Chapter 12

3141 Words
Maagang nagising si Alex at bumaba ito para magluto ng agahan. Nakita niya ang nanay ni James. “ Good morning Ma, dito po ako natulog kasi wala po sila mommy kaya sinabi mo ni James na dito na muna ako matulog para may kasama ako. Ok lang po ba? “ “ Good morning anak, oo naman. Welcome ka dito, parang anak na din naman kita “ naka ngiting sagot ng nanay ni James “ Ma, ano po ba ang pwedeng lutuin dito para bago kami pumasok “ “ anak, humanap ka na lang sa ref. Ikaw na ang bahala “ Kaya pumunta na agad si Alex sa kusina para maghanap ng maluluto. May nakita siyang pancake kay yun na lang ang niluto niya. Nang malapit na ito matapos sa pagluluto ay bumaba si James. “ Good morning mi, good morning hon. Bakit nagluluto ka? “ “ para bago tayo umalis makakain na tayo saka pinagluto ko na din sila mommy at daddy para may agahan na din sila “ “ ang swerte ko naman “ sabay yakap “ hon pag out natin, daan tayo sa grocery para makabili tayo ng food natin dito “ Tumango naman agad si James. Naisip ni James na hindi siya nagkamali sa panliligaw kay Alex dahil mabait sa magulang niya at maalaga sa ka-relasyon nila. Hindi niya napansin na ayos na pala ang lamesa dahil sa maagang pag da-day dream. “ hon, upo ka na dito. Kumain ka na para makaligo na tayo, ano ba ang gusto mong inumin? “ tanong ni Alex “ ako na hon, ikaw ano gusto mong inumin? “ “ magtutubig na lang ako hon, sige na kumain ka na. ako na ang kukuha ng tubig natin “ “ mi, kain na tayo. Nasaan pala si daddy? “ tanong ni James “ nak, bumili ng tinapay. Sige mauna na kayo dahil may pasok pa kayo. Aantayin ko na lang daddy mo para sabay na kami kumain “ At kumain na ang dalawa. Makalipas ang trenta minuto ay natapos na kumain sila James at Alex. “ hon, maligo ka na at ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin “ sabi ni James “ sige, akyat na ako hon “ Kaya naghugas na agad si James ng mga pinggan. At umakyat na din agad sa kwarto para maligo. Humanap si James ng maliit na t-shirt para kay Alex dahil wala itong dalang damit, nilagay lang niya sa ibabaw ng kama para pag tapos maligo ni Alex ei yun ang masuot niya. Nang matapos maligo ni Alex ay si James naman ang naligo, nakita ni Alex na nandun na mga damit nila kaya nagbihis na agad ito. Habang nag aantay siya na matapos maligo si James at bigla naman ito nakatanggap ng text galing sa isang kaibigan niya dahil sa darating na reunion. At Nung lumabas si James sa cr ay agad niya ito kinausap. Nagpaalam siya dahil mamaya may meeting sila. In two weeks time reunion na nila. Pumayag naman si James na makipagkita si Alex sa mga kaibigan niya. Sinabi ni James na siya na lang ang maggro-grocery habang inaantay niya ito. Tumango naman si Alex. Habang nag uusap sila ay napatingin si Alex sa katawan ni James at parang nag init ang katawan niya dahil sa ganda ng katawan ng boy friend niya. “ hon, why? “ tanong ni James “ ha? wala hon “ sabay yuko “ ikaw ha? pinagnanasahan mo na ako? “ “ uy, hindi. Bakit naman kita pag nanasahan? Wala ka nga muscle sa katawan “ sabay tawa “ grabe ang hon ko sa akin, pag ako nagka muscle. Who you ka sa akin “ naka tawang sagot nito “ bilisan mo na, ang bagal mo naman kumilos. Dapat pala ikaw ang unang naliligo bago pa tayo maka alis tuyong tuyo na buhok ko “ nang iinis na sabi ni Alex “ grabe ka sa akin hon ah “ at nagmadali na ito mag ayos Nauna ng bumaba si Alex at baka hindi pa niya mapigilan sarili niya ma-rape niya ito. Pagbaba ni James ay nagpaalam na ito sa nanay