Nagising si James ng alas kwatro ng umaga. Tiningnan niya si Alex habang natutulog. “ sana maging maayos na ang relasyon natin para hindi na tayo nahihirapan, ayokong mawala ka Alex. Mahal na mahal kita “ pabulong ni sinabi ni James habang tumutulo ang luha sa kanyang mata. Niyakap, hinalikan niya ito saka tumayo at lumipat sa kabilang kwarto. Dinilat ni Alex mata niya at narinig niya ang sinabi ni James “ sana nga James, matapos na ang lahat. Mahal na mahal din kita “ sabi ng isip niya Makalipas ang ilang oras. Ginising na sila ng nanay ni James para makapag agahan. “ mga anak, gising na at kakain na tayo “ kinatok ang mga kwarto nila saka ito bumaba “ bro, gising na “ sabi ni Jason “ sige bro “ “ saan ka ba natulog kagabi? Nung pumasok ako dito, wala ka “ “ nasa kwarto ako nil

