Nagising si James sa sunod sunod na text message. Kaya kinuha niya agad ang fone ni Alex at tiningnan niya ito. Pinagbabantaan sila kasama pamilya ni James kaya napilitan siyang itext din ito. “ ano ba problema mo? Duwag ka! bakit hindi ka magpakita sa amin “ text message ni James “ hindi pala kayo natatakot kaya ang dami ninyong security! Hahaha… para matapos ang problema mo at hindi na madamay ang pamilya mo, ibalik mo sa akin si Alex “ sagot ng hindi nagpapakilalang tao “ wala akong panahon para makipaglaro sa iyo, kung matapang ka, magpapakita ka sa amin. Hindi yung ganito ang gagawin mo! Kawawa ka naman “ Hindi na sumagot pa yung taong nananakot sa kanila. Hindi na din niya sinabi kina Jane at Alex at baka mas lalo lang yun matakot. Nung nagising si Jason, niyaya niya ito luma

