Sabado na… Tulog pa din sila James at Alex. Kinatok sila ng nanay ni James dahil kailangan na nilang mag-ayos dahil baka maaga dumating mga bisita. “ Anak, gising na “ katok ng nanay ni James Nagising si James sa katok ng nanay niya kaya agad niyang binuksan ang pinto. “ good morning mi, sige po bababa na kami maya maya “ sabi ni James “ sige anak “ Bumaba na ang nanay ni James para mag ayos ng almusal nila. Knock…knock…knock “ bro, gising na ba kayo? “ tanong ni James Binuksan ni Jane ang pinto “ James, tulog pa si Jason “ “ gisingin mo na, kailangan na natin ayusin ang dapat pang ayusin sa baba baka biglang dumating na ang bisita “ “ oo nga pala, sige gisingin ko na. Susunod na lang kami “ Bumalik na si James sa kwarto para sunduin ang asawa niya. Saka sila bumaba. “ go

