"HEY---" Being an independent s***h strong woman is a gift. Ngayon talaga mas naiisip ni Marian 'yon. Ngayon, as in, now na. At the moment. Naisalya lang naman niya ang fvckboy na ex niyang si Hunter Acosta, sa sarili nitong kotse ng walang kahirap-hirap. "Buksan mo ang kotse, Acosta. Sasama ako sa'yo. May pupuntahan tayo," mariin niyang bulong dito. Kaagad na tinulak ni Marian papasok si Hunter sa kotse nito, of course, siya ang nasa manibela dapat. Kaya patulak niya rin na binalya si Hunter papunta sa front seat. Hindi pa siya nakuntento, sinipa niya pa ang CEO ng A Corp. Buti na lang, hindi kaya ng yaman ng isang 'to ang yaman ng mga Sandoval kaya wala 'tong bodyguards like the Sandovals. Pero she must admit, malayo-layo na rin ang narating ng impaktong kasalukuyan na niyang katab

