LESSON 12 “Her Name Is…” HALOS magkakasabay na dumating sa rooftop ng lumang school building sina Abby, Maira, Marvin at Nicolo. Nakaupo sila sa sahig at sa gitna nila ay ang cartolina na sinulatan nila ng gaya sa ouija board. May baso sa gitna niyon. Ang tanging tanglaw nila ay ang apat na kandila na nasa gilid ng cartolina. “Sigurado ba kayong alam niyo ang gagawin natin?” Si Nicolo ang bumasag ng katahimikan na kanina pa namamayani sa kanilang apat. Tumikhim si Maira. “May pinanood akong video sa Youtube. Ang kailangan lang nating gawin ay ipatong sa baso ang isa nating hintuturo at magko-concentrate tayo saka tayo magtatanong. Ganoon lang.” Isa-isa nitong tinignan ang bawat isa sa kanila. “Ano? Sisimulan na ba natin?” “Pwede bang magdasal muna tayo bago tayo magsimula?” suggest ni

