"MAGAGAWA ko po iyon, inay, lola! Nagawa ko po ang mailipad ang itay pauwi. Hamak ang bigat niya kung ikukumpara sa isang babae.", buo ang loob na mungkahi ng panganay sa magkapatid na kambal. Tumayo si Aling Dalmacia at nilapitan ang apo. "Apo, nasisiyahan akong makita ang pagmamalasakit at pagnanais mong makatulong. Ngunit hindi magiging madali para sa iyo ang nais mong gawin. Hindi mo alam kung saan nakatira si Idang. Isa pa, isang beses mo lang siyang nakita, iyon ay noon pa na limang taong gulang ka pa lang.", malumanay na paliwanag ni Aling Dalmacia. "Tama ang iyong lola, anak. Lubhang mapanganib ang pagpunta sa patag. Kung may makakakita sa'yo ay tiyak na magkakagulo at mapapahamak ka.", dugtong ni Esmeralda. "Mag-iingat po ako kung 'yon ang inaalala n'yo, inay. Liliparin ko ang

