Ring…ring…ring
Napatingin si James kay Alex dahil nagri-ring ang telepono niya.
“ hello “ sabi ni Alex
“ hello Alex, baka hindi ako makapunta diyan “ sagot ni Jason
“ bakit? “
“ may biglaang meeting kasi kami ngayon dito sa office “
“ ganun ba? Sige antayin ko lang si James tutal malapit na din naman siyang mag-out “
“ ok, kumusta mo na lang ako sa kanya “ na parang nakakalokang sagot
“ sige, bye “
Pag baba nilang ng fone ay nagtanong si James kung sino ang kausap niya sa telepono. Agad naman sinabi ni Alex na si Jason ang kausap niya at sinabi niya na hindi makakapunta dahil may meeting pa daw.
“ kinu-kumusta ka pala ni Jason “
“ bakit hindi na lang niya ako i-message or tawagan “ naisip niya na nang iinis lang yun kaya ganun.
Maya maya ay tumunog ang fone ni James at agad naman niya tiningnan, at nakita niya tumatawag si Mr. Santos.
“ James, kailan pala mag-start ang project natin? Baka pwedeng part by part para hindi naman magsara yung restaurant ko “
“ sige po sir, kailan po ba gusto ninyo “ tanong ni James
“ sa Monday sana “
Nag-isip ni James na Wednesday na ngayon at dalawang araw na lang preparation nila, kailangan makapag swimming na agad sila dahil kapag nagsimula na ang project ay sobrang busy na mga ito.
“ ah sige Mr. Santos, kakausapin ko mga team ko “
“ salamat James “
Pagkababa nila ng fone ay agad ito nagpatawag ng meeting. At nagpasukan na din mga tao niya.
“ Alex, ok ka lang ba? magme-meeting lang kami pero you can stay here “ sabi ni James kay Alex
“ ok, no problem “
“ guys, kakatawag lang ni Mr. Santos at sinabi niya sa gusto niya sa Monday na magstart ang renovation na restaurant niya. Kaya dapat bago tayo mag start sa project ei makapag swimming na tayo “
Sumang-ayon naman ang mga tao niya.
“ sir may nakita na akong lugar kung saan tayo magswi-swimming? “ sagot ng isang tao
“ good, tawagan mo na ngayon. Tanong mo kung magkano simula Friday afternoon hanggang Sunday mga 9am, basta ang budget natin is 10k para sa lugar. At ako na bahala sa food natin “
“ ok sir “
Yung iba excited na dahil makakapag relax sila. Yung mga lalaki naman ay makaka-inom.
“ Cris, pumunta ka kay boss at sabihin mo sa Friday halfday ang buong team natin at dadalhin natin yung company van “ utos ni James
“ sige po sir, magdadala din po kami ng alak at mga chips “
“ ah… ayaw niyo mabitin ah “ sabay tawa
Nakita ni Alex na ang saya saya ng team ni James, kaya naisip niya what more kung gf/asawa pa niya yun.
“ Alex, are you ok? “ tanong ni James
“ ha? I’m ok? May naisip lang ako, malapit na pala ang outing nyo?
“ oo nga, biglaan kasi dahil yung client namin gusto sa Monday na agad mag simula, kaya bago sana mag start, mag outing na kami para pag balik fresh mga isip nila. Saka diba, sasama ka? “
“ I’m not sure kasi may pasok ako ng Friday, narinig ko parang lunch time kayo aalis “
“ if you want, susunduin kita sa inyo at ihahatid sa office saka na tayo magsabay sa lugar, papa unahin ko na lang sila dun “
Hindi na kumibo si Alex. Parang gusto niyang sumama na parang ayaw niya.
“ sige na Alex sumama ka na, please? “
Sa amo ng mukha ni James, hindi mahindian ni Alex kaya tumango na ito kay James na sasama.
“ yeheeey, salamat Alex. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya “
Ngumiti lang si Alex pero nagdadalawang isip pa din, pwede naman siyang mag alibi pag Friday na.
“ Alex ayusin ko lang gamit ko at mag out na ako, dinner muna tayo? “
“ naku huwag na James, sa ibang araw na lang “
Tumango lang ito sabay inayos ang gamit niya. Pag labas nila sa opisina.
“ ma’am Alex, see you sa Friday “ sabi ng isang tao ni James
“ oo ma’am, napasaya ninyo si sir James, diba po sir? “ sabi din nung isang tao ni James
“ guys, sobrang napasaya ako ni Alex, isama nyo pamilya nyo ha? Basta huwag lang barangay “ sabay tawa
Ngumiti din si Alex sa mga tao ni James. At nung nasa parking lot na sila ay nagpaalam na si James kay Alex. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.
“ salamat Alex “
“ salamat din James “ sabay pasok sa sasakyan niya
Nung papasok na ng sasakyan si James nakita niya si Cris at ibang tao nito.
“ uuwi na din ba kayo? “ tanong ni James
“ hindi pa sir, iinom muna kami kahit tig-isang bote lang po “
“ dapat ang boss nyo si Jason, puros inom ang alam nun “
Nagtawanan sila, sabay sakay ng sasakyan. Nang makarating sa laabas ng bahay si James, nakita ito ng nanay niya kaya binuksan niya ang gate para makapasok ang sasakyan.
“ mi, ako na po ang magsasara ng gate “
“ buti maaga ka naka uwi “
“ opo, si tita po ba pwedeng pumunta dito kasi may outing kami sa Friday. Siya po sana ang paglulutuin ko tpos babayaran ko na lang siya “
“ mabuti yun anak, para may raket tita mo. Ako na ang tatawag, sabihin ko na pumunta siya bukas para maayos na niya at tutulungan ko na lang din siya para may magawa din ako “
“ sumama kayo sa outing mi ha? Saka may papakilala ako sa inyo yung nililigawan ko?
“ totoo, niligawan mo na si Alea?
“ naku mi, hindi siya si Alex po “
Masaya naman ang nanay ni James at nainlove na naman ang anak niya. Sana lang huwag siyang masaktan dahil sobrang maghamal si James kahit nasasaktan na sige pa din.
“ mi, akyat na po ako “
“ hindi ka ba kakain?
“ hindi na po, iinom lang ako ng tubig “
Umakyat na agad si James at humiga sa kama, iniisip niya yung nangyari kanina simula nung nagkita sila ni Alex hanggang sa naghiwalay sila. At hinding hindi niya makakalimutan yung time na pumayag siyang sumama sa outing. Naisip niyang I-text ito…
“ hi Alex, nasa bahay ka na? “
“ hello James, yes kanina pa. ikaw? “
“ mga 5 mins, susunduin pala kita sa Friday ha? “
“ no huwag na, papadrive na lang ako sa driver para mauwi yung sasakyan. Pupunta na lang ako sa office niyo “
“ sure ka? “
“ oo, masyado kang abala nun. Puntahan na lang kita, ok? “
“ sige, thank you Alex “
“ sige, sleep na ako James, good night “ sabi ni Alex
“ wait…. “
“ oh bakit? May nakalimutan kang sabihin? “ tanong nito
I…. I love you Alex, good night “ na utal utal pa sa pagsasabi
Napangiti si Alex sa sinabi ni James
“ ok, good night “ at binaba na ni Alex yung fone
Kinikilig si James dahil ngayon na lang niya ulit naramdaman kung paano ma-inlove, habang nakahiga. Nagcheck siya ng social media sabay tingin kay Alex, nag scroll siya para may malaman pa siya kay Alex hanggang nakita niya kung saan nagtra-trabaho si Alex. Nung makita niya yun agad niyang tinawagan si Cris.
“ hello Cris, nasaan ka? “ tanong nito
“ sir nasa bahay na po “
“ tom morning, ibili mo ako ng one dozen of roses. Ipadala mo sa messenger natin sa address na ise-send ko sa iyo. Simpleng note lang ilagay mo Cris “
“ para kay ma’am Alex po ba sir? “ tanong nito
“ yes Cris “
“ noted po sir, susuportahan ko kayo diyan. Kung gusto nyo ako pa magdeliver ei “
“ huwag na at marami tayong gagawin tom. Sige tom na lang, salamat “
“ no problem sir, good night “
Binaba na nila ang fone at natulog na si James.
Kina umagahan….
Bumangon na si James at bumaba. Nagluto ng baon niya dinagdagan na din niya para pagkain ng magulang niya.
“ goodmorning anak, himala ang aga mong nagising at nagluto ka pa ah? Masayang tanong ng nanay niya
“ opo mi, sinama ko na din food nyo at kung sakaling dumating si tita. Iwan ko po ang pera sa inyo at bahala na si tita sa lulutuin niya. “
Kumuha siya ng dalawang lagayan para ilagay ang pagkain sa baunan.
“ anak, bakit dalawa? “
Tumawa si James at sinabi..
“ mi para sa akin at para kay Alex po “
“ naku ang anak ko, ang swerte talaga ni Alex, mabait, maalaga, maasikaso at higit sa lahat gwapo pa “
“ si mommy talaga, nilutuan ko na nga po kayo ei “
Tumawa ng tumawa nanay niya at niyakap niya si James.
Pag tpos niyang ilagay sa baunan yung pagkaing niluto nito ay nagpahinga lang saglit at naligo na. Umalis agad dahil dadaan pa siya sa office ni Alex para ibigay yung pagkain. Habang papunta na siya sa opisina ni Alex, nakatanggap ito ng message.
“ Good morning James, salamat sa flowers. Natanggap ko na, ang ganda “
“ Good morning Alex, buti nagustuhan mo? Nga pala busy ka ba ngayon? Labas ka sa office ninyo mamaya mga 45 mins “ sabi ni James
“ ha? Bakit “ nagtatakang tanong nito
“ may iaabot lang sana ako, nagluto kasi ako. Tig-isa tayo “
“ ang sweet mo naman James “ parang may kilig na sa boses niya
“ hindi ako marunong manligaw pero marunong ako magparamdam ng nararamdaman ko sa taong mahal ko “
“ sige, message mo na lang ako pag lalabas na ako. Ok? “ sagot ni Alex
Pag baba nila ng fone, lumabas si Alex at pumunta sa Starbucks. Umorder siya ng gusto ni James para pag dating ni James sa opisina nila ay iaabot naman niya yung coffee dahil nakita niya ang effort sa kanya na kahit malayo office nila talagang pumupunta pa.
Mga ilang minuto pa, nagmessage na sa kanya si James at sinabi na nasa labas siya ng opisina kaya agad naman lumabas si Alex dala dala yung coffee na ibibigay naman niya kay James.
“ Hi James, for you “
“ hello Alex, oh bakit may coffee ako? “
“ may food kasi tayo pero wala naman tayong inumin so I decided na ibili ka sa Starbucks “
“ thank you “
At umalis na din si James pagka abot niya ng pagkain kay Alex. Dumiretso na agad ito sa opisina.
Pag pasok niya sa loob, halos lahat busy sa outing.
Tinawagan ni James si Jason at sinabi na agahan niya bukas dahil maaga ang aalis. At dahil inuman yun at los banos kaya hindi na lang siya papasok para maaga siya makarating sa opisina nila James.
Nagpa-meeting si James para sa bukas na outing at nag-out na din siya. Umuwi agad si James at Pinark lang ang sasakyan sa bahay nila at nag-grab siya papunta sa opisina ni Alex. Susunduin niya ito at dahil may sasakyan si Alex kaya nag grab na lang siya. Mga 5pm malapit na siya sa office ni Alex. At nagmessage sa kanya si Alex..
“ James, nasa office ka? “ tanong nito
“ nag out na ako kanina pa, why? “
“ wala naman, invite kasi kita imi-meet ko mga friends ko. Papakilala sana kita kung ok lang sa iyo? “
“ sure, malapit na ako sa office ninyo. Nag-grab na lang ako kasi may dala ka naming sasakyan “
“ talaga? Ginawa mo yun? “ tanong nito
“ yes, ginawa ko for you kasi mahal kita Alex “
“ you’re so sweet James “
“ see you later, I love you… “ malambing na sabi ni James kay Alex
Kinikilig na talaga si Alex sa ginagawa ni James sa kanya, at na iinlove na din ito kay James.
5:30pm
Lumabas na si Alex at nakita niya nandun si James naka upo at inaantay siya. Nakita ni James dala dala ang flowers na binabigay niya kanina. Nakita sila ng ibang kasama ni Alex.