niya. “ mi, aalis na po kami ni Alex “ sabi ni James “ buti naman natapos ka na, akala ko absent ako ngayon sa tagal mo “ Natawa ang nanay ni James sa sinabi ni Alex. “ anak mamaya pag uwi ninyo, sabihan mo kay James na maligo na para bukas para bukas hindi ka na mag antay ng matagal “ “ mi, pati ba naman kayo? “ sabay yakap at halik “ hon, yung sasakyan ko na lang ang gamitin natin? “ sabi ni James “ sige, tapos sa meeting ninyo. Hatid mo ako sa grocery at sunduin mo na lang din ako pag tapos ng meeting nyo? “ “ hon ko, sosyal na talaga. Hatid sundo sa grocery “ natatawang sagot ni Alex “ sige huwag na nga lang, mag grab na lang ako hon “ “ uy, binibiro ka lang “ at hinalikan niya sa lips si James at niyakap niya habang nagdri-drive ito. Mga ilang sandali pa ay dumating na sila sa bahay nila Alex at pina pasok niya ang sasakyan.  “ hon, pasok ka na muna. Mag aayos lang ako ng gamit at kakausapin ko lang mga kasama ko na sa iyo muna ako mag-stay “ “ sige hon “ Habang nag aantay si James ay tumawag naman siya kay Cris. “ hello Cris, kumuha lang kami ni Alex ng mga damit niya tapos pupunta na ako diyan “ “ hello sir, sige po. Sabi nga pala ni Mr. Santos tayo na lang daw bumili ng piano para sa restaurant niya para maganda daw po sa design natin “ “ ah, sige. Pag malapit na matapos yung renovation kamo “ “ ok sir “ Binaba na ni James ang fone, at nagpa ikot ikot ang mata para makita ang buong bahay nila Alex. Manghang mangha talaga siya sa laki at ganda, halos wala sa kalahati ang laki nito sa bahay nila. Tumayo at naglakad lakad siya, nakita niya ang magandang swimming pool kaya siguro sinabi niya na sa sabado dito iinom dahil halos kumpleto na dito. “ hon, matagal ba? “ tanong ni Alex “ no hon, ok na ba? “ at kinuha niya yung gamit ni Alex “ ok na hon, halika na “ yaya ni Alex Kaya pumunta na sila sa sasakyan at saka umalis. Hindi na pumunta si James sa opisina at dumiretso na sila sa Bgc dahil baka malate ang girl friend niya. Mga isang oras ay nakarating na sila sa opisina ni Alex at duon na din siya nag-park. “ hon, bakit dito “ tanong ni Alex “ maglalakad na lang ako hon, papunta dun para mamaya pag out mo dumiretso ka na agad sa meeting ninyo ng mga classmate mo “ sabi ni James “ diba ihahatid kita sa grocery saka susunduin? “ “ huwag na may malapit na grocery store naman dun, dun mo na lang ako sunduin pag tapos ng meeting nyo? “ At binigay na ni James ang susi kay Alex. “ hon, diba sabay tayong maglu-lunch? “ “ tingnan ko hon, marami kasi akong naka pending na design kailangan kong maghabol. Text na lang tayo mamaya “ at hinalikan na niya ito at naglakad na papunta sa restaurant. Mga ilang saglit pa ay nakarating na ito sa restaurant at agad ng nagtrabaho. Wala pang lunch ay nagugutom na si James dahil pancake lang ang kinain nito, kaya naisipan niyang lumabas. Niyaya niiya si Cris pumunta sa venice at kumain sa Mcdo. Habang kumakain sila James at Cris ay tumawag sa kanya si Alea. “ hello James, Nasaan ka? “ tanong niya “  hello Alea, nasa venice. Bakit? “ “ nasa labas kasi ako ng restaurant kung saan kayo nagre-renovate ei “ “ anong ginagawa mo diyan? “ tanong nito “ may dala akong food sa iyo? “ “ sige, iwan mo na lang diyan. Salamat “ saka binaba ni James ang fone Kaya iniwan ni Alea yung food para kay James, nung paalis na siya nakita niya sasakyan ni James kaya pinuntahan niya agad ito. Nagulat siya nung iba ang lumabas ng sasakyan. “ Sino ka? “ gulat na tanong ni Alea “ ha? “ “ Bakit mo gamit sasakyan ni James? “ excuse me? I’m Alex “ “ so? Bakit gamit mo sasakyan ni James? “ “ walang masamang gamitin sasakyan ni James, unang una girl friend niya ako. Wait… you must be Alea? Right? “ “ yes, ako nga “ “ ikaw ano ginagawa mo dito? At bakit text ka ng text at tawag ka ng tawag sa boy friend ko? “ Nakasagutan na sila Alea at Alex hanggang nakita ni James kaya agad yun pumunta dun. “ Alea, hon, anong nangyayari? “ “ bakit ka pinupuntahan dito? Kayo ba? “ tanong ni Alex kay James “ no hon, mag-kaibigan lang kami “ “ girl, narinig mo? Magkaibigan lang kayo kaya know your limitation, nakakasagasa ka na “ Inawat na ni James si Alea para hindi na humaba pa usapan. “ nandun pala ang food mo sa restaurant, kunin mo  na lang “ sabay alis Inis na inis si Alex kaya imbis na magstay siya ay umalis na lang din. “ hon, wait “ “ kaya pala ayaw mong sabay tayo kumain ng lunch kasi may magdadala ng pagkain sa iyo? “ “ hindi hon, hindi ko alam na may dala siyang pagkain “ “ naku huwag ako James, huwag mo ako susundan “ sabay talikod at pumasok sa sasakyan Tinatawagan ni James si Alex pero hindi niya sinasagot ang tawag nito sa kanya. Hanggang umabot ng ala-singko ng hapon. Nagmessage lang si Alex na out na siya at pupunta sa meeting. Sinubakan ulit niyang tawagan si Alex ngunit hindi ito sinagot. Minessage na lang niya si Alex. “ hon, maya maya pupunta na ako sa grocery. Ano ba ang gusto mo? “ tanong ni James Pero hindi sumagot si Alex kaya ng matapos si James sa ginawa ay pumunta na ito agad sa grocery at namili na ng mga kailangan at pagkain nila sa bahay. Mga ilang sandali pa ay natapos na mag-grocery si James kaya tinawagan niya si Alex. Ngunit hindi pa din ito sinasagot. Kaya naisipan niyang i-message si Alex. “ hon, tapos na ako mag-grocery, susunduin mo ba ako dito o mag-grab na lang ako pauwi? “ Habang nag aantay ng sasgot si James ay naghanap muna ito ng smoking area para makapag yosi. Hanggang sa naka tanggap na ito ng message galing kay Alex. “ iniwan ko pala ang susi ng sasakyan sa opisina, kunin mo na lang sa guard yung susi tutal kilala ka naman niya “ Nung mabasa ni James yun ay agad siyang tumawag, pero hindi nito sinasagot ang tawag ni James. Kaya naisip niyang i-message na lang ito ulit. “ hon, wala akong kasalan para ganituhin mo ako “ Nag antay lang ulit ito ng reply galing kay Alex, pero hindi na sumagot. “ sige, kung ayaw mong magreply, hindi kita pipilitin. Mag-grab na lang ako, ikaw na ang kumuha ng susi at kung saan mo gustong umuwi, ikaw na bahala “ At nagpa-book na agad ito ng grab at umuwi na sa bahay. Nang makarating sa bahay ay agad inayos nito ang pinamili niya at umakyat na din agad sa taas para magshower. Alas diyes na ng gabi ngunit walang tawag o text sa kanya si Alex, nag aalala na siya kaya tinawagan na ulit ito. Ngunit hindi pa din ito sinasagot, naiinis na si James dahil wala naman siyang kasalanan pero bakit hirap na hirap siya sa nangyayari sa kanila. Minessage niya ulit ito. “ hon, ano ba? Nasaan ka na ba? Uuwi ka ba dito? “ Mga ilang sandali pa ay sumagot na si Alex. “ huwag mo akong antayin, matulog ka na. uuwi ako kung kelan ko gusto “ “ ah… ganun ba? Girl friend kita, wala na ba akong karapatan alamin kung nasaan ka? “ “ dun ka na lang sa Alea mo, bukas ipapahatid ko sa iyo yung sasakyan mo or kunin mo sa office “ “ hon naman, wala naman kami ni Alea. Magtiwala ka naman sa akin. Mahal kita at hindi kita lolokohin, please naman “ At hindi na sumagot pa uli si Alex. Kaka antay ni James kay Alex ay nakatulog na ito, nagising siya ng umaga na pala. Naligo na agad si James at nag ayos ng gamit. Pag baba niya nakita niya ang nanay niya na kumakain na ng almusal. “ anak, kumain na kayo? Nasaan pala ang sasakyan mo? Hindi ko nakita kanina “ “ good morning mi, ah… dala po ni Alex kasi may mi-neet po siya na mga classmate niya nung highschool, siguro nagkasayahan kaya hindi na nakauwi dito “ “ ganun ba? Sige kumain ka na, ipagbabaon ko na lang si Alex para madala mo sa office niya mamaya “ Tumango lang ito sa nanay niya at kumain ng konti. Nang matapos siyang kumain, nagpa book na din siya ng grab. After 10 minutes ay nagpaalam na si James sa nanay niya. “ Mi, alis na po ako. Malapit na po yung grab taxi “ “ anak, bakit ka nag grab? “ nagtatakang tanong na nanay ni James “ kasi po mamaya sabay na po kami uuwi ni Alex kaysa dalawa pa dala namin “ palusot na sagot ni James “ ah, sabagay. Teka, yung pagkain ni Alex baka makalimutan mo “ At kinuha na ni James yung baunan saka na lumabas at sumakay sa grab. Mga ilang oras ay dumating na sa restaurant si James, minessage niya si Alex. “ Good morning hon, nasa restaurant na ako, may aayusin lang ako dito at pupunta ako diyan. Pinabaunan ka kasi ni mommy “ “ huwag mo na dalhin dito dahil busy ako at sunod sunod meeting ko, baka hindi ko din makain “ sagot ni Alex na galit pa din sa nangyari “ sige, kung ayaw mong tanggapin bigay ni mommy ok lang. at kung hindi mo na akong kayang patawarin, wala akong magagawa “ pikon na sagot ni James “ ibigay mo na lang kay Alea, matutuwa pa yun sa iyo “ “ ganun ba talaga gusto mo? Sige bahala ka, hindi na kita kukulitin “ “ para hindi ka na mahirapan pa James, kukunin ko na lang yung sasakyan ko mamaya sa bahay ninyo “ “ anong oras ka pupunta dun para hindi muna ako uuwi, saka nga pala hindi alam ni mommy yung nangyayari sa atin. Ayokong malungkot siya bahala ka na mag explain “ “ okay “ sagot ni Alex Hindi na sumagot si James at binigay na lang niya ang pagkain kay Cris para hindi naman masayang ginawa ng nanay niya. Mga bandang ala una ng hapon, nag message si Alex. “ James on the way na ako sa bahay ninyo “ Binasa lang ni James yung text pero hindi na din siya nag-reply. Hinayaan na lang niya na pumunta dun si Alex sa kanila. Tinawagan niya si Jason. “ bro, may lakad ka ba mamaya? “ “ wala bro, iinom lang kami ni Jane. Why? “ tanong nito “ sama naman ako sa inyo ni Jane, stress lang sa work “ “ si Alex? Akala ko ba sa inyo muna nakatira? “ “ busy sa reunion bro saka baka late na din yun makauwi mamaya “ “ sige, kita na lang tayo sa malapit sa office ninyo bro “ Binaba na James yung fone at kina-usap si Cris na aalis na sila mamaya. Nag ayos na si Cris ng gamit nila para pag nagyaya na si James ay aalis na sila agad. Mga trenta minuto ay nakatanggap siya ng message galing kay Alex sinabi niya na nandun na sa bahay yung sasakyan at kinuha na din yung sasakyan niya. Binasa lang niya ito pero hindi na siya sumagot. Niyaya na niya si Cris na umalis na sila. Nang makarating sila sa opisina ay niyaya niya si Cris na uminom bago umuwi. Pumayag naman ito kaya pumunta na sila sa usapan nila ni Jason. Kumuha si James ng isang bucket habang ina-antay sila Jane at Jason. After one hour ay dumating na sila Jason dun sa lugar. “ bro, dito kami “ sabi ni James Nagulat si Jason dahil first time nauna si James sa inuman. “ ang aga mo ah? “ tanong ni Jason “ stress sa work kaya paparelax lang muna kami ni Cris “ “ oo nga sir Jason “ Bumati sa kanila si Jane kaya tumango lang si James. “ bro teka kakain muna kami bago uminom ha? “ sabi ni Jason “ Cris order ka ng food, kumain ka din “ sabi ni James Alam ni Jane ang nangyayari sa dalawa dahil nasabi sa kanya ni Alex pero hindi niya sinabi kay Jason. Naaawa siya kay James dahil wala siyang pinagsasabihan ng kahit na sino kahit pa best friend niya. “ bro, huwag kang pakalasing, kumain ka muna kaya bago ka uminom ulit “ nag aalalang sabi ni Jason “ kumain naman ako kanina bro, saka hindi pa ako lasing “ sagot nito “ bro baka magalit si Alex ha? sabihin bad influence ako sa iyo ha? what time ba siya uuwi? “ “ hindi bro, nagpaalam naman ako sa kanya saka pinayagan naman niya ako, late na siguro uuwi yun sa bahay. Hatid mo na lang ako bro sa bahay mamaya “ “ sige, kain muna kami bro “ Nung narinig ni Jane yung sinagot ni James, parang nadurog puso niya. Kita sa mata ni James ang lungkot pero tinatago niya ang nararamdaman niya. Nagpaalam na si Cris na mauna na sa kanila. “ Sir James, una na ako maaga pa tayo tom “ “ Cris baka pala hindi ako makapunta bukas dun, aasikasuhin ko muna yung isang client natin. Update mo na lang ako “ “ sige po sir, thank you sa treat “ “ wala yun “ at ngumiti ito “ sir Jason, ma’am Jane mauna na po ako sa inyo “ “ sige pre, ingat “ sagot ni Jason “ James, kaya mo pa ba? “ nag aalalang tanong ni Jane Nung tinanong siya ni Jane ay halos maiyak siya kaya, “ ok lang ako, teka rest room lang muna ako medyo mahapdi mata ko “ paalam ni James sa dalawa “ sige bro “ sagot ni Jason Pag tayo ni James ay tinanong ni Jason si Jane kung ano nangyayri, ramdam niya na may something kaso ayaw lang magsabi ni James. Pero ayaw din nagsalita ni Jane dahil ayaw niya na sa kanya manggaling yung kwento. Mga 15 minutes ay hindi pa lumalabas ng restroom si James kaya pinuntahan na agad ni Jason. Pag pasok niya ng cr, nakita niya na sumusuka na pala ito. “ bro, lasing ka na. halika na uwi ka na namin “ Inalalayan ni jason si James palabas ng restroom, nakita agad ni Jane kaya lumapit ito at tinulungan niya si Jason. “ Jane kunin mo na ang bill “ sabi ni Jason Kaya kinuha na agad ni Jane ang bill at binayaran na din. Tinanong ni Jason kung magkano, sinabi ni Jane binayaran na niya ito. Lumabas na sila para mahatid si James sa bahay. Nang makarating na sila sa bahay ni James, inutusan niya si Jane na kunin ang susi ng bahay dun sa loob ng bulsa ng bag ni James. Nakita din ni Jane na naibalik na pala ni Alex yung sasakyan ni nito. Pumasok na sila sa bahay at inakyat na nila sa loob ng kwarto si James. “ Jane, tawagan mo nga si Alex or i-text mo. Hindi natin pwedeng iwan mag-isa si James dito “ “ sige tawagan ko na lang para pauwiin agad dito, baka kasi kasama pa niya yung ibang classmate namin “ “ Jane, huwag mo na tawagan baka mataranta lang siya. Baka mamaya nandito na din yun “ sabi ni James “ bro, sure ka ba? “ nag aalalang sabi ni Jason “ oo bro, salamat sa pag hatid sa akin. Lock nyo na lang yung kwarto ko pag labas nyo “ “ teka, amoy suka ka? paliguan na lang muna kita “ sabi ni Jason “ Kuha mo na lang ako ng towel bro, ako na bahala. Kaya ko na “ Kaya kinuhanan agad ni Jason si James ng towel saka ito nagpaalam. Naiiyak si Jane para kay James pero wala siyang magagawa. Nung nasa sasakyan na sila, napag usapan nila si James. “ naaawa ako sa bro ko, sana nandun na si Alex “ sabi ni Jason “ sana nga, dibale kakausapin ko si Alex “ sagot ni Jane                                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD