"JULIAN..?", alanganing tanong ng Teniente. Nag-alalang labis na ikinabahala ng kausap ang batang dimonyong ibinalita niya. "P-po?", bahagyang napaigtad pa si Julian nang magsalita. "Hindi ko kako napapansin si Dalmacia at ang mga anak mo. Pihadong malalaki na ang kambal mo.", pag-uulit ng Teniente sa tanong. "A-ah,eh..." "S-sa bayan na po naglalagi ang inay at ang mga bata, Teniente.", agaw na pagsisinungaling ni Esmeralda habang iniiwasan ang mga mata ng kausap. "Ha?! Aba'y kaylan pa?", gulat na tanong ng pinuno ng baryo. "M-may ilang araw na rin po. Pag-aaralin daw po ng kamag-anak ng inay ang mga bata doon.", dagdag ng ginang sa kasinungalingang naumpisahan. "Patawad po, Teniente. Hindi ko nais na kayo ay lokohin ngunit hinihingi ng pagkakataon. Huwag na po kayong magtanong pa u

