Chapter 14 (Laser)

1798 Words
Selene Caz "Water" sabay abot sakin ni Jazer ng tubig. Nasa tabi ko pa rin si Loreine at mahimbing na ang tulog habang nasa harap ng kinauupuan namin naka-pwesto sila Jazer at Chester, sa likod naman namin ni Loreine naka-pwesto sila Jade at Aldrin. Yung iba rin naming kasamahan ay tulog na at nagpapahinga, at yung iba naman ay kumakain. "Thanks" sagot ko staka ko nilingon sila Jade sa likod ko na mahimbing na natutulog. Huminga ako nang malalim staka ko ibinalik ang tingin ko kay Jazer na naka-dungaw pa din sakin. "Si Chester?" tanong ko sa kanya. "Tulog" maikling sagot nya. Tumango-tango naman ako. "Gano pa ba tayo kalayo?" tanong ko ulit sa kanya. "Medyo malayo pa" sagot naman nya habang seryoso pa ring nakatingin sakin. "B-bakit?" naiilang na tanong ko sa kanya. Agad nyang hinawakan ang kaliwang kamay ko atsaka nya minasa-masahe ang braso ko don. "Nasaktan kita sa paghawak ko dito kanina. I'm sorry. Masakit pa ba?" bakas pa din ang pag-aalala sa boses nya kaya napa-ngiti naman ako. "Oo, pero hindi naman dahil sa paghawak mo. Nangalay lang siguro dahil sa kakahampas don sa mga zombies" sagot ko naman sa kanya. Shemsss... nakaka-relax yung pagmamasahe nya. "Ang tapang mo na. Parang kanina lang ni hindi mo kayang masaktan yung mga schoolmates mo na naging zombies na, pero ngayon parang bihasang bihasa kana at mukhang mas matapang ka pa sakin" sabay gulo nya nang buhok ko "Proud ako sayo" Napangiti ako sa sinabi nya sabay tingin ko sa bintana na katabi ko na tinatakpan ng kurtina. "Kaylangan ih." maikling sagot ko. Binitawan na nya ang kamay ko pero nanatili pa rin ang pagtitig nya sakin ng seryoso. Hindi ko na lang yon inintindi at pinagtuunan ko na lang ng pansin yung bintana sa tabi ko. Huminga ako nang nalalim bago ko sinilip ang labas. Umuulan... Malungkot kong pinagmasdan ang labas. Sobrang gulo ng paligid. Para bang nagkaroon ng gyera dito. May mga nasusunog at bagsak na building. Yung iba naman malaki na ang sira. Sobrang dilim nang paligid dumagdag pa na sobrang makulimlim ng langit dahil malakas ang ulan. Napakunot noo ako nang may mapansin. Wala akong nakikita kahit isang zombie na nakakalat sa paligid. Hanggang sa may maalala ko. Takot nga pala sila sa tubig. "Selene..." bulong na tawag sakin ni Nicole na nasa kabilang bahagi nang inuupuan namin ni Loreine. Agad naman naming nilingon ni Jazer si Nicole. "Hmm?" "H-hindi ba muna natin pupuntahan yung pamilya namin?" nagaalangang bulong nya sakin. Huminga ako nang malalim staka sya maingat na tinignan. "Ipapaalam natin yan sa team ng Red Island. Mamaya kasi pagpumunta pa tayo sa mga kanya-kanya nating bahay ay baka imbis na makatulong tayo ay lalo pang lumala. Pero wag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan ang Red Island. Babalikan natin sila" mahabang paliwanag ko sa kanya na ikinangiti naman nya "Sigi na, matulog kana ulit" "Thankyou" bulong ulit nya, sapat na para marinig namin. Ibinalik nya ang pagkakasandal sa upuan atsaka sya pumikit. "Matulog kana rin" baling ko kay Jazer. "I can't" sabi naman nya. Napakunot noo naman ako. "Bakit?" "I can't sleep without the assurance of your safety" mahinang sabi nya sapat na para marinig ko. Napahinga ako nang malalim. Dahan-dahan akong tumayo staka ko maingat na inilipag yung ulo ni Loreine sa malaking bag na dala nya. Wag ka sanang mangalay. "Lika" tawag ko kay Jazer. Agad din naman syang tumayo at sumunod sakin sa likod. Mas malaki ang space sa pinaka likod ng bus. Mas makakapagpahinga kami ng maayos. Pagod na rin kasi ako pero nahihirapan talaga akong makatulog ngayon. Hinawakan ko sya sa kamay tsaka ako umupo sa pinakadulo ng bus habang hatak sya at dumiretso ako sa pinakagilid non katapat ng bintana. Pabagsak ko naman syang iniupo sa tabi ko tsaka ko sya sapilitang pinahiga at ipaunan ang binti ko sa ulo nya. "Napansin kong mas mabilis kang nakakatulog pag nakaunan ka sa hita ko" paliwanag ko sa kanya. Tiningala nya naman ako at seryoso akong tinignan. "How'bout you?" bakas ang pag-aalala sa boses nya. Nginitian ko naman sya nang matamis para maniwala syang okay lang ako. "I'm fine, matutulog at magpapahinga din ako. Sapat na sakin tong bintana" paliwanag ko sa kanya staka ako pumikit at isinandal ang ulo ko sa bintana. "You sure?--- " "Jazer... pano ako makakapagpahinga kung ang daldal mo jan?" "I'm sorry..." Agad ko syang nilingon dahil sa tono ng pagkakasabi nya non. Itinaas ko ang kaliwang kilay ko staka hinatak ang jacket na suot nya. "Hmm?" "Peram, nilalamig ako" sabi ko sabay himas sa dalawang braso ko. "Ow..." saglit syang umupo para tanggalin yung jacket na suot nya staka nya ito ipinatong sakin atsaka sya bumalik sa pag-unan sa binti ko. Kahit papano nakaramdam naman ako nang init. "Better?" tanong nya sakin. Tumango naman ako tsaka ko hinawakan ang mata nya at pilit na ipinikit yon dahilan ng pagtawa nya nang bahagya. "Sleep na. Okay na ko" sabi ko habang nasa mga talukap parin ng mga mata nya ang isang kamay ko at ako naman ay nakasandal sa bintana at nakapikit. ***•••*** "Ouch!" naalimpungatan ako nang tumama yung ulo ko sa sandalan ng upuan na nasa harapan ko. Anong nangyare? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko habang nag uunat. "Lyka!" napahinto ako sa pag uunat ng marinig ko ang sigawan nila. Napatingin ako sa paligid Wala na si Jazer sa tabi ko. Nakahinto na ang bus na sinasakyan namin, na parang biglaan pa ang pagka preno kaya ako nauntog. At higit sa lahat, nagkakagulo silang lahat dito sa loob. Yung iba, pinagkukumpulan si Lyka habang yung iba naman ay nagkukumpulan sa harapan. Napatayo ako. "Selene, are you okay?" biglang sulpot ni Loreine. "Anong nangyayare?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta kila Lyka. "Walang madaanan. May mga nakaharang na sasakyan kaya biglang nag preno si Mang Robert. Planong bumaba nila Jazer, Chester at Sir James para maghanap ng ibang pwedeng madaanan" mahabang paliwanag nya. Nang nasa tapat na kami nila Lyka ay nagsilayuan naman sila. "Ano namang nangyare sa kanya?" nag-aalalang tanong ko sa kanila sabay upo ko sa tabi ni Lyka atsaka ko sya sinipat. Namumutla sya at parang hirap na hirap. Agad kong hinawakan ang kamay nyang sobrang lamig. Nanlaki ang mata ko kaya hinipo ko na rin pati ang leeg at noo nya pero mas lalo akong nagulat dahil sobrang lamig talaga ng buong katawan nya na para bang isang patay. Agad kong hinubad yung jacket na pinahiram sakin ni Jazer at maingat ko yong ipinatong sa katawan nya. "A-ang... la-lamig..." nahihirapang sabi nya. Huminga ako nang malalim staka ko nilingon si Sophie na nasa gilid ko. "Give me some water" utos ko sa kanya staka ko kinuha yung bag na pinakamalapit sa pwesto ko. Madalian ko yong binuksan staka ako naghanap ng mga tela. May panyo akong nakita at mga uniform na agad ko namang nilabas. Lumuhod ako sa harapan ni Lyka staka ko iniangat ang paa nya. Tama nga ang hinala ko. Namamaga na yung sugat nya! Maingat kong itinali sa taas ng sugat nya yung panyo para kahit papano mas bumagal pa yung pag daloy ng virus sa katawan nya patungo sa utak. "Selene..." napalingon ako kay Sophie ng nanginginig nyang iabot sakin yung dalawang bote nang tubig. "Relax... she will be fine" sabi ko kila Sophie at Vince na magkatabi at parehong bakas ang sobrang pag-aalala. Agad kong binuksan yung isang bote staka ko ito iniabot kay Lyka. "Drink this. Makakatulong to sayo" maikling sabi ko na agad nya namang ginawa. Habang umiinom sya ay binuksan ko naman yung isang bote staka ko binasa ang isang uniform gamit iyon. Nang ma-satisfied na ako sa pagkabasa ng uniform ay piniga piga ko ito staka ko dahan-dahang pinunasan ang braso ni Lyka... tapos ay sinunod ko naman ang kanyang binti hanggang paa. Natatandaan kong sinabi daw ni Chara kay Lyka na narinig ni Chara ang usapan ng mga teachers na mainam na gawin to sa nakagat ng zombies sa lower part ng body para mas bumagal ang pagdaloy ng virus sa katawan. In this situation as far as I know, water is really helpful. "That's enough, for now magpahinga ka na lang muna" sabi ko kay Lyka tsaka ko nilingon sila Vince "Take care of her, and every 10-15 minutes punasan nyo sya ng basang tela gaya nang ginawa ko kanina." paliwanag ko sa kanila na agad naman nilang tinanguan. "Thank you" sabay na sabi ni Vince at Lyka. Nginitian ko sila staka ko nilingon at nilapitan ulit si Loreine. Dali-dali kaming lumapit kay Mang Robert kung san kasama sila Jade at Aldrin. Lumingon-lingon ako sa labas ng bintana. "Asan sila?" nag-aalalang tanong ko sa kanila Jade. "Umalis na. Susubukan daw nilang makahanap ng ibang daan. Sa ngayon daw dito muna tayo at i-lock lang daw natin yung pinto ng bus" mahabang paliwanag ni Aldrin. Huminga ako nang malalim. Shete! kumakabog yung dibdib ko dahil sa pag-aalala! Naupo ako sa katabi kong upuan. Mag aantay lang kami dito? Pano kung may zombies silang ma-encounter? Okay lang ba sila? Baka kaylanganin nila nang tulong? O--- Napatingin ako sa bintana nang masinagan ako nang red na laser. Huh? Napalapit ako sa bintana sabay silip ko sa labas. May building sa labas. At... At sigurado akong may tao pa don! May nagbigay ng signal gamit ang laser nya na itinapat sa bus namin para makahingi ng tulong! Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid sa labas. Nagkalat na ang mga zombies dahil tumila na ang ulan. Pero gabi na, at alam naman na naming mahina ang paningin nila sa dilim. Advantage. 100% sure ako na nasa first floor lang yung taong yon at 80% ang tingin kong nasa gitnang bahagi sya nang kwarto sa first floor. Hmm... Isip Selene... isip. Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Magsasama ba ko? Pano kung mapahamak sila? Pano kung--- "Sasama ako" napalingon ako kay Loreine na nagsalita. Sobrang seryoso nang mukha nya at walang halong pagbibiro. "What the hell, no way!" sigaw ko sa kanya. Agad nya namang hinawakan ang kamay ko. "Selene trust me. Hindi kita papabayaan at sure naman akong wala ka ring balak na pabayaan ako diba?" seryosong sabi nya. "What the hell?! Anong binabalak nyong dalawa?! Utang na loob wag nyo nang ituloy yan" seryosong sabi ni Jade. "Selene at Loreine... please don't" sabi naman ni Aldrin. Hinatak ko naman agad si Loreine. "No guys! You two should stay here para bantayan silang lahat. Don't worry, we can handle this. Pag umabot ng 20 minutes na wala pa kami, need na namin ng backup. Got it?" tanong ko sa kanilang dalawa. "F*ck!" napasabunot si Jade sa ulo nya "Sh*t! Ang tigas ng ulo nyo!" Reklamo naman ni Aldrin. Nginitian naman namin sila sabay ayos namin ng sarili namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD