Chapter 1
Tatlong araw na lng at magre-reunion na sila James at Jason kasama ay iba nilang mga ka-klase nung high school, kilala sila nuong bata pa dahil sa taglay nilang talino at higit pa dun malakas ang s*x appeal. Maraming nagkakagusto sa kanila pero wala silang paki alam dahil happy go lucky ang dalawa. Si Jason ang masyadong abala sa kanilang reunion dahil siya ang naatasan para sa kanilang reunion, kinontak siya ng admin nila para siya ang mag-asikaso para sa paparating nilang reunion.
RING...RING... RING
" James, pupunta ka ba sa reunion natin? " hindi ko sigurado dahil marami akong ginawa sa opisina, pero hahabol ako "
" ano ba naman yan, minsan lang tayo magkita kita kaya dapat pumunta ka " Medyo nagagalit na boses ni jason
" hahaha.... titingnan ko " na nakakalokang tawa ng kaibigan
Kaya binaba na lang ni jason ang fone at baka mainis pa ito sa kaibigan, likas kasi sa dalawa ang mag inisan pero kahit ganun pa man sa huli sila pa din ang mag bestfriend.
Napatingin sa fone si james pero nakita niya na binaba na pala ng kaibigan niya ang telepono kaya tumawag ito sa kaibigan.
" hello jason, huwag ka ng mainis sa akin. Inaasar lang kita, pupunta naman ako dahil minsan lang naman tayo magkita kita.
Tinanong na din niya kung sinu-sino ang mga pupunta sa reunion.
" nakakainis ka kasi brod, alam mo naman na busy ako, tawanan mo pa ako at sabihin na susunod ka na lang ei kilala kita kapag ganyan sinabi mo, sure ako na hindi ka pupunta. Mamumuti mata namin sa kakaantay at walang susulpot na james.
" pupunta ako, sunduin na lng kita para sabay na tayo pumunta sa venue, magha-half day na lang ako tutal kina umagahan ei sabado na kaya pwedeng pwede ako ma-late ng uwi"
Napangiti si jason sa narinig, akala niya talaga hindi pupunta ang bestfriend niya, indian kasi yun sa dami ng usapan nila dati halos lahat hindi nun pinuntahan.
" nga pla james, anong sasakyan dadalhin mo? "
" bka yung itim na honda, tutal dalawa lang naman tayo.Nga pala hindi mo pa sinasagot tanong ko sa iyo brod. Sinu-sino ba ang pupunta sa reunion natin? "
" hahaha... bakit interesado ka brod? May ine-expect ka ba na pupunta? "
" loko loko, wala naman, sige na nga sa friday na lang sunduin kita sa office mo at magtra-trabaho na ako " at binaba na ang telepono. Pagka baba nila ng telepono nagtrabaho na si james at biglang napa-isip. " pupunta kaya dun si Alea?
Hmmmm.... Si Alea ang dating kasintahan ni james pero wala silang formal break up kaya ano kaya magiging reaksiyon niya kung sakali nandun siya sa reunion.
Bahala na nga tutal bata pa naman kami nuon at saka may asawa na naman siya kaso patay na at may malalaking anak na din, malamang nakalimutan na niya na dating naging sila.
Nagpatuloy na sa pagtra-trabaho si james nang may biglang may kumatok sa pinto.
Knock...knock...knock
" come in " sabi ni James
Nagulat siya nung nakita niya na head supervisor pala niya ang kumatok.
" Sir, kayo po pala? "
" James may bagong project tayo sa bgc and gusto ko ikaw at mga team mo ang gusto kong magdesign dun "
" sir kelan po ba i-check yung site para macheck ko kung sino sa tao natin ang pwedeng sumama sa akin"
" bukas daw sabi ng client natin "
" sir pwede po ba sa umaga? Kasi halfday lang po ako dahil may reunion akong pupuntahan "
" ikaw na lang ang makipag usap sa client kung anong oras siya pwedeng puntahan " Tumango na lang ito sa boss niya, at saka lumabas ng kwarto boss niya.
" naku papaano kaya ito, may project akong pupuntahan at baka magalit na ng tuluyan ang bestfriend ko sa akin, iisipin nun totoong indian ako " nag iisip si james kung papaano niya sasabihin sa brod niya na mauna na lang siya at baka ma-late sila ng punta sa venue, siya pa naman isa sa nag oorganize ng reunion nila.
Mga ilang sandali pa ay nagtext sa kanya ang brod niya para paalalahanan siya na dapat maaga silang magkita dahil marami pa siyang aayusin sa venue. Magbabayad na din siya para sa 24 hrs na rent ng venue. Yung mga pagkain pa na maagang ide-deliver na siya ang tatanggap at mag-aayos.
“ brod, maaga tayong magkita bukas dahil marami pa akong aasikasuhin sa restaurant, kailangan mauna tayo dun ha? “
Nung nabasa ni james ang message na yun, nag-alala lalo siya dahil may site visit sila bukas para sa bagong client nila. Hindi alam ni James kung ano ime-message niya sa kanyang brod dahil siguradong magagalit yun kung hindi niya ito masusundo agad. Nag iisip ng magandang messge ang kaibigan niya. Umabot ng isa or dalawang oras kaya biglang nag message agad yung kaibian niya.
“ James, suguradin mo na makakapunta ka kahit hindi mo na ako masundo sa opisina, importante sa reunion nandun ka dahil kung hindi magagalit talaga ako sa iyo “
Parang nabunutan ng tinik si James dahil nakakaramdam na ang kaibigan niya na hindi niya magawang maagang pumunta sa opisina ng kaibigan pero pupunta naman yun kahit late na. Nagmessage na siya at inisip niya na bahala na total kilala naman niya ako.
“ brod, pasensya na kung hindi na kita masusundo bukas dahil may bago kaming client na dapat kong puntahan bukas pero promise ko na susunod ako sa reunion. See you! “
At agad sumagot ang kaibigan niya…
“ siguraduhin mo lang na pupunta ka brod dahil ako ang organizer tapos ikaw pa ang mawawala dun”
Pagkatapos ng text message nila ay agad nagpatawag ng meeting si James, tumawag sa intercom at sinabi na may meeting sila para sa bagong client. After 15 minutes magstart ang meeting.
Knock..knock…knock
“ sir… “
“ inside guys “ sab ni James
Isa isa nagpasukan ang mga tao ni James, at umupo sa harap ng lamesa niya.
“ kumpleto na ba tayo? “ tanong niya sa mga tao niya
“ yes, sir “
“ ok, let’s start. May bago tayong client at tayo ang gagawa ng renovation ng restaurant nila sa Bgc kaya kailangan ko ang tulong ninyo “
“ kelan po natin pupuntahan ang restaurant sir? “
“ tom, kaya ikaw Cris ang magiging kasama ko para mag site visit at kuhanan ang restaurant. Ibibigay ko sa iyo ang telephone number ni Mr. Santos para ikaw ang magset ng meeting, yung iba naman ang mag-aayos ng mga kailangan naming dalhin bukas. Ano guys kaya ba natin ito? “
Nagtanguan ang mga tao ni James. Na halatang kayang kaya nila ang assignment nila.
“ ok guys, I will update you tom kung ano kalalabasan at ipapakita din namin ni Cris ang picture para mapag aralan natin ang lugar at sa lunes saka tayo magmeeting tungkol dun. Kung wala na kayong tanong guys tapos na ang meeting natin. Cris stay dahil ibibigay ko sa iyo ang number ni Mr. Santos. “
“ ok sir “ sagot naman ni cris sa boss niya
Hinanap niya ang number ni Mr. Santos sa computer niya at ibinigay niya ito kay cris.
“ paki tawagan yan Cris, para malaman natin kung anong oras tayo pupunta dun. Mas maganda kung umaga dahil half day lang ako tom dahil may pupuntaha akong reunion kaya dapat umaga sana ha? “
“ Noted sir “
Lumabas na ng kwarto si Cris kaya tinapos na ni James ang ibang trabaho niya dahil ayaw niyang matambakan siya ng trabaho pag balik niya sa opisina sa lunes.
Malapit na uwian pero wala pa din akong natatanggap na update para sa client nilang si Mr. Santos kaya minabuti niya na puntahan si Cris para tanungin niya ito.
“ Cris, ano na update kay Mr. Santos?
“ sir hanggang ngayon po hindi pa din po niya sinasagot ang tawag ko “
“ ah ganun ba? Sige try kong ako tumawag baka sakaling sumagot sa akin “ at pumasok na siya sa loob ng opisina niya
Kinuha niya ang celfone niya at tatawagan niya sana kaso naisip niya na I-message muna bago tawagan.
“ Good afternoon Mr. Santos, this is James po yung interior designer na gagawa ng restaurant ninyo. I just want to ask if what time kayo available tom para makapag site visit kami? Thanks! “
Mga ilang minute ang may tumawag sa kanya pero ibang number ang nag appear sa fone niya kaya nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba ito or hindi pero bigla niyang sinagot ito.
“ hello, how’s this? Tanong ni James sa tumawag
“ hello James, this is Mr. Santos “
“ oh sir, nagmessage po muna ako bago sana ako tumawag sa inyo kaso po baka medyo busy kayo dahil yung isag tao ko tawag ng tawag daw po sa inyo pero hindi ninyo nasasagot “
“ ah… siya ba yun? Naiwan ko kasi yung fone na yun, tinawagan lang ako ng asawa ko para sabihin na nagmessage ka kaya ako tumawag sa iyo. “ sagot naman ni Mr. Santos
“ oh… pasensiya na po sir. by the way ask ko lang po sana what time kayo free tom? Tanong agad ni James sa client
“ actually im not available tom pero you can check and visit the restaurant, and iiwanan ko din yung blueprint para madala ninyo.
“ sige po sir, papadala na lang po ako ng isang tao para ma-check yung lugar at makuha yung blue print, anytime naman sir pwede siyang pumunta sa restaurant?
“ yes “ sagot ni Mr. Santos
“ ok sir, then will call you on Monday para mapag usapan kung ano ang gusto ninyong design pero gagawa din po kami ng design para mapakita sa inyo “
Nang matapos silang mag-usap ay pinuntahan agad ni James si Cris para sabihin na siya na lang ang pupunta sa Bgc.
“ Cris, nagka usap na kami ni Mr. Santos, hindi siya available tom pero pwede natin kuhanan ang restaurant at sukatin plus yung blue print. Ikaw na lang ang pumunta dun at kung may gusto kang kasama pwede mong isama, gamitin ninyo yung company car sa pag punta dun, kumuha na din kayo ng budget para tom. Tawagan mo ako tom at I-send sa email ko ang mga pictures, iwan mo na lang din ang blueprint sa opisina ko para sa Monday makita ko agad. “
Tumango lang si Cris kay James, dahil sobrang bait kasi ang boss nila kaya kahit ano i-utos niya ang sinusunod agad ng mga tao niya.
“ hindi pa ba kayo uuwi? Tanong ni James
“ hindi pa sir, maya maya pa po ng konti “ nakangiting sgot niya ditto
Tumalikod na si James para bumalik sa opisina at nagligpit na ito ng gamit para maka uwi na agad. At biglang tumunog ang fone niya
“ brod, remind ko lang tom ha? See you “
“ oo brod, pupunta ako. See you too “ nakukulitan na sagot ni James
“ saka nga pala wear blue brod ha?
Hindi na sumagot si James dahil lumabas na agad ito sa opisina at dumiretso na sa parking lot. Mga ilang saglit na ay nakarating na agad ito sa bahay nila. Nakita niya ang nanay niya na naka upo sa sofa habang nanunuod ng balta sa t.v. lumapit sa James para yakapin at halikan ang nanay niya.
“ Parang ang aga mo yata naka uwi ah? Tanong ng nanay nito sa kanya
“ ay opo mi, hindi po ma-traffic kasi “ sagot naman ni james sa nanay niya
“ tamang tama sabay na tayo kumain dahil nauna ng kumain ang tatay mo “
“ sige po mi, magpapalit lang po ako ng damit at bababa na din po ako agad “
Kaya kinuha na niya ang gamit niya at umakyat na agad sa kwarto, mga ilang saglit pa ay bumaba na ito at nakita niya na naka ahin na ang lamesa. Agad itong tumungo dun at umupo agad para makakain. Kailangan niya kasing asikasuhin ang damit niyang isusuot bukas para sa reunion nila. Kahit na puros asul naman ang mga damit nito.
“ bakit ang bilis mong kumain? Nagtatakang tanong ng nanay niya sapagkat mabagal itong kumain
“ hahaha… kasi mo mi kailangan ko pa po kasing maghanap ng damit na isusuot ko para bukas dahil bukas na po ang reunion naming “
“ ganun ba? Sige tulungan kitang maghanap ng damit mo para bukas “
Tumango na lang si James, at ng matapos silang kumain ay kinuha na agad ni James ang mga pinggan para mahugasan na agad. Ang nanay naman niya ay umakyat na sa taas. Maya mya bumaba ang nanay at inabot ang puting tshirt. Napaka simple pero pag sinuot ni James ay talaga naman masasabi mong ang gwapo niya. Umiling si James sa nanay niya at sinabi
“ mommy, hindi po pwede yang puti na yan kasi po sabi nila dapat daw blue ang kulay ng isusuot namin “ pa tawa tawa si James hanggang sinasabi niya ito sa nanay niya
“ sige, halika umakyat na tayo at maghanap na tayo ng blue na damit mo “ sabay hatak sa kamay na anak niya
Nung nasa kwarto na sila, may nakita ang nanay niya na dark blue na polo shirt, kinuha niya agad yun at binigay kay James.
“ anak, isuot mo. Bagay yan iyo at lalo kang magiging gwapo at maputi “
Sinuot naman ni James at tumingin sa salamin, nakita niyang bagay sa kanya tapos magsusuot siya ng butas butas na pantalon sabay na Armani na pabango. Sa isip isip niya ang gwapo gwapo niya siguro pag yun sinuot niya kaya agad niya ito nilagay sa hanger at pinasok sa honda na gagamitin niya para bukas.
Pag akyat niya, nilapitan niya ang nanay niya sabay yakap at halik
“ goodnight mi, thank you “
“ goodnight anak, your welcome “
At pumasok na sila sa knya kanyang kwarto.