Selene Caz
Agad kaming nag-ayos ng sarili namin.
Ni-ready namin ang mga pang self defense namin at mga dalang gamit.
Naglagay din ako nang dagdag na kutsilyo sa katawan ko at agad ko ring pinunasan ang baseball na hawak ko.
Nanlalagkit ako sa sarili ko, puro dugo.
"Ready?" tanong ko kay Loreine na katabi ko ngayon habang nag-aayos.
Ngumiti sya nang mapait sakin.
"Hindi ko alam kung anong mangyayare satin pagkatapos nito" malungkot na sabi nya.
Napatingin ako sa baseball na hawak ko atsaka ako napakagat sa pang ibabang labi ko.
"Hindi ko rin alam Reine..." hindi ko namalayan na nagsipatakan na naman pala ang mga luha ko.
I miss them.
Una si Chara.
Tas si Fin.
And then si Clyde.
At parang mawawalan ako nang hininga tuwing naiisip kong pati si Chester wala na...
*Flashback*
"Pwede ba Chester? Tigilan mo ko, andami kong ginagawa oh" naiiritang sabi ko habang hawak ko ang kumpol na libro na pilit nyang inaagaw sakin.
"Amin na nga kasi, ako na magdadala sa faculty."
Masama ko syang tinignan at hinarap.
"Fine! Ano bang gusto mo ha?!" naiiritang sabi ko sa kanya.
"I told you, gusto nga kita at ilang buwan na kitang nililigawan tas kung makapag tanong ka jan parang di mo naman alam" naiinis na din na sabi nya.
Napabuga ako sa hangin staka napa-irap sa kawalan.
"At sinabi ko na rin sayo! Hindi pa ko ready pumasok ulit sa relasyon! Ni hindi pa nga ako nakaka move on sa ex ko ih! Alam mong sya pa din ang gusto ko! Kaya pwede ba?! Mag act ka as a leader ng room, hindi yung ginugulo-gulo mo ko!" sigaw ko ulit sa kanya sabay talikod ko.
"Pero gusto nga kasi kita!---"
"Fine!" galit ko ulit syang hinarap "Oo na! Tayo na! Masaya kana?! Pero eto ang tatandaan mo, wag mong asahan na magiging sweet ako sayo." nagulat ako nang bigla nya kong yinakap.
"Thank you" agad ko syang hinampas sa dibdib atsaka ako napairap at iniwan sya don.
Ang kulit...
Lumipas ang mga buwan at hindi sya nagbabago sa pagiging sweet sakin.
Napapalapit ako sa kanya pero alam ko sa sarili ko kung hanggang saan lang yon.
Sa pag-aaral ko sa parehong pinapasukan naming paaralan, para akong naka rely sa kanya.
Sinuportahan kami nang mga schoolmates namin pero hindi ko magawang maging masaya at makuntento.
Si Chester ang kasama ko sa school pero ang mga kaibigan kong sila Loreine ang kasama ko outside the school, si Jazer.
Hindi ko manlang maipakilala si Chester sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko.
Natatakot ako na baka pagpinakilala ko si Chester kila Loreine ay baka masaktan si Jazer. Basta concern talaga ako sa feelings ni Jazer.
At natatakot naman akong ipakilala sya sa pamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado sa relasyon namin.
Gusto kong mag-aral ng mag-aral, pero kalahati ng utak ko puro Jazer ang laman.
He's my first. At mahirap burahin yon.
Kaya isang araw nakapag-desisyon ako nang isang bagay na alam kong hindi lang ako ang makakahinga ng maluwag.
Habang maaga pa, dapat na tapusin ko na. Para hindi na sya mas masaktan pa.
"Chester I'm really really sorry..." napangiti sya nang mapait sabay abot sakin ng shake na dala nya.
"Ano ba? Here, drink these... bagong labas na flavor daw nila yan---"
"Ayoko nang masaktan ka pa---"
"Ay may binili rin pala akong pizza, wait kunin ko---"
"C-Chester mag break na tayo..." napahinto sya at napalunok sa sinabi ko.
"A-ayaw mo ba ng pizza? W-wait bibili ako ng fries, diba favorite mo yon?---"
"Chester hindi kita mahal! Si Jazer... si Jazer---"
"H-hindi mo ba talaga ako minahal?" tsaka nagsibagsakan ang mga luha nya.
Simula non, pinilit kong layuan sya para mas madali para sa kanya ang lahat. Pero lapit pa din sya nang lapit.
Kinakausap nya pa rin ako pero pinipilit kong itaboy sya, kaya si Chara ang ginawa nyang messenger para sakin.
Tss...
***
"Chester..."
"Shh... Selene we need you. We need you to lead us. Mabubuhay pa tayo, ililigtas pa natin tong mga kumag nating kaklase. Kaylangan namin ang President namin ngayon. At syempre, lagi mong nasa tabi ang Vice President mo." sabay kindat nya kaya napatawa naman ako.
Pinunasan nya ang mga luha ko tsaka sya tumayo.
***
"Chester, dun ka matulog sa tabi ni Jay, hindi malamig don tas maluwag pa. Dali na tumayo ka na dyan. Uy Chester" napahinga ako nang malalim ng wala pa rin akong marinig na response sa kanya.
Pinagmasdan ko muna sya, hmmm... mukha naman syang komportable ih
Agad naman akong tumayo, at maglalakad na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko astaka ako hinatak kaya napa-upo ako.
"B-bakit?" tanong ko kay Chester.
Nakapikit parin sya at nakasandal ang ulo sa ding-ding.
"Pinahiram na kita sa kanya kanina, baka pwedeng ako naman ang bigyan mo nang atensyon ngayon?" seryosong sabi nya habang nakapikit.
"H-ha?" tanong ko pero hindi na sya nagsalita pa.
Tinignan ko ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sakin.
Wala akong choice kaya umupo nalang ako sa tabi nya tsaka sumandal sa balikat nya.
***
"Tsk halika na nga, puno na nang zombies yung loob ng GAS tas tatlong babaeng studyante lang ang laman ng PA, pasira na yung pinto nang GAS kaya mas mabuting umalis na tayo dito" mahabang paliwanag ni Chester.
Nanlaki ang mga mata namin ng bigla nya kong hawakan ng mahigpit sa kamay staka inatak patakbo pababa nang hagdan.
"Saglit lang! Putspa! bagalan mo nga yung pagtakbo mo! Waaah! Wait lang kasi" takte tong lalakeng to, kung makatakbo kala mo athlete ih.
"Tumigil ka nga jan, di mo ba alam kung gano ako mag-alala kanina nung inatake ka nang zombie na yon?! Halos hindi ako makahinga!" sigaw nya sakin habang tumatakbo.
"Oh bakit? Kasalanan ko ba na trip ako nang zombie na yon? Inakit ko ba sya ha?!" sigaw ko naman sa kanya.
Napahinto sya sa pag-takbo staka sya humarap sakin.
Napahinto rin ako sa pagtakbo. Nasa gitna na kami nang haba nang hagdan.
Tinignan nya naman ako nang seryoso kaya napayuko ako.
"Hindi yon ang point ko. Ang sinasabe ko lang, halos ikamatay ko yung pag-aalala sayo." napalunok ako nang tumalikod sya sakin "Sadyang hindi ko lang kayang mawala ka." sabi nya sabay lakad ng mabilis pababa.
Napayuko ako. Masyado akong naging manhid sa nararamdaman nya. Ginagawa kong biro ang lahat. Kahit feelings nya. Ang sama ko.
*End of Flashback*
Chester...
Napatingin ulit ako kay Loreine but this time, si Jazer naman ang pumasok sa utak ko kaya di ko napigilan at napahagulgol na lang ako.
I miss him.
Jazer...
Pano na? Huli na ba ang lahat?
No! Kaylangan kong mabuhay, d-dahil hindi ko pa nakakausap si Jazer. Hindi pa ko nakakapag sorry sa kanya.
At higit sa lahat...
Never ko pang nasabi sa kanya tong nararamdaman ko.
I love him... at kaylangan nyang malaman yon.