KINUSOT ni Angel ang mga mata, para lang muling mapamulagat dahil hindi siya dinadaya ng kaniyang mga paningin. Ang taong pinagkakaguluhan ngayon ng mga tao sa sementeryo, ang taong nakabulagta na animo ay wala ng buhay sa semento, sa tapat ng museleo na may nakaukit na golden letter S, walang iba kung hindi, si Alejandro Sandoval! "Naku, Sir Jan, ano ho ba ang nangyari sa inyo? Pakitingin mo nga kung may kasama 'to, dati-rati naman ay 'pag nadalaw 'to rito ay may kasama." Tarantang pilit na ginigising ng isang ale si Alejandro. Hindi mahirap hulaan na ang ale na 'to ay ang caretaker naman na nagme-maintain sa museleo ng mga Sandoval sa sementeryo rin na 'yon. "May kotse 'yang dala pero napuna ko nga kanina na walang kasamang bodyguards. Dati-rati naman ay kasama niya ang mga 'yon. Kak

