LESSON 17 “Is It Really Over?” AYON na rin sa salaysay na sinabi ni Mang Ernie sa mga pulis, nagawa nito ang pagpatay sa mga estudyante sa SCNHS dahil na rin sa paninisi niya sa mga estudyante doon. Ilang taon na rin kasi ang nakakaraan ay nagpakamatay ang anak niya na nag-aaral doon. Ang dahilan? Bullying. Binu-bully ito dahil anak daw ito ng janitor. Kahit wala namang masama sa pagiging anak ng isang janitor ay ginawa pa rin iyong kalait-lait ng ilang estudyante na nagiging kasiyahan ang pang-aapak ng kapwa. Hindi na kinaya ng anak nito ang labis na pambu-bully ng kapwa nito estudyante kaya kinitil nito ang sarili nitong buhay. Nagbigti ito sa sarili nitong kwarto. Naniwala naman ang mga pulis sa dahilan na iyon ni Manong Ernie. Ngunit isang araw lang ang nakakalipas simula nang umamin

