"ALAM mo, hindi ko kailan man nakinita na mangyayari ang araw na 'to. Na makakainuman ka na para tayong tropa, men!" Tango lang ang tinugon ni Alejandro sa nakaakbay sa kaniyang si Hunter Acosta. Nilagok niya na lang ang beer na tangan dahil, well, kahit siya naman ay hindi 'yon na-picture kahit sa panaginip niya. "'Yong CCEO mong pinsan, aba ay mas gago pa pala sa'yo 'yon! Akhalain mong... hik-- ibibigay niya raw ang gusto ko, sa isang kondisyon daw, kaniya ang unang earnings, kung hindi ba naman tuso ang luko-luko!" Lasing nang pagkukuwento ni Hunter sa kaniya. Naroon sila nito sa likod ng bahay nina Angel at Theo, kung saan tanaw mula sa kanilang inuupuan ang naggagandahang bulaklak na pananim ng magkaibigan. Pinuntahan siya ni Hunter Acosta. Masama nito si Marian kaninang dumatin

