Chapter 15 (Run)

2317 Words
"K-Kuya! Kuya!" sigaw ng batang lalake. Maingat namang inilapag ng binata ang babae nya pang kapatid sa kama na inuupuan nya. Tsaka nya madaliang nilapitan ang nakababata nya pang kapatid na lalake. "Bakit? Wag kang masyadong maingay, baka marinig tayo nang mga zombies sa labas" sabi nya sa nakababatang kapatid nyang lalake. "Eh kasi kuya tignan mo yon oh" pabulong na sabi ng bata tsaka nya tinuro yung bus. Jayvee Gray Agad ko namang tinitigan ang tinuturo ni Alexander gamit ang kanyang laser. Bus. Huminga ako nang malalim tsaka ko ulit nilingon si Alexander. "Xander, isang ordinaryong bus lang yan---" napahinto ako sa pagsasalita ng mahagip ng mata ko ang ilaw na nag mumula sa bus. Masyadong madilim dahil gabi na kaya makikita mo talaga ang ilaw na nagmumula sa bus. Tinitigan ko pa yun ng maigi para makasigurado. Gumalaw galaw yung ilaw at sigurado akong dahil yon sa tao! May tao! Buhay! Wait. S-signal! Agad kong kinuha kay Xander yung laser tsaka itinutok ng maigi don sa ilaw na nagmumula. Idinikit ko ang ulo ko sa bintana at tinitigan ng maigi ang bus. Isang babae! Nasisinagan sya ng ilaw na nagmumula sa phone na tingin ko ay hawak nya. Basta sigurado akong babae sya! Nang tingin ko'y napansin nyang nakikita ko na sya ay agad syang ngumiti ng sobrang lapad sakin sabay kaway nya. Napangiti ako. Sobrang saya ko. Bigla akong nagkaroon ng pag-asa dahil sa kanya! Agad din naman akong kumaway sa kanya kahit di ko alam kung nakikita nya ba ako. Napakunot noo sya. Nag isip ako nang mabuti para magkaintindihan kami. Ah! Pinatay bukas ko yung laser bilang signal na nakikita ko sya. Tumango-tango sya tsaka nya tinuro yung labas. "Sh*t! Lalabas sya? Delikado." bulong ko sa sarili ko. "Kuya ang ganda nya" bulong naman ni Xander. "Shh... wag ka sabing maingay" sabi ko naman kay Xander. I know, nakikita ko naman. At sobrang ganda nya talaga. Para ngang wala akong nakikitang takot sa mga mata nya eh. Mukha syang matapang at walang kinatatakutan. Selene Caz Matapos kong ituro ang labas ay nag okay sign ako sa kanya staka ako muling ngumiti. Tumayo agad ako nang maayos. Napabuga ako sa hangin sabay hawak ko nang maigi sa baseball bat. "Let's go" seyosong sabi ko na tinanguan naman ni Loreine. "T*ng*na! Mag-ingat kayo" seryosong sabi ni Aldrin. Napasimangot ako nang mapansin kong ilang beses na nila kaming minura ni Loreine. Kung wala lang kaming tutulungan, kanina pa sana namin binugbog tong dalawa. Inirapan muna namin sila tsaka kami nagsimulang bumaba. Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa baseball bat nang maramdaman ko ang dampi ng malamig na hangin sa balat ko. Sports bra pa! Atleast mas komportable kumilos, kaysa uniform. Naglakad na kami ng dahan-dahan. Hanggang sa may makasalubong kaming zombie na parang lasing kung maglakad pero sobra talagang nakakatakot. At hindi maitatanggi na kahit nakapatay o nakalaban ko na ang iba sa kanila ay may takot at sobrang pangamba pa rin akong nararamdaman. Nang mapadako sila sa harapan namin ay dapat buong lakas ng hahampasin ni Loreine yung zombie pero agad kong hinawakan yung braso nya. Nagtataka syang lumingon sakin na may halong kaba at takot sa mukha. Itinapat ko ang hintuturo ko sa labi ko, sabay senyas ko na wag syang mag-iingay. Pati paghinga namin ay pinigilan namin para lang hindi talaga kami marinig ng zombie. Nakahinga ako nang maluwag ng maka-lagpas sya sa pwesto namin. Woooh! Napapunas ako sa noo ko. Tahimik kong tinignan ang relo ko. "19 minutes..." bulong ko. May nineteen minutes pa kami para kumilos bago pa magpasya sila Jade na back up-an kami. Nilingon ko si Loreine na tahimik na nagmamasid sa paligid. Tinanguan ko sya kaya mabilis pero maingat kaming naglakad papunta sa direksyon ng building. Kada may madadaanan kaming zombie ay humihinto kami saglit tas tutuloy ulit. Condo? Hala, pang mayaman. Anlaki ihh. Nakahinga ako nang maluwag ng nakatungtong na ang paa namin sa building, kaya wala kaming sinayang na oras at inisa-isa namin yung mga kwarto pero, kung hindi walang tao, yung iba naman ay may lamang zombies. Tas yung iba naka-lock. Dahan-dahan ang kilos namin para kahit may zombie sa loob tahimik at ligtas parin kaming makakalabas. Sh*t! Nasan na ba kasi yon? "Selene..." nilingon ko si Loreine at napatingin ako sa tinuturo nya. Yung ilaw ng laser! Dali-dali kaming pumunta sa pwesto non pero napa-upo din kami atsaka namin tinakpan ang bibig namin nang may mga zombies na naglakad papunta sa direksyon namin. Sh*t! Ano to? Kulto? Nang makalagpas na yung ibang zombies samin ay dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Loreine pero kumabog ang dibdib ko nang wala akong makapa. Napalingon ako sa likod ko. Sh*t! Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Loreine na nakatayo at pilit na tinatakpan nya ang bibig nya at pilit idinidiin ang sarili sa dingding na sinasandalan nya. May zombie sa harap nya at parang inaamoy-amoy sya! Lumingon sakin si Loreine na may takot sa kanyang mga mata. Madali lang kung isa lang to ih, isang hampas lang o saksak sa ulo nya nang kutsilyo patay na to ih. Kaso makakagawa kami nang ingay pag nagkataon na maaaring makahatak sa ibang zombies na nasa paligid. Sinensyasan ko sya na wag kikilos tsaka ako dahan-dahang tumayo at maingat kong inihakbang ang paa ko sa direksyon nya staka ko maingat na hinawakan ang kamay nya. Tsaka ko mabilisang inatak sya at tinulak papunta don sa kwarto nung may laser. Mabilis syang tumakbo kaya rinig ang ingay nang rubber shoes nya. Nagsitinginan sa direksyon namin ang mga zombies. "Grrr....Grrr..." huminto muna ako tsaka pinaghahampas ang mga nasa malapit samin. "Go..." pabulong ko pa ring sabi kay Loreine. Patakbo syang pumunta sa pinto non at kumatok habang ako ay pinaghahampas pa rin ang mga nakakalapit na zombies. Arghh! Masyado silang marami! Tinadyakan ko yung isang zombie na nakahawak sa paa ko staka hinampas yung ulo nang zombie na nasa harapan ko. Sh*t! Di ko sila kakayanin! Nang may makita akong upuan sa gilid ko kaya agad kong ibinato yon sa kanila at nang makakuha ako nang tyansa ay agad akong tumakbo nang sobrang bilis. "Waaah!" napatili ako nang may humawak sa palapulsuhan ko at sapilitan akong hinatak papunta sa isang kwarto. Napadapa ako sa taong humawak sakin na ngayon ay dinadaganan ko na. Napatulala ako. Sh*t! T-totoo ba to?! "J-Jayvee... Jayvee Gray?" pabulong na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin kaya namula ako sa kilig. Sh*t ang gwapo nya pala sa personal! Jayvee Gray, sinong hindi makakakilala sa kanya?! Ang mga Gray ang namumuno sa Red Island. Pero bakit sila nandito? Si Jayvee Gray... ang malakas at walang kinatatakutang leader ng grupo ng fighters ng Red Island. Isa sa dahilan kung bat gusto ko talagang makapunta sa Red Island ay para makita sya, di ba puro landi lang? Haysst Eh bat sya nandito? "Selene! Okay ka lang?" napatingala ako at napatingin kay Loreine. Agad agad naman akong tumayo. Napatingin ako sa pinto na ngayon ay nakasarado na. Agad din namang tumayo si Jayvee. "Sorry. Ow thank you na rin pala" nahihiyang sabi ko. "No, thank you dahil naisipan nyong tulungan kami dito" napakunot noo ako sa sinabi nya. Tsaka ako napalingon sa likod nya. Huwah! Ang cute naman! May dalawang bata na tingin ko ay kambal. Isang batang babae at isang batang lalake. "It seems like you already know me" nabalik ang tingin ko kay Jayvee. "Ah yeah. Fan ako nang lugar na Red Island, lalo na yung mga fighters." naiilang na sabi ko. "Ow, I see. By the way. Magpapakilala pa rin ako. Jayvee Gray, leader ng fighters ng Red Island" maikling pagpapakilala nya. "Hala! Ikaw pala yon?" sabi naman ni Loreine. "Shh, hinaan mo boses mo" bulong ko kay Loreine dahil baka may makarinig na zombies. "Ow, sorry. Uhmm by the way, I'm Loreine. It's an honor to finally meet you Mr. Gray" masayang sabi ni Loreine kaya napangiti naman ko. "I'm Selene Caz. Nice to meet you Mr. Gray" "It's an honor to meet you two as well" maikling sabi nya. Kinawayan ko naman yung dalawang bata na agad naman akong nginitian ng matamis kaya napangiti rin ako nang malapad. "Ow, mga kapatid ko pala. Kambal sila. Si Alexander Gray" sabay akbay nya sa batang lalake "And my lovely baby sister... Alexandria Gray" pagpapakilala nya sa mga kapatid nya. Napangiti ako tsaka ulit sila kinawayan at ginaya din nila ang ginawa ko. "Selene, lika na" napatingin ako kay Loreine. Tsaka ko tinignan agad ang relo ko. May ten and half minutes pa kami. "Uhmm... pwedeng makihiga muna?" tanong ko kay Jayvee, wala nang hiya hiya to. Ansakit na kasi talaga nang likod ko. Biruin mo yon, naka-upo kang matutulog?! "Sure" maikling sagot nya. "De joke lang, nga pala bat andito ka? Sino ngayon ang namumuno sa fighters ng Red Island?" "Si Darylle, yung kanang kamay ko. Kaylangan ko kasing bumalik dito para sa mga kapatid ko. Pero hindi ko kayang i-sacrifice yung kaligtasan ng mga kasamahan ko dahil masyadong delikado sa lugar nato kaya sinabi kong ako na lang ang pupunta at mag-antay sila sa Lander field. Binigyan ko sila nang palugit, kapag umabot ng one and half days na wala pa ko, umalis na sila. Yun ang utos ko. Delikado kasi" mahabang paliwanag nya. "Darylle? Yun yung nakausap ko sa Red Island" sabi ko naman. "Nakausap? Sa account ng Red Island? Mahirap ang mga code don ha" nagtatakang sabi nya. "Yup. Sobra, pero nagtulungan naman kami ih. Actually ICT students kami nang mga kasama ko sa bus" sabay turo ko sa labas. "Ow, I'm excited to meet them" sabi naman nya sa manghang boses. "Ah, nga pala. Ayun nga nakausap namin si Darylle tas usapan din namin sa Lander field mag-aantay sila. Dun kami patungo." "Good, so lets go" tumango ako sa kanya. Nag ayos muna ulit kami at binalutan nila muna nang tape ang mga katawan nila na hindi ko na sinabi dahil alam naman talaga nya ang gagawin. Nag ready nang bag na may lamang medicine kit at ibat ibang uri nang baril at knife. Napalunok ako, ang cool. Nang makapag ready na ay agad kong hinawakan ang kamay nang dalawang bata at ibinigay kay Loreine. Ginulo-gulo ko muna ang buhok nila tsaka ko nginitian si Loreine. "Protect them, and we will cover you" sabi ko kay Loreine na tinanguan naman nya. "Thank you" napalunok ako nang maramdaman ko ang hininga ni Javee sa leeg ko. Agad akong lumingon sa kanya staka ko sya nginitian nang naiilang. Tumango kami sa isat-isa tsaka ako unang lumabas. Nasa likod ko si Loreine hawak ang dalawang bata at sa pinaka likod naman si Jayvee. Maraming zombies ang nakapalibot pero di nila kami nakikita. Kaso nakaharang sila sa dadaanan namin kaya nakahinto lang muna kami. Lumingon ako sa likod at sinenysan silang wag gagalaw at wag munang maingay. Pinausog ko sila sa pinakagilid ng dingding na agad naman nilang ginawa. Tsaka ko dahan-dahang kinuha yung isang bato sa paanan ko at saka ko mabilisang binato sa pinakadulo sa likod namin. Nagsitakbuhan naman yung mga zombies papunta don. Tinanguan ko sila sa likod staka kami mabilis pero maingat na naglakad palabas ng building. Laking pasasalamat ko at nasa first floor lang sila. Nakahinga ako nang maluwag nang ligtas kaming makalabas sa building kaya mabilis na kaming naglakad nang makita ko na ang bus sa malapitan. Nagkalat na ang zombies sa paligid pero wala kaming ingay na ginagawa para di nila kami mapansin. Malapit na... *Boogsssh!* Napahinto kami pare-pareho sabay tingin kay Alexandria na nabangga ang nagkukumpulang kahoy. What the?--- Napatingin ako sa paligid Tang*na! "Run!" sigaw ko kaya nagtakbuhan na kami. Hawak pa din ni Loreine ang dalawang bata . Habang pinaghahampas ko ang madadaanan namin sa harap at si Jayvee naman ang sa likod. Kaso masyado silang marami! Pati yung ibang malayo, nagsisitakbuhan na rin dito! Nagulat ako nang may humatak sa braso ko at sinaksak yung zombie na nasa harapan ko. "Jazer..." Mabilis ang bawat galaw nila ni Jazer at Chester kasama si Sir James na nakikipaglaban sa mga zombies. Agad kong hinawakan sa braso si Alexandria saka ko sya binuhat na ginawa rin ni Loreine kay Alexander atsaka kami mabilisang tumakbo papuntang bus. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakagat sa braso si Chester. "Chester!" sigaw ko sa kanya habang nagsisipatakan ang mga luha ko. "Run! Argh!" sigaw nya habang hindi ako tinitignan at nanatiling nakikipaglaban sa zombies na lumalapit samin. Sh*t! No! Napatingin ako kay Alexandria na karga ko. Kaylangan kong isipin ang kalagayan netong bata. Nang makapasok kami sa bus ay nagsitayuan ang mga kasamahan namin para tulungan kami. Nang makapasok ay mabilisan ding nakapasok si Sir James, tas inalalayan nilang makapasok si Loreine na buhat si Alexander tas sunod na pumasok ay si Jayvee. Pero napakunot noo ako nang wala nang sumunod, nag antay pa ko nang ilang segundo pero wala talaga! Nasan na sila Jazer at C-Chester?! Napatingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko nang nagsisigawan si Jazer at Chester habang tumatakbo sa ibang direksyon. Napatakip ako sa bibig ko nang makita kong pikit matang sinaksak ni Jazer si Chester sa ulo nito atsaka ulit sya tumakbo nang sobrang bilis sa ibang direksyon. Malayo... Malayo sa bus na to... A-anong nangyayare? What the hell? Hanggang sa hindi ko na sila makita at ang huling nakita ko nalang ay ang pagkukumpulan ng mga zombies sa direksyon ni Chester kung san sya nakahiga at ang iba naman ay tumatakbong nakasunod kay Jazer, di ko namalayang nagsibagsakan na pala ang mga luha ko. "Kuya, kanan ka may short cut sa dulo non, dun tayo dumaan" seryosong sabi ni Jayvee. Napatingin ako sa kanya. Tinitigan nya rin naman ako nang seryoso. Napatingin ako kay Alexandria. Nagsipatakan ulit ang mga luha ko. Lalo nang maramdaman ko ang pag-andar ng bus na sinasakyan namin. "S-si C-Chester" mahinang bulong ko tsaka ako napahagulgol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD