End of Book 1 (Pagliligtas)

1540 Words
Selene Caz Nahihilo ako, pumikit ako at kinalma muna ang sarili ko tsaka sumunod sa likod nila Loreine at Xander. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko kay Xandria. Nilingon ko sya sabay ngiti ko. Ang amo nang mukha nya, na miss ko tuloy bigla si Jian. Okay lang, nararamdaman ko namang magkikita na rin kami... Malapit na... "Wag kang lalayo at bibitaw sakin ha." Pag papaalala ko sa kanya. "Pero ate, natatakot po ako" Nginitian ko sya nang matamis sabay gulo ko sa buhok nya. "Po-protektahan naman kita ih, tsaka wag kang mag alala... hindi tayo papabayaan ng kuya mo. Kaya behave ka lang ha?" tumango-tango naman agad sya. Agad ko syang hinatak para sumunod kila Loreine sa pagbaba. Tahimik kaming naglalakad habang nasa unahan pa din sila Jayvee at Sir tas nasa likod naman nagko-cover yung ibang lalake kasama na don sila Jade. Napakatahimik ng buong paligid pero nagkalat ang mga bato, bakal at mga basag na bubog sa paligid. Sira na ang mga building at yung iba ay nagbagsakan na. May ilan-ilan pang medyo umuusok dahil sa sunog. Sobrang gulo pero sobrang tahimk. Sa sobrang tahimik, parang may mali na. Paranoid na ba ako kung iisipin kong nagtatago lang sila sa paligid at inaantay na mag-ingay kami? Dahan-dahan ang paglalakad namin para hindi makagawa nang kahit na anong ingay. Sa sobrang bagal at hina naming maglakad, tanging mga paghinga na lang namin ang maririnig. Minsan maririnig din ang mga maliliit na bato na naaapakan namin pero sobrang hina lang talaga. Napatingin ako kay Xandria nang higitin nya ang laylayan ng damit ko. "Ate nauuhaw po ako---" agad-agad ko namang tinakpan ang bibig nya gamit ang kamay ko. Tsaka ko itinapat ang hintuturo ng isang kamay ko sa bibig ko bilang senyas na huwag syang mag-iingay. Lahat kami ay napahinto sa pagkilos at naging alerto. Pinakiramdaman namin ang paligid. Luminga-linga pa ko at iniikot ang paningin ko sa palibot. Nang mapansin kong wala namang kaluskos o kahit na anong ingay nang zombies ay nakahinga ako nang maluwag. Kinuha ko ang bag na dala ko sa likod staka ko yon maingat na binuksan. Dinahan-dahan ko lang dahil maingay talaga ang zipper ng bag. Nang mabuksan ko na nang kaunti ay ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng bag tsaka hinaludgod ko ang loob. Nang makapa ko ang bote ng tubig ay agad ko iyong inilabas sabay abot ko kay Xandria. Tsaka ko muling maingat na isinara yung bag at ibinalik sa likod ko. Hinintay namin syang matapos sa pag inom kahit napaka-onti lang naman nang ininom nya. Tsaka nya iniabot sakin yung bote na wala pa sa kalahati ang bawas. "Sayo muna..." sobrang hinang bulong ko sa kanya na tinanguan naman nya. Maglalakad na sana kami nang biglang... "Ahhh! Waaah!" biglang may tumalon sa paanan ni Sophie na daga na nagmula sa kung saan kaya napasigaw sya. Napahinto ulit kami sa paglalakad. Kumabog ng sobrang bilis ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Hinawakan ko nang mahigpit sa kaliwang kamay ko si Xandria at hinigpitan ko din ang pagkakahawak ko sa baseball bat na nasa kanang kamay ko. Napatingin ako sa kaliwang bahagi nang pinupwestuhan namin kung san may parang maliit na looban at madilim. Nilagay ko sa kanang bahagi ko si Xandria at nilagay ko naman sa kaliwang kamay ko yung baseball bat ko. Nang may marinig akong mga yapak. Marami at mabilis na yapak. Nilingon ko si Jayvee na nasa harapan at saktong nakatingin din naman sya sakin. Tinanguan ko sya. "Run..." mahinang sabi ko sapat na para marinig nila. Hinawakan ko nang mahigpit si Xandria tsaka ako nagmadaling tumakbo habang hatak sya. Agad din tumakbo ang iba. Rinig ang mga yapak ng bawat pag-apak namin sa lupa. Hanggang sa marinig na namin ang ingay na nang gagaling sa likod. Nasa likod na ang sobrang daming zombies na humahabol samin. "Walang lilingon! Takbo lang!" sigaw ko nang makita kong napahinto si Sophie nang lumingon sya atsaka nabakasan ng takot at pangamba ang mukha nya. Pero nanatili pa rin syang tulala habang nakatingin sa likod kaya nang madaanan ko na sya ay agad ko syang tinulak ng sobrang lakas na naalalayan naman ni Jack at inatak ito. "G*go ka Sophie! P*ta!" sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis ko. Hindi ko sya kayang intindihin dahil may hawak akong bata. Hindi pwede ang pabigat ngayon. "S-sorry" naiiyak na sabi. "T*ng*na mo takbo!" sigaw ko ulit sa kanya. "Bilis!" pahabol ko pa. Nakakainis. "A-Ate sila kuya don sa likod oh" napatingin ako kay Xandria habang tinuturo nya yung likod kaya tumatakbo akong lumingon sa likod. At halos manlambot ako sa nakita ko. "J-Jade... A-Aldrin..." Tumatakbo sa ibang direksyon sila Jade at Aldrin na naging dahilan para mangalahati na lang ang humahabol samin at ang iba naman ay hinahabol silang dalawa. Tumatakbo sila malayo samin. Palayo nang palayo. Nagsibagsakan ang mga luha ko nang hindi ko na sila makita sa paningin ko. Dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Jayvee nang mahabol ko sya tsaka ko pilit na iniaabot sa kamay nya ang kamay ni Xandria habang umiiyak ako. "P-Please... I-I need to find them" umiiyak na sabi ko. "Aldrin! N-No! S-Selene sila A-Aldrin!" sigaw ni Loreine at tatakbo na sana papunta sa likod pero agad syang nahawakan sa braso ni Sir James. "May kasama kang bata" sabi ni Sir sabay tingin kay Xander atsaka nya inatak patakbo ulit si Loreine habang hawak ni Loreine sa kabilang kamay nya ang kamay ni Xander. "N-No..." mahinang sabi ko. Nang maibigay ko na sa kaliwang kamay ni Jayvee ang kamay ni Xandria ay dali-dali akong tumalikod at tatakbo na sana ng bigla akong hawakan sa braso ni Jayvee. Wala syang sinabi kahit ano pero seryoso lang sya habang hawak ako. Nagpatakan ang mga luha ko habang nagpapatangay sa paghatak ni Jayvee. Lumingon ako sa likod habang tumatakbo. At halos madurog ang puso ko habang nakikita kong napapalayo na kami kung san kanina lang ay nandon sila Jade pero ngayon ni anino nila ay wala na. P-Patay na ba sila? N-Nahabol ba sila ng mga zombies at naging zombie na rin sila? Hindi ko alam at parang mababaliw ako sa kakaisip. Napatingin ulit ako sa harap atsaka ko tinabig ang kamay ni Jayvee na nakahawak sa braso ko. Masama nya kong tinignan pero seryoso ko lang sya tinignan. "Hindi ako magpapakamatay" maikling sabi ko sabay hawak ko sa baseball bat ng mahigpit. Agad akong pumunta sa pwesto ni Xandria sabay hampas ko sa zombie na papunta sa direksyon namin. Buong lakas ko namang inihampas sa ulo ng isang zombie yung nasa kaliwang direksyon ni Sophie. Patuloy lang ako sa paghampas habang tumatakbo. Hanggang sa mapalayo na ang ibang zombies samin pero humahabol pa rin sila. At biglang may sumulpot na isang zombie na sobrang lapit at pasugod na sa direksyon namin. Agad akong bumwelo hanggang sa buong lakas ko syang hinampas ng baseball bat. Napahiga sya pero gumagalaw-galaw parin ang kamay nya kaya agad kong kinuha ang kustilyong nasa binti ko at buong lakas kong itinarak yon sa ulo nya dahilan para magtalsikan ang dugo nya sa mukha ko. "F*ck you!" sigaw ko sa kanya. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko at hinatak ulit ako. Si Jayvee. Napatingin ako sa harapan ng makaramdam ako nang malakas na hangin. Nagkaroon ng pag-asa ang mga mukha nang mga kasamahan namin ng matanaw na namin ang malaking eroplano. Panay pa rin ang takbo namin dahil sa mga zombies sa likod namin. "They're here" maikling sabi ni Jayvee sapat na para marinig ko. Napahinto kami sa pagtakbo ng may humintong mga van sa harap mismo namin staka nagsibabaan ang mga lalaking may dalang mga armas, karamihan ay baril at sila ay naka uniform na pang fighters. Napangiti ako nang mapait ng makita ko ang logo nila sa gilid. Fighters ng Red Island. Nagsimula silang pumunta sa likod namin at pinagbabaril ang mga zombies at kino-cover kami. Hanggang sa may humintong lalakeng kasing tangkad nila Jayvee at Jazer. Jazer... pumasok na naman sya sa utak ko. Ibinalik ko ang tingin ko don sa lalake. Agad syang nag-salute kay Jayvee bilang tanda nang pag-galang. Napatingin ako sa maliit na parihabang name tag na naka-dikit sa kaliwang bahagi nya. Napangiti ako Nanlalabo ang paningin ko hanggang sa piling ko ay matutumba ako pero agad na nahawakan ako ni Jayvee pero hindi ko na kinaya at lumabo na ang lahat. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere dahil sa pagbuhat sakin ni Jayvee. "Darylle, please lead the others. Ako nang bahala kay Selene" rinig kong sabi ni Jayvee. "Selene? Ow, sya pala yon. Nice to meet you" huling narinig ko bago ako mawalan ng malay. 'Lalaban hanggang sa makakaya. Babalikan ang dapat balikan. Pagsuko ay hindi solusyon. Panalo ang tanging option. Maging matapang at magpalakas. Ngayong isa na kong ganap na Fighters ng Red Island... babalikan ko na kayo. Gaya nang pangako ko bago tumungtong ang mga paa ko sa lugar na to, makikipagsapalaran ako. Makikita ko ulit kayo, babalikan ko kayo. Hindi pa tapos ang laban... Hintayin nyo ko... Jade Aldrin At Jazer Dahil ako... Ako si Selene Caz, naging Fighters ng Red Island ay muling lalaban... Dahil naniniwala akong... Hindi pa dito natatapos ang laban...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD