ANGEL sighed as she stared at her parent's gravestone. She was at her parent’s mausoleum inside a private cemetery located somewhere in Makati. The mausoleum was huge enough to be called a house. Nabili 'yon ng papa niya noong kalakasan pa nito sa negosyo. Negosyo na siya ring tumapos ng lahat-lahat. "Kumusta po kayo?" Pagkausap niya sa puntod ng mga magulang. No one would judge her by talking to a gravestone because she was alone there. Wala naman kasing okasyon ngayon para magpunta ang mga tao sa sementeryo. Hindi ito ang araw ng pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay. Siya kasi ay nakagawian nang magpunta ro'n from time to time. Lalo na sa mga ganitong kaguluhan na nangyayari sa buhay niya. Once again, she sighed. Saka niya sinindihan na ang dala niyang kandila. Naupo siya sa tapat

