SA bukid... Nasa kalagitnaan na ng ginagawang pagsisinop ng mga pananim ang mag-ama nang malakas na bumuhos ang malakas na ulan. Sinasabayan iyon ng malakas na ihip ng hangin. "Alger, anak! Maayos ka ba diyan?!", malakas na sigaw ni Julian upang alamin ang kalagayan ng anak. "Opo, itay! Huwag po kayong mag-alala sa akin!", malakas na sagot ni Alger habang nagmamadaling sinupin ang maliliit na katawan ng kanilang mga tanim. Maagap din nitong pinupulot ang mga bungang naglalaglagan na maaari nang iluto at makain. Basang-basa na ang mag-ama at ang suot na mga kapoteng anahaw ay nawasak na ng hangin nang makatapos sila sa gawain. "Alger! Tama na 'yan! Lumapit ka na dito at nang makauwi na tayo sa bahay! Masyado ka nang babad sa lamig! Halika na!", tawag ni Julian sa anak na pinupulot pa a

