BIG D MY DADDY IS THAT YOU?
"Jusko Lord, kunin niyo na ako... charot, pakibuntis na lang muna ako ngayon din."
Yan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nakatitig sa screen ng laptop ko. Alas tres na ng madaling araw pero heto ako, dilat na dilat. Paano ba naman, nag-re-run ako ng live stream ng nag-iisa kong asawa. Well, sa isip ko lang naman siya asawa.
Si Big D.
Hindi ko alam ang totoong pangalan niya. Naka-half mask lagi siyang itim na nagtatakip sa kalahati ng mukha niya mula ilong pataas tuwing nagla-live. Minsan gaming, minsan just chatting habang nagbubuhat ng weights sa kwarto niya. Pero kahit mata lang at panga ang nakikita, alam mong ulam na ulam eh. Pero, seryoso, hindi yung panga niya ang nagpapa-wet—este, nagpapabilis ng t***k ng puso ko.
Yung katawan niya, bhie. Specifically, yung mga braso at kamay niya.
Grabeng biceps yan, parang laging galit. Tuwing magle-lean in siya sa camera para basahin yung live chat, halos pumutok yung t-shirt niya sa sobrang laki ng braso. Tapos kapag nagto-topless siya sa stream? Ay susmaryosep, nagdidilim ang paningin ko sa sobrang hotness. Tapos yung mga ugat sa kamay hanggang braso? Shuta, gusto kong maging blood donor para lang dumaan ang dugo ko sa mga ugat na yan. Yung mga daliri niyang mahahaba at mayayabong ang ugat tuwing nagta-type sa keyboard o humahawak sa mouse? Ugh.
Weird ba? Weird ba na kamay at braso ang pinagpapantasyahan ko? Pake niyo ba, Psychology 4th-year student ako, alam ko ang ginagawa ko. (Well, slight eme lang. Feeling ko mas kabisado ko pa ang bawat hibla ng muscle at ugat sa braso ni Big D kesa sa mga theories ni Sigmund Freud o sa thesis na kailangan ko nang i-defend next month.)
Kinaumagahan, literal na kinaladkad ko lang ang sarili ko papuntang campus. Kulang ako sa tulog dahil nagpuyat ako kakapanood ng replay. Sabog ang notifs ko sa GC naming mga Psych majors habang nasa jeep pa lang ako.
Beshy 1: Omg mga sis! Nakita niyo na ba yung bagong prof natin sa Abnormal Psych? Ang yummy!
Beshy 2: True the fire! Nerdy na ewan pero ang hot! Prof Jake Hugh daw name. Ang bango bango pa tignan mga mhie, gusto ko siyang amuyin.
Beshy 3: Pumasok na kayo gaga, baka ma-late tayo sa unang araw ni Sir!
Napa-irap na lang ako habang pababa ng jeep. Mga patay gutom talaga 'tong mga kaklase ko. Bagong prof? Pogi? Nerdy? Sus. Wala akong pakialam kahit kahawig pa niya si Henry Cavill o si Cha Eun-woo. Gusto ko na lang matapos 'tong araw na 'to para makauwi at maka-abang sa live stream ni Big D mamayang alas sais ng gabi. May pa-special ASMR stream daw siya mamaya kaya hindi pwedeng ma-miss! Kay Big D lang talaga ako kakalampag. Siya lang ang may karapatang bumulabog ng obaryo ko. Wala nang iba.
Pagpasok ko ng room, nag-uumpisa na ang klase. Andun na nga siya sa unahan. Si Prof Jake Hugh.
Naka-tuck in na light blue long sleeves, tapos may suot na manipis na silver glasses. Oo na, objectively speaking, gwapo siya. Matipuno yung tindig, malapad ang balikat. Ang linis tignan, mukhang mabango. Parang tipong kahit pagpawisan, amoy baby powder pa rin. Pero uninterested talaga ako. Wala siyang laban sa masked streamer ko.
Dumiretso ako sa pinakadulo at umupo. Kinuha ang phone ko, at nag-scroll na lang sa Twitter under the desk. Nagsasalita siya sa unahan, nagpapakilala at nagdidiscuss ng syllabus. Ang lalim ng boses niya, medyo husky, pero hindi ko pinansin. Wala akong time lumandi sa totoong buhay, lalo na sa isang Professor. I have priorities, at ang priority ko ay isang lalaking nagla-live stream na hanggang ngayon ay hindi ko man lang alam ang buong mukha.
Fast forward ng ilang linggo. Siyempre, dahil isa akong dakilang pariwara sa buhay at sa grades, nangyari ang hindi maiiwasan. Tinamad akong gumawa ng mga reaction papers, bumagsak ako sa dalawang long quiz, at madalas akong tulog sa klase ni Sir Jake dahil sa kapupuyat sa streams ni Big D.
"Miss Julie Perez," tawag sa akin ni Prof Jake pagkatapos ng klase nung araw na 'yon. Halos mag-uwian na ang lahat ng classmates kong nagpapapansin sa kanya. "See me at the faculty room. Now."
Napa-buntong hininga na lang ako. Halos umikot ang mata ko hanggang likod ng utak ko. Alam ko na 'to. Bagsak na naman siguro yung paper ko, or baka nalaman niyang puro ChatGPT lang yung huling essay na pinasa ko. Kung pwede lang i-reason out na "Sorry sir, busy po ako kakatingin sa abs at biceps ng streamer kagabi kaya di ako nakapag-aral", ginawa ko na.
Pagdating ko sa faculty room, tahimik. Kaming dalawa lang ang tao dahil hapon na at umuwi na yung ibang mga professors. Naka-aircon, ang lamig ng kwarto. Nakaupo siya sa desk niya sa bandang dulo, may mga pinipirmahang papeles. Ang seryoso ng mukha niya, halos magkasalubong na yung makakapal na kilay habang nagbabasa. Amoy na amoy ko yung pabango nya.
"Have a seat," sabi niya, malamig ang tono, hindi man lang inaangat ang tingin mula sa papel na hawak niya.
Umupo ako sa silya sa tapat ng mesa niya. Tumingin lang ako sa table. May mga pen holder, kape na kalahati na lang sa mug niya, tapos yung salansan ng mga test papers namin sa Abnormal Psych.
"Miss Perez, you are a fourth-year student," simula niya. Binitiwan niya ang ballpen. Ang lalim ng boses niya, parang dumadagundong sa dibdib ko. "Your grades are consistently slipping. Hindi ka nag-paparticipate sa class discussions. Your recent exam score is... to be frank, completely unacceptable for a graduating student."
Blah, blah, blah. Pumasok sa kanang tenga, lumabas sa kaliwa. Hindi ako nakikinig. Naka-yuko lang ako, nakatingin sa mesa niya. Nababagot na ako. Gusto ko na umuwi. Mag-o-online si Big D ng 6 PM! Sayang yung opening remarks niya kapag na-late ako, baka mag-shout out pa naman siya ngayon.
Sinesermonan pa rin niya ako. "If you don't take this seriously, you will not graduate this semester. Is this what you want, Julie? Throwing away your future because of... whatever nonsense it is that's distracting you?"
Habang nagsasalita siya, medyo na-frustrate siguro siya sa kawalan ko ng reaksyon. Napa-buntong hininga siya nang malakas. Para bang ubos na ang pasensya niya sa akin. Inilapag niya yung mga kamay niya sa ibabaw ng mesa at tiniklop ang mga ito, leaning slightly forward.
Doon napako ang paningin ko.
Sa kamay niya.
Teka lang. Pamilyar 'to ah.
Kumunot ang noo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti kong ma-process ang nakikita ko. Ang lalaki ng mga ugat na bumabagtas mula sa likod ng palad niya, pataas sa pulso. Yung specific na ugat na nag-v-shape malapit sa hinlalaki niya...
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko ng ilang beses. Baka namalikmata lang ako dahil sa puyat. Pero hindi. Pakshet, hindi ako pwedeng magkamali.
Iniangat ko nang konti ang tingin ko. Yung braso niya. Yung biceps niyang bumabakat at parang pumuputok sa tela ng light blue na polo niya habang nakapatong yung braso niya sa mesa. Solid. Matigas. Pamilyar. Sobrang pamilyar na gusto kong himatayin sa kinauupuan ko.
Kabisado ko ang bawat sulok ng braso at kamay na 'yan! Ilang gabi ko ba namang pinagpantasyahan yan? Ilang daang screenshots ba ang naka-save sa hidden folder ng phone ko?
Yung pilat