LESSON 13 “She’s Coming Back” ILANG minuto na lang bago sumapit ang alas dose ng hatinggabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Abby. Nakahiga lang siya at nakatingin sa mga butas ng bubong ng kanilang bahay. Mag-isa lang siya doon at wala ang kanyang nanay. Sa gabi kasi ang trabaho nito bilang pokpok sa isang club na hindi naman ganoon kalayo. Sanay na siya na kapag nakauwi na siya mula sa school ay doon lang niya ito nakikita. Sabay silang kakain ng hapunan at aalis na rin ito para magtrabaho. Hindi siya makatulog dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya iyong sinabi sa kanila ni Maira ng isang may edad na ginang. Nagtanong-tanong kasi sila kanina sa mga may-ari ng bahay na malapit sa kanilang school tungkol sa history nito. Hanggang sa isang babae na nagtitinda ng tinapa at k

