LESSON 03

2789 Words
LESSON 03 “Saved Him” BREAK TIME. Nasa canteen si Abby. Nakapila siya sa counter para bayaran ang mga binili niyang pagkain. Marami-rami rin ang kanyang binili dahil nagugutom na talaga siya. Hindi na kasi niya nagawang mag-almusal kanina bago pumasok ng school. Na-late na siya ng gising at dahil ayaw niyang ma-late ay hindi na siya kumain ng agahan. Worth it naman kasi hindi siya na-late. Kung na-late kasi siya ay paglilinisin siya ng CR na ayaw na ayaw niyang gawin. Mga balahura kasi ang karamihan sa estudyante dito sa Santa Clara National High School. Hindi man lang linisin ang banyo matapos gumamit. Kahit ang pagbubuhos ng dumi at ihi sa bowl ay hindi ginagawa ng iba kaya naman nakakadiring maglinis doon. Limang estudyante na lang at siya na ang mauuna sa pila. Sa wakas ay makakakain na rin siya. “Bakit kaya pinapayagan na mag-aral dito ang mga nakakadiring estudyante?” Narinig niya ang isang babae na nagsalita sa kanyang likuran. Kilala niya ang boses na iyon. Paanong hindi naman niya makikilala, e, pagmamay-ari iyon ng babaeng walang ginawa sa araw-araw kundi ang paringgan at laitin siya. Walang iba kundi ang kaklase niya at class muse na si Elise. Abby, huwag mo na lang pansinin ang kulang sa pansin, paalala niya sa kanyang sarili. “Wow! Tindi rin ng sikmura ng isa dito, e. Nagagawang bumili ng pagkain gamit ang perang pinagputahan ng kanyang nanay. Ang nanay ay puta, ang anak din ay puta!” Patuloy pa rin sa pagputak si Elise kahit wala naman itong kausap. Hindi pa rin niya ito pinansin kahit sigurado na siya na siya nga ang pinaparinggang nito. Mas matino siya kesa kay Elise at alam niyang walang katotohanan ang sinasabi nito. Dati pa naman siya nitong ginaganoon. Tinatawanan siya nito mula elementarya dahil ang trabaho ng nanay niya ay pokpok sa isang maliit na bar. Hindi naman niya iyon tinatanggi. Isa pa, paano naman niya itatanggi ang isang bagay na alam na ng lahat? Ngunit mas lalong uminit ang mata ni Elise sa kanya nang iwanan ito ng boyfriend nito at ligawan siya. Kasalanan ba niya na mas maging maganda dito? Galit na galit ito at inaraw-araw na nito ang pambu-bully sa kanya sa pamamagitan ng salita nito. Masasakit na salita. Pokpok, puta, malandi, mang-aagaw at kung anu-ano pa. Lahat ng iyon ay hindi niya pinansin. Nagbingi-bingihan siya. Iniisip niya kasi na kung papatulan niya si Elise, siguradong kawawa ito. Hindi yata nito alam na sanay siya sa sabunutan at sampalan. Siya na lumaki sa magulong squatters’ area pa ang kinakalaban nito. Pero hindi. Hindi niya ito papatulan. Hahayaan na lang niya itong mapagod sa ginagawa nito sa kanya. Ang bibig lang naman nito ang mapapagod. Siya? Chill lang. Tila ayaw talagang huminto ni Elise. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita at pagpaparinig sa kanya. Parang sinasadya nito na masagad na siya. “Ang tigas din ng mukha! Mang-aagaw na nga, anak pa ng pokpok! Nakakadiri. Pwe!” Anong mang-aagaw ba ang sinasabi nito? E, sa totoo lang wala naman siyang inagaw dito dahil unang-una, hindi niya sinagot ang ex nito dahil hindi naman niya type. Masyado kasing mayabang at mahangin. Ang akala yata ay madadala siya sa chocolates, bulaklak at pambobola. Isa pa, wala pa siyang plano na makipagrelasyon lalo na at nag-aaral pa lang siya. Gusto niyang makatapos sa pag-aaral. Ayaw niyang matulad sa trabaho na meron ang kanyang ina. Siya na ang nasa unahan kaya nagbayad na siya. Sa wakas ay makakalayo na rin siya kay Elise. Matapos magbayad ay naghanap siya ng bakanteng lamesa at nakakakita naman siya. Paglapag niya ay nagkatinginan sila ng matabang lalaki na nasa kabilang mesa sa tapat niya. Sa unang tingin pa lang niya ay halatang mahiyain ito. Nginitian niya ang lalaki at gumanti naman ito ng nahihiyang ngiti. Matapos iyon ay itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa pagkain. Ngunit hindi pa man siya nakakakagat sa sandwich niya ay may narinig na siyang tila nag-aaway. Nakita niya iyong matabang lalaki na pilit na sinusuntok ang isang lalaki. Pero hindi nito masuntok dahil nakatuon ang kamay ng lalaki ng ulo ng kawawang matabang estudyante. Napasubsob ito nang biglang alisin ng lalaki ang kamay sa ulo nito. Kahit dumudugo na ang nguso ng mataba ay tinawanan pa rin ito ng lahat. Halos araw-araw ay may nakikita siyang ganoong eksena. Mga binu-bully na estudyante. Kung tutuusin pala ay mas maswerte pa siya kesa doon sa matabang lalaki. Sa kanya kasi, verbal na pambu-bully lang ang inaabot niya kay Elise. Hindi siya nito sinasaktan ng pisikal. Pero ang lalaking iyon, hindi lang sa pamamagitan ng salita ito sinasaktan kundi maging sa pisikal. Dahil sa hindi na niya kaya ang kanyang nakikita ay nawalan na si Abby ng gana na pumasok sa susunod nilang subject. Kinuha na niya ang kanyang mga gamit at iniwan ang pagkain. Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng school. Uuwi na lang siya sa kanilang bahay. Hindi talaga maalis sa isip niya ang mukha ng umiiyak na matabang lalaki na iyon. Labis siyang naaawa dito dahil hindi nito magawang lumaban. Kung may magagawa lang sana siya para tulungan ito… Pero wala. Magkatulad lang sila na biktima ng bullying. -----***----- “GRABE na talaga sila! Wala na silang pinapatawad. Pati ba naman iyong walang kalaban-laban ay binu-bully nila. Makarma sana silang lahat sa pinaggagagawa nila. Bwisit sila!” Tahimik na himutok ni Abby habang tinatahak niya ang masikip na eskinita papunta sa kanilang barung-barong na bahay. Malapit lang sa isang ilog ang kinatitirikan ng kanilang bahay na kanyang kinalakhan. Lumaki siya na walang ama. Tanging ang nanay lang niya ang nakagisnan niya. Wala naman kasi itong sinasabi kung sino ba ang tatay niya at hindi rin naman siya nagtatanong. Pero ang naririnig niya ay nabuntis ang nanay niya ng isa sa mga customer nito at siya ang naging bunga. Wala na rin naman siyang pakialam sa kung sino ang tatay niya. Lumaki at nabuhay naman siya kahit wala ito at ang nanay lang niya ang meron siya. At mabubuhay pa siya nang mas matagal kahit hindi niya makilala ang kanyang tatay. Narating na niya ang kanilang bahay. Ang akala niya ay mag-isa lang doon ang nanay niya pero ganoon na lang ang gulat ni Abby nang pagbukas niya ng pintuan ay nakita niyang hindi ito nag-iisa doon. May isang lalaki na nakapatong dito at kapwa hubo’t hubad ang dalawa. Dahil wala namang dibisyon ang kanilang bahay ay kitang-kita niya ang ginagawa ng dalawa. “Abby?!” Kahit ang nanay niya ay nagulat din nang makita siya. Agad niyang isinara ang pinto at hindi na lang pumasok. Naiinis siya. Ang usapan kasi nila ng nanay niya ay hindi ito magdadala ng customer sa bahay nila at nilabag nito ang usapan nila na iyon. “Bilisan niyo diyan!” Sinamahan pa niya ng pagkatok sa pinto ang sigaw niya. “Wait lang, Abby! Matatapos na!” ganting sigaw ng nanay niya. “Bilisan mo na! Hindi ka pa ba lalabasan?” Kahit pabulong ay dinig na dinig pa rin niya ang pag-uusap ng dalawa. “Paano ako lalabasan? Umurong!” “Lintek na! 'Andiyan na ang anak ko, e. Mamayang gabi na lang. To be continued!” “Puta! Pinasakit mo lang puson ko!” Mukhang paalis na ang lalaki dahil narinig na niya ang pagsasara nito ng zipper. “Hoy! Bayad mong damuho ka!” “'Ayan!” “Kulang ito sa napag-usapan natin, a!” “Mamaya na ang kalahati kapag naituloy na natin. Text mo na lang ako. Peste!” Bahagyang nagulat si Abby nang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking kasama ng nanay niya. Tinignan siya nito na para bang hinuhubaran siya. Gusto sana niya itong sampalin nang kindatan siya nito na sinundan pa ng pagkagat sa labi. “Teri, baka pwede itong anak mo na lang! Magdadagdag na lang ako ng bayad!” sabi ng lalaki. Kausap ang nanay niya pero sa kanyang nakatingin. Biglang lumabas ang nanay niya at sinapak ang lalaki. “'Tang ina ka! 'Wag ang anak ko. Umalis ka na nga! Tsupi!” Pagtataboy dito ng nanay niya. Ngingisi-ngisi namang umalis iyong lalaki. Padabog na pumasok na si Abby nang wala na ang lalaki. “Ano iyon? Ang usapan natin, hindi ka pwedeng magdala dito ng lalaki. Madumi na nga itong bahay natin, dinudumihan mo pa lalo!” Naiinis na sabi niya. Isinabit niya sa pako sa dingding ang kanyang bag. “Sorry naman. Hindi ko naman alam na uuwi ka ng maaga, e-- Oops!” naitakip ng nanay niya ang isa nitong kamay sa bibig. “Ah, ganoon… Matagal niyo na palang ginagawa iyon. Kapag nasa school ako, dito niyo dinadala ang lalaki niyo. Ang galing naman, 'nay!” “Sorry na nga. Hindi ko na uulitin kasi nahuli mo na ako. Ginagawa ko lang naman iyon kapag walang pang-motel ang customer ko. Para tipid… Teka, ikaw, bakit ang aga mong umuwi ngayon? Nag-cutting class ka yata, ha!” “Nawalan lang ako ng gana sa nakita ko kanina sa school at hindi ko alam mas lalo akong mawawalan ng gana sa madadatnan ko dito.” Seryoso siyang humarap sa kanyang nanay at tinignan niya ito sa mata. “'Nay, wala ka bang plano na maghanap ng mas matinong trabaho? Iyong hindi nakakahiya!” “Aba, Abby! Ikinahihiya mo ba ako? Hoy! Para sabihin ko sa iyo, itong pekpek ko ang bumuhay sa iyo simula noong bata ka hanggang ngayon. Puro kalyo na ito pero hindi ito napapagod dahil ikaw ang lagi kong iniisip. Saka anong matinong trabaho? Sa tingin mo ba, mabubuhay tayo kung magja-janitress, waitress o kung ano pang -tress ang trabaho ko?” “Pero, 'nay, pinagtatawanan ako sa school dahil sa trabaho niyo. Iniisip nila na katulad mo rin ako!” “Sino?! Sinong may sabi niyan at sasabunutan ko ang buhok sa ibaba! Aba, hindi mo ako katulad. Matino kang babae. At hinding-hindi ako makakapayag na matulad ka sa akin. Hinding-hindi! Ako na