Selene Caz
"Ready?" tanong sakin ni Jayvee.
Nginitian ko sya sabay tango ko tsaka ko muling ibinalik ang tingin ko kay Loreine.
Nginitian nya ko kaya pinilit ko na lang ding ngumiti.
Nilingon ko naman ang mga kasamahan ko.
"Vince, gaya nang dati. Paki bantayan si Lyka" tinanguan nya naman ako.
"Are you guys ready? Last na to, at pag naka survive tayo dito, wala na... tapos na" sabi ko ulit sa kanila.
Tumango sila sakin kahit na may halong kaba parin ang mga mata nila.
I'm scared too.
"Jayvee and Sir James, can you please lead us? Kami nang bahala ni Loreine sa kambal at Jade and Aldrin paki cover kami. And everyone, protect yourself okay?" tumango-tango naman sila.
Agad kong hinawakan si Alexandria at hinawakan naman ni Loreine si Alexander.
Agad ding lumapit si Jayvee samin sabay halik nya sa noo nang kambal.
Tsaka sya umayos ng tayo at tinitigan kami ni Loreine hanggang sa mahinto ang tingin nya sakin.
"I'll protect them, don't worry. Gagawin namin ni Loreine ang lahat para maprotektahan sila. Atsaka malalakas yang sila Jade, kaya okay lang sila" binigyan ko sya nang malapad na ngiti para kahit papano ay kumalma sya.
Tumango sya sakin tsaka nya kami nginitian ni Loreine.
Nag-si-ayos na kami atsaka ko mahigpit na hinawakan si Xandria.
Nasa unahan sila Sir James tas si Mang Robert at Jayvee.
Tas nakasunod na sila Lyka at Vince at iba pa naming kaklase tas si Loreine at Xander tas ako at Xandria tas nasa dulo na sila Jade at Aldrin.
Nang dumaan sa harap ko si Jack ay agad ko syang hinawakan sa kamay.
"Magiging okay din ang lahat" sabay ngiti ko sa kanya.
Si Jack na walang ibang ginawa kundi pasayahin at pasiglahin ang section namin pero simula nang nangyare to, parang bigla syang naglaho kasama ang sigla nang section namin.
Bigla syang naging tahimik at matamlay na parang malalim ang iniisip.
Ang dating masayahing Jack, biglang nawala na parang bula.
Ni hindi ko na nga sya naalala at ang kakulitan nya.
"S-Salamat... nag... nag-aalala lang talaga ako sa pamilya ko" malungkot na sabi nya.
"Jack, pinapangako ko... hindi to ang last na punta ko dito. Babalik ako para sa mga naiwan natin. Sa pamilya nyo, at sa taong naiwan ko dito. Trust me. After this, ako pa rin ang President nyo, ang SSG Vice President, walang magbabago don" paliwanag ko sa kanya kaya napahigpit ang kapit nya sa kamay ko.
"Thank you Selene, magiging matapang ako para sa pamilya ko at para na rin sa inyo" nginitian ko sya sabay tango ko.
Nang makalagpas sya sa harap ko ay sumunod naman ang iba.
Hanggang sa dumaan sa harapan namin ang SSG Officers.
Nginitian ko sila na ginantihan naman nila pero napakunot noo ako nang huminto sa mismong harapan ko si Jona.
"S-Selene... I'm s-sorry. K-Kasalanan ko kung bat... kung bat namatay si President Clyde. Ang lampa ko kaya---" napaiyak na sya kaya agad kong tinapik ang balikat nya.
"Shh... wala kang kasalanan. Bakit? Ginusto mo bang mamatay si Clyde? Inutusan mo ba syang iharang ang sarili nya sayo at magpakagat sa zombies?" umiling iling naman agad sya.
"Oh! Hindi naman pala eh! So wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo ginusto ang nangyare sa kanya. Malapit sakin si Clyde but at the same time nagegets ko sya. Masyado nyang pinanindigan ang tungkulin nya bilang President ng buong school kaya kahit ikamatay nya pa, gagawin nya alang-alang sa mga studyanteng nasasakupan nya."
Huminga ako nang malalim sabay tingin diretso sa mga mata nya "Mahal ko din naman ang posisyon ko at pinaninindigan ko din naman to, pero hindi ako handang mamatay dahil alam kong hindi pa maayos ang iiwan ko. Kung namatay ako nang maaga, pano na ang mga kaibigan ko? Ang ibang studyante? Kayo? Etong kambal? Atsaka kaya handang mamatay si Clyde non ay dahil alam nyang maiiwan naman ako. He trusted me at pahahalagahan ko yon. Jona look, mabuting tao si Clyde at masaya sya na nailigtas nya ang buhay mo" nginitian ko sya nang matamis at sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha nya.
Agad ko syang yinakap tsaka ko pinahidan ang mga luha nya.
"I'm really sorry"
"Shh... tahan na, aalis na tayo oh" sabi ko dahilan para madali nyang pinunasan ang mga luha nya.
"Utang ko sainyo ni Clyde ang buhay ko. Selene... you're great leader. Thank you" sabi nya sabay balik sa paglalakad.
Napahinga ako nang malalim.
Nami-miss ko na rin si Clyde.
Haysst.
Nilingon ko naman sila Jade sa likod.
"Ready?" tanong ko sa kanila na tinanguan naman nila.
"Always" sabay na sabi nila
Napangiti kami ni Loreine at maglalakad na sana pero biglang nagsalita si Aldrin.
"Loreine..."
Tinaasan naman sya nang kilay ni Loreine.
"Oh?"
"I love you" napabuga ako sa hangin dahil sa sinabi ni Aldrin.
Kinikilabutan ako! Putspa hindi naman kasi sweet at touchy yang dalawang yan kahit mag jowa sila.
Yung tipong pag di mo sila kilala maiisip mo na mag-kaibigan nga lang talaga sila.
"Oh ano yan? Dito pa talaga kayo sa harapan ko mag gaganyanan?" naiinis na sabi ni Jade.
"Uyy bitter~" pang-aasar ko naman sa kanya.
Well kung hindi nyo kasi naitatanong, unang nanligaw si Jade kay Loreine kaysa kay Aldrin pero nung sasagutin na dapat ni Loreine si Jade biglang sumingit si Aldrin at pinatunayan nya kay Loreine na sya daw ang dapat na sagutin.
Basta... deserve din naman talaga ni Aldrin ih.
Buti nalang hindi alam ni Jade na sasagutin na dapat sya ni Loreine at sakin lang talaga sinabi ni Loreine.
Kung hindi, mao-offend yung tao at baka mag-away pa si Jade at Aldrin.
Actually pareho naman akong boto sa dalawang yan para sa girl bestfriend ko.
Pero kung kakaylanganin talagang mamili, mas gugustuhin kong kay uhmmm... ewan, diko pala alam.
Si Jade ba na maligalig at sobrang maloko o si Aldrin na seryoso pero sobrang loyal?
Basta okay na sakin na nananatili kaming magkakaibigan.
"Manahimik ka nga Selene, wala ka lang naman ding love life ih" pang-aasar ni Jade kaya agad syang binatukan ni Aldrin.
Napahinto ako.
"Ewan ko sayo!" sigaw ko sa kanya tsaka ko sya tinalikuran at nagsimulang maglakad.
Pero agad din akong bumalik at hinawakan ang kamay ni Xandria.
"Xandria naman, lagi kang sumama sakin okay? Malalagot ako sa kuya mo ih" saway ko sa kanya.
"Hindi naman po magagalit sayo si Kuya ih, may gusto yon sayo ih" napakunot noo ako sa sinabi ni Xandria sabay ngiti ko.
"Naku Xandria, may gusto na yang iba si Selene... tsaka buhay pa yon at mas boto kami don sa tropa namin kaysa sa kuya nyo, kaya wag mo nang subukang ireto yang kuya mo kay Ate Selene mo---A-Aray!" sigaw ni Jade ng ibato ko sa kanya yung baseball bat na hawak ko.
"Mamamatay na tayo't lahat puro kalokohan at kalandian pa din nasa isip mo! Dinamay mo pa yung bata!" inirapan ko sya sabay upo ko nang magkapantay ang ulo naming dalawa ni Xandria "O sige ganito na lang Xandria, hindi kayo lalayo ni Xander samin ni Ate Loreine mo at pag nagawa nyo yon, kakausapin ko ang Kuya nyo at hindi lang yon. Bibilhan ko kayo nang maraming ice cream" masayang sabi ko sa kanila.
"Pero ayaw po ni kuya na pakainin kami ng mga ice cream" sumbong naman ni Xander kaya ginulo-gulo ko ang buhok nya tsaka ako tumayo.
"Kuripot lang Kuya nyo, wag kayong mag-alala akong bahala. Sabi nyo di ba gusto ako nang kuya nyo? Edi malakas ako don. Pektusan ko pag di pumayag" sabi ko na ikinatawa naming mag kakaibigan.
"Nakapatay lang ng mga zombies ang tapang na ha" sabat ni Aldrin.
"Kanina lang crush mo pa yung kuya nila ha" sabi naman ni Loreine.
"Shut up guys, lika na. Pag tayo nahuli ipapa-pain ko talaga kayo sa mga zombies" pagbabanta ko na tinawanan lang nila.