CHAPTER 2: BEGINNING

1196 Words
“It’s necessary to finish everything before I go.” Lahat ng mga kasambahay na nandito sa mansion namin ay may ginagawa; nagluluto, naghahanda, at naglilinis para kay kuya. Pero hindi nila alam na mayroong darating ngayon at lalong hindi nila alam na kapatid ko ang darating ngayon, dahil hindi naman ikinuwento ni Daddy si kuya sa kanila. Palabas na sana ako ng mansion nang nakarinig ako ng mga yapak na galing sa hagdan, kaya nilingon ko ito, it’s Daddy. “What’s happening Khlearia?" Tanong ni Daddy na kababa lang galing sa kuwarto niya. I smiled, “Naghahanda po Daddy.” Kumunot ang noo nito na halatang nagtataka, “For what?” “For war.” I smile again, I saw his face full of shock. “War?!” “You said, ‘Mag handa ka, may paparating na giyera’” Taas noong sagot ko, “And now, you see, naghanda na ako.” I said and flipped my hair bago ko ito tinalikuran. Natatawa ako sa reaksiyon ni Daddy, halata sa kaniyang mukha na nagugulat siya sa mga sinasabi ko. “Khlearia?!” sigaw nito. “Daddy?!” panggagaya ko at nilingon ko siya. “I said, Maghanda, hindi maghanda like celebration!” “Oh, Dad, bawal po bang maghanda like a celebration?” “Khlearia!” he sighed. Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang susuko na. “Okay, fine! Your honor, I surrender.” He surrender to me, that’s my Dad. When it comes to arguing with me, he lost because he’s always surrendered. Kung si Daddy nga ay walang laban sa akin? Paano na kaya ang mga taong nagtangkang labanan ako, kami? Kung si Daddy na palaging talo pagdating sa mga bangayan namin, paano na kaya ang mga taong gusto akong labanan? “Daddy I have to go.” I hugged him before I walked away. Lumabas na ako ng mansion at pumunta sa parking lot, namimili muna ako kung ano ang gusto kong gamitin. I saw a black sport car. Using my black sport car, I drive away and go to the airport. Susunduin ko na si kuya at baka maliligaw pa siya rito. Hindi pupunta si kuya rito kapag walang plano o balak na gagawin. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin niya rito o baka may alam na siya tungkol sa nangyari sa akin kagabi. Pinaharurot ko ang aking sasakyan at walang pakialam sa ibang sasakyan na dumadaan. “This is so fun!!” sigaw ko nang may nag-overtake sa akin. Dahil hindi naman gaano ka traffic, kaya pinaharurot ko ulit at sinundan ang isang kotse na nag-overtake sa akin. At the age of 10 I’m a rider. Sumasali rin ako sa mga car racing sa aming probinsya at palagi akong nanalo. “Goo, Baby!” sigaw ko ulit nang naabutan ko ito, pinaikot ko ang nobela ng sasakyan nang gusto pa niya akong lampasan. Hinaharang-harangan ko ito para hindi niya ako maabutan. “You need to practice more...” I whispered. Iba ako sa mga kababaihan ngayon. Kung ang iba na anak sa mga impluwensiyang tao ay mga mahinhin, kailangan pa ng body guard at puro paganda lang ang alam pwes ako, hindi. I grew up in our province, doon ako nag-aaral ng kahit ano. Halos lahat ay pinag-aralan ko kagaya ng; driving, shooting, martial arts, at iba pa. Masaya naman ako sa mga ginagawa ko at alam ko balang araw ay magagamit ko rin ang mga pinag-aralan ko, at araw na iyon ay nagsisimula na. This is the beginning of our war between Theodore and Clastivinia family... Medyo malayo-layo pa ang airport, kaya pinaandar ko na music sa kotse ko at saktong tumunog ang Bawat daan by Ebe Dancel. And I remember the night when I was supposed to jog but ended up running — dahil sa mga humahabol sa akin. Napailing na lang ako nang maalala ang gabing iyon. Ang gabing yumakap sa isang lalaki na hindi mo kilala, ang gabing nararamdaman mo ang kaniyang paghinga, at ang gabing nararamdaman mo ang t***k ng kaniyang puso. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako lumaban sa gabing iyon, siguro ayaw ng katawan ko ang lumaban para isipin nila na hindi ako marunong lumaban. Napangiti na lang ako nang nakarating na ako ng airport, dinahan-dahan ko ang pag-drive ng kotse bago pumasok sa loob ng parking lot. It was 9:00 am, at 45 minutes lang naman ang biyahe mula sa probinsya namin kapag nag-eeroplano. Kaya nagmamadali akong tumakbo papasok sa loob. And I hate this. In the middle of crowds, I’m in the center of attention. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala ako nagbibihis at ang tanging suot ko lang ay pampatulog — na para bang galing pa sa pajama party. While looking for someone, I saw a tall guy wearing a black hoodie and his blue earphone hanging on his neck. He’s wearing a black pants and white shoes, habang ang isang kamay ay may dala-dalang maleta. And he look at me... “I’m here, honey!!” sigaw ko, dahilan na tumitingin na rin sa amin ang tao nandito. I smiled. Ayaw ko ng center of attention pero nasa akin na ang kanilang attention — kanina pa kaya dinagdagan ko na. Patakbong lumapit ang lalaki at yinakap ako kaya yinakap ko na rin ito pabalik. “I missed you, Kuya.” I missed my kuya, kaya ngayon magkasama na kami may kakampi na ako sa lahat. “How are you, Khlea?” he asked while driving. Siya na ang nag-drive pauwi at ako naman nandito lang sa tabi niya — tahimik. I sighed, “I’m fine, Kuya.” Alam na niya ang nangyari kagabi, kaya siguro nandito siya para protektahan ako, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay nandito si Daddy. “I knew what happened.” he sighed. “They want a war, then let’s give what they want.” “Ito ba ang dahilan kung bakit ka napunta rito, Kuya?” Tumango lang ito, tama nga ako. “At sinubukan din nila ako sa probinsya.” Pati si kuya ginalaw nila? Talagang gusto nila ng laban. “And you know what Khlea?” he asked tiningnan niya ako at tumingin ulit sa kalsada. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. “It’s Tito Victoriano Theodore..." Tito... Tama nga ang sinabi ni Detective Clarence, si Tito Victoriano Theodore ang nagsimula ng laban. Nakatatawa lang na ang tinatawag naming ‘Tito’ ay siya ang tanging kumalaban sa amin. Tinatawag namin siyang tito kahit never pa namin siya nakikita ng personal. Si Tito Victor ang palaging bukambibig sa amin ni Daddy noon. Ang sabi niya siya ang nag-iisang kaibigan ni Daddy, pero ngayon parang gusto nang gulo. Ano kaya ang nangyari bakit nagkaganito? Bakit kailangan pang umabot na maging kaaway ang dating matalik na kaibigan? Paano niya nagawang kalabanin ang dating kaibigan niya? Para saan? Para kanino? Para ano? Palaging sinasabi ni Daddy na mabait daw si Tito Victor, kakampi siya, handang tumulong at handang lumaban para sa kaniya. But, they wanted a war. This is a beginning of the war between Theodore and Clastivinia family. And I don’t know why...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD