LAKING gulat ni Aling Idang nang makasalubong ang mga kababaryo na kasama ang bunsong apo ng kaibigang si Dalmacia. Si Pining naman ay napanganga pagkakita kay Arun. Hindi makapaniwala na may Anghel na karga-karga ang isa sa mga kapitbahay nila. "Aling Idang! Ano ho ang ginagawa n'yo dito ng apo n'yo?!", gulat na tanong ng teniente del baryo. "H-ha? A-ah eh..." atubiling nasambit ng matandang hilot. Hindi malaman kung ano ang isasagot sa tanong ng nirerespetong pinuno ng baryo. Inakala naman ng teniente na ang kawalan ng mahagilap na sagot ng ale ay dahil sa batang anghel na kasama nila. "Naabutan namin s'yang nakahandusay sa damuhan at may bali ang isang pakpak. Maaaring napalalaban s'ya sa batang dimonyo na hinahanap namin sa gawing ito ng dulong bukid. Hindi namin alam kung nakapag