lang. Pero ikaw, ay hindi!” Akala mo ay susugod sa giyera na sabi nito. Napailing na lang si Abby sa kanyang nanay. Bagaman at ganoon ang uri ng trabaho nito ay hindi naman ito nagkukulang sa pagmamahal sa kanya. “Okay na. Basta, ayokong dinadala mo dito ang mga lalaki mo. Kapag nalaman ko na ginawa mo ulit iyon ay lalayasan na talaga kita,” banta niya. “Oo na. Oo na! Siya, sige. Lalabas lang ako at nagutom ako. Bibili lang ako ng turon. Gusto mo ba?” Umiling siya. “'Wag na. Busog pa ako.” Pagkasabi niya niyon ay lumabas na ang kanyang nanay. Nakaramdam naman siya ng tawag ng kalikasan. Kinuha niya ang arinola at pumunta sa banyo nila. Ang banyo nila ay kaharap ng ilog. Kapag dumudumi sila o umiihi sa arinola ay doon nila itinatapon. Wala naman kasi silang toilet bowl. Umupo na si Abby sa arinola at umihi. Matapos ay binuksan na niya ang bintana sa banyo at itinapon doon ang laman ng arinola. Pagkatapon niya ng ihi ay aksidente siyang napatingin sa tulay na siyang tawiran ng mga tao at sasakyan para makatawid sa ilog. Ganoon na lang ang gulat niya nang may makita siyang lalaking tumalon mula roon. “Diyos ko!” bulalas niya. Walang pagdadalawang-isip, kusang gumalaw ang katawan ni Abby. Tumalon siya sa ilog mula sa bintana. Hindi na niya alintana kahit pa sa parteng iyon ng ilog niya itinapon ang kanyang ihi. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang mailigtas ang taong tumalon. Sigurado naman kasi siya na magpapakamatay iyon. Alam naman din niya sa kanyang sarili na kaya niyang iligtas ang taong iyon. Marunong siyang lumangoy dahil lumaki siya na naliligo at naglalangoy sa naturang ilog. Huminto na nga lang siyang gawin iyon nang magkaroon na siya ng isip at naisip niya na marumi ang ilog. Medyo may kalayuan ang pinagtalunan ng taong iyon pero hindi nararamdaman ni Abby ang pagod sa paglangoy. Parang may kung anong puwersang nagtutulak sa kanya para hindi makaramdam ng pagod. Hanggang sa marating na niya ang spot kung saan tumalon iyong lalaki. Huminga siya nang malalim at nag-ipon ng hangin saka siya sumisid. Pinilit niyang hanapin ang lalaki kahit marumi at malabo ang tubig. Sa pagsisid niya ay may nahawakan siyang kamay ng tao. Agad niya iyong hinawakan nang mahigpit at hinila paitaas sa ibabaw. Habol ang kanyang paghinga nang maiangat niya ang walang malay na lalaki. Kumampay siya papunta sa pampang pero nahihirapan siya. Mabigat ang lalaki. Sa madaling salita ay mataba ito. Pero hindi pinanghinaan ng loob si Abby. Gusto niya talaga itong iligtas. Hindi yata siya papatulugin ng kanyang konsensiya kung hahayaan niya lang itong mamatay gayong nakita niya ang pagtalon nito. Sa wakas! Matapos ang paghihirap sa paghila sa lalaki ay nadala na niya ito sa pampang. Inihiga niya ito sa lupang tinutubuan ng mangilan-ngilan na water lily. Bahagyang may tubig kasi sa parteng iyon. Nang makita niya ang mukha ng lalaki ay nagulat siya nang malaman na ito iyong matabang lalaki na binu-bully sa canteen kanina. Suot pa nito ang uniform ng kanilang school. Ano naman kaya ang naisipan nito at gusto nitong magpakamatay? Pinulsuhan niya ang lalaki. May pulso pa naman ito at humihinga pa. Pi-nump niya ang dibdib ng lalaki at kahit hindi maalam ay binugahan niya ng hangin ang bibig nito habang pisil ang ilong. Wala siyang alam sa pagliligtas sa taong nalunod pero ginawa na lang niya ang alam niya. Pump sa dibdib, buga ng hangin sa dibdib. Paulit-ulit. At ganoon na lang ang saya ni Abby nang umubo ang lalaki at sumuka ito ng tubig. Iniupo niya agad ito habang hinihimas ang likuran. “Sige, isuka mo lang lahat ng tubig…” aniya. Pagkatapos nitong umubo ay tumingin ito sa kanya. Ilang segundo itong nakatulala sa kanya na para bang hindi nito alam ang nangyayari. Maya maya ay umubo ulit ito at yumuko. Napansin niya na tumataas-baba ang balikat nito. Indikasyon na umiiyak ang lalaki. Hinayaan niya lang ito. Sa tingin niya ay alam na niya kung bakit ito nagtangka na kitilin ang sariling buhay. “Dahil ba sa pambu-bully nila sa iyo kaya ka tumalon?” tanong ni Abby. “H-hindi mo na dapat ako iniligtas. Hinayaan mo na lang sana akong mamatay. Bakit mo pa ako pinakialaman?” anito sa pagitan ng pag-iyak. “Kung hindi kita nakitang tumalon, hindi kita ililigtas. E, nakita kita. Hindi naman kaya ng konsensiya ko na hayaan ka na lang.” “Hindi mo alam ang ginawa mo! Gusto ko nang mamatay! Naiintindihan mo ba iyon? Palibhasa, hindi mo ako naiintindihan. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, siguro ay ganito rin ang gagawin mo!” “Mali ka. Naiintindihan kita dahil parehas tayo ng pinagdadaanan. Pero mas pinipili ko pa ring mabuhay. Binu-bully rin ako sa school. School natin…” Maang na napatingin ang lalaki sa kanya. “Parehas tayo ng school? Santa Clara National High School?” Tumango si Abby. “Katulad mo, binu-bully rin ako kaya naiintindihan kita. Nilalait nila ako dahil sa anak ako ng pokpok. Tinatawanan nila ako dahil pokpok na rin daw ako at malandi. Salita lang pero masakit dito…” itinuro niya ang tapat ng kanyang puso. “Ikaw, bakit ka ba nila binu-bully?” “Obvious ba? Dahil sa mataba ako at malakas kumain.” “Grabe sila, 'no? Hindi naman natin sila pinapakialaman pero kung bully-hin nila tayo parang ang laki ng atraso nila sa atin. Alam mo, mali ang magpakamatay ka dahil lang sa binu-bully ka. Kapag kasi ginawa mo iyon, papatunayan mo lang sa mga taong nambu-bully sa iyo na mahina ka. Isa pa, ang mga magulang mo, kaya mo ba silang makita na umiiyak dahil sa wala ka na? Hindi ba’t napakasakit no’n? Ako, kahit pokpok ang nanay ko at parang ako pa ang umaastang nanay sa aming dalawa, mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ako gagawa ng bagay na masasaktan siya.” Hindi na namalayan ni Abby na pumapatak na pala ang kanyang luha. Parang ito kasi ang unang beses na nailabas niya sa ibang tao ang pinagdadaanan niya. Iyong puso sa puso talaga. Pinalis niya ang kanyang luha gamit ang kamay. “Hay! Ano ba 'yan? 'Kita mo na. Pinaiyak mo ako!” Bahagya siyang tumawa. “Sorry…” Isang malaking ngiti ang ipinakita ni Abby sa lalaki. “Kung iniisip mo na wala kang kaibigan, nandito ako. Pwede tayong maging magkaibigan. Tutal parehas naman tayo ng pinagdadaanan, e.” “Talaga? M-magkaibigan na tayo?” “Oo. Basta, huwag ka nang magpapakamatay ulit, ha!” Masayang sabi niya sa lalaki. CLASS DISMISSED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD