LESSON 16 “Killer’s Notebook” “O-ONE. N-number one!” Nanginginig at natatarantang sabi ni Gail nang ikasa ng taong iyon ang baril na hawak nito. Napapikit siya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Iminulat niya ang kanyang mata para tignan si Roxanne. Katulad niya ay umiiyak na rin ito at hindi na nagsasalita. Mukhang alam na nito ang nangyayari. Katulad nito ay parang pinanghinaan na rin ito ng loob. Paano ba naman kasi sila makakatakas dito? Bukod sa napakahigpit ng pagkakatali sa kanila ay hindi pa nila alam kung nasaan ba sila. Hindi ito isa sa classroom ng SCNHS. Sigurado siya doon. Takot na lang ang lumulukob sa buo niyang pagkatao. Nawala na ang konsentrasyon niya sa pag-iisip kung paano siya makakatakas. Natatakot din siya kung paano ba sila papatayin. Nata