“ uyyy… ma’am Alex ang gwapo ng bf ninyo? Sabi ng isang kasama niya sa trabaho
Tumawa lang naman si James at proud nung sinabi na gwapo ang bf ni Alex kahit hindi pa naman siya sinagot ei feeling bf na siya. Tumawa lang din si Alex sa mga yun. Kinuha ni James ang gamit ni Alex pati yung flowers para hindi siya mahirapan sa bitbit ng gamit nito.
Pumunta na sila sa sasakyan ni Alex at kusa ng binigay ni Alex yung susi ng sasakyan para si James na ang magdrive. Pumunta na sila sa isang mall sa Q.C para imeet mga barkada ni Alex. Nung nandun na sila, wala silang makitang parking kaya nagpa valet parking na lang sila at pumasok sa restaurant. Nakita agad ni Alex mga barkada niya at nasa likod naman si James.
“ girls, this is James. James mga barkada ko nung high school “ pakilala ni Alex
“ hi Alex, James. Bf mo? “ tanong agad nung isa
“ hindi “ sagot naman ni Alex
“ don’t say asawa mo na? “ tanong naman nung isa
“ hindi din “ sagot ni Alex “
Umupo na sila Alex at James, nag-usap usap na sila para sa paparating nilang reunion. Medyo naiinlang naman si James kaya nagpa alam ito na lalabas muna at magyo-yosi.
“ nagyoyosi ka? “ tanong ni Alex
“ oo, ayaw mo ba? “
“ hindi, ok lang. na iilang ka ano? “ tanong ni Alex
“ hindi ok lang Alex, huwag mo na akong intindihin. Magyo-yosi lang ako tapos babalik din ako agad “
Lumabas na si James at pumunta na sa smoking area, habang nagyo-yosi ay biglang tumawag sa kanya si Alea.
“ Hello James, musta ka na? “
“ ok naman, ikaw? “
“ ok din naman, tuloy ba tayo sa Saturday? Diba mag iinuman tayo sa inyo? “ tanong ni Alea
“ naku, sorry may outing kami ng Friday at Sunday na balik namin “
“ pwede bang sumama? “
“ pwede naman, kasama ko si Jason saka sila mommy at daddy… saka si Alex yung nililigawan ko “ sagot ni James
“ ah… huwag na lang at baka hindi ka pa sagutin, sige na bye na James. Uuwi na din ako, ingat ka na lang lagi “ nagseselos na sagot
Pag baba niya ng fone, nagulat si James nakita niya na katabi na pala niya si Alex.
“ sino kausap mo? “ medyo na iinis na tanong ni Alex
“ wala si Alea, yung ex ko “ sagot ni James
“ Niyaya mo din sa outing nyo?
“ oo, tropa din kasi namin yun “
Hindi na kumibo si Alex at nagyaya ng umuwi, sumunod lang si James kay Alex.
“ tapos na meeting ninyo? “
“ tapos na, kaya siguro nagpa alam ka kasi tatawagan mo siya ano? “ galit na tanong ni Alex
“ Alex hindi, nung nagyo-yosi ako, bigla na lang siya tumawag at sinagot ko naman. Teka, uuwi na ba tayo? Hindi pa tayo kumakain? “
“ oo uuwi na tayo, dahil mag aayos ka pa para sa outing ninyo “
“ teka, hindi ka na sasama? “ malungkot na sagot nito
“ baka hindi ako makasama, may meeting pa kasi ako tom “
Hindi na nagsalita si James.
After 15 mins tinabi na ni James yung sasakyan.
“ saan sa inyo Alex? “ tanong ni James
“ hatid muna kita James “ sabi ni Alex kay James
“ huwag na, pwede naman ako mag grab. Para makapag rest ka na din “
“ sa kabilang kanto lang ang subd namin “
“ sige, dito na lang ako Alex. Tatawid na lang ako at dun na lang ako sasakay “
“ ok “ matipid na sagot ni Alex
“ ingat ka na lang bukas, bye. Goodnight “ paalam ni James kay Alex
At tumawid na nga si James at sumakay ng taxi pauwi sa kanila.