama ko , kaya lng nag resign yung Secretary nya , kinakailangan niya ng bago"
"Bakit po nag resign?" curious kong tanong kay kita .
"Hindi kinaya ang ugali ni Mr. Agnello" sabi ni tita .
"Bakit po ? Anu ba syang klaseng tao ? " natawa nmn si tita sa tanong ko.
"Stricto , importante sa kanya lagi ang oras , madali syang magalit , nakafucos lagi sa trabaho"
Eyy?? Nakakatakot nmn itong si Mr. Agnello . Kakayanin ko bang maging Secretary na ganyan ang personalidad ng amo ko? Parang gusto ko nang umuwi sa laguna .
"parang hindi ko ata kaya tita , nakakatakot po yung description niyo sa kanya, baka kase lagi nalang akong pagalitan , matanda na po ba sya , panot ba? " lalong tumawa si tita sa sinabi ko sa kanya.
Umiling siya
"Hindi pa matanda si Mr. Agnello , siya yung CEO sa Agnello group of companies, dont worry Ave, kakayanin mo yun basta wag mong sukuan ang ugali nya . Mabait din yun paminsan minsan hahaha"
Tumayo na si tita
"ito pala yung address , hindi na kita masasabay bukas ave " inabot nya sa akin ang papel
"okay lang po yun tita " kinakabahan pa talaga ako bukas.
Ay bahala na , para sa mga kapatid ko at para kay papa na nasa langit na.
Kaya ko to. Lahat ng trabaho ay mahirap dapat kayanin ko.
"Alis na ako Ave , kita nalang tayo bukas" nagpaalam na si tita.
"cge po tita" paalam ko sa kanya.
Hays, napaupo nlng ako sa sofa. Ginulo ko ang buhok ko. Akala ko magiging madali sa akin ang magtrabaho. Magiging Secretary pa ako sa CEO, ano bayan ! Basta ang dapat ko lang gawin ay , wag galitin si Mr. Agnello.. Dapat patawin ko sya lagi. Hahaha .. Oo tama , yun nga dapat kong gawin. Para magtagal ako sa trabaho.
Na excite nmn ako dahil sa magandang ideya na naisip ko.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising, para makapaghanda tinext ako ni tita kagabi na kailangan 8 am andun nako nakalimutan nya akong sabahihan kahapon.
5:45 am naligu na ako , toothbrush , skin care.
Bumaba na ako para kumain.
Tiningnan ko yung oras sa aking cellphone .
6:25 am , sabi ni tita importante ang oras kaya kailangan kong dalian.
Tinapos ko na agad ang pagkain .
Naghugas syempre .
Umakyat na ako para magbihis.
I wear a suit jacket tas inside is business dress then naka low heels.
Naka light make up din ako .
Time check.
7:20, nanlaki ang mata ko nang makita ko yung oras. Shet. Mag cocommute pa ako. Lumabas na ako sa condo tas pumasok ako sa elevator pababa.. Paglabas ko ng condominium. dretso na Sumakay ako ng taxi .
"San po tayo ma'am" sabi ning manong driver
"Sa Agnello Group of Companies" tumango lng yung driver at nagsimula ng mag drive.
Hindi na ako mapakali , malalate na ako nitu depota.
"manong , malayo po ba yun ?" hindi ko na napigilan ang sarili kong tanongin si manong
"hindi naman ma'am , malapit na po tayo, medyo nagka traffic lang " sagot naman niya
"ahh okay po manong" ano bayan , traffic pa !
Time check ! Ayuko ko nang tingnan huhuhuhuhhu.
7:50 am, okay Ave, kailangan takbuhin mo yun papunta kay Mr. Agnello.
Huminto na yung taxi at sabi ni manong driver ay nakarating na ako sa aking kinaroroonan char hahaha. Binayaran ko na si manong.
Paglabas ko , namangha ako sa laki ng building , ilang floor kaya to ? Sobrang taas parang abot na yung langit.
WAIT! Bat nakatunganga pa ako ! Ayss. late na nga ako eh..tumakbo na ako. Sanay na akong mag heels kaya easy lng sa akin ang tumakbo. Nang makapasok na sana ako sa loob .
Biglang meron akong nakabunggo. Sh*t!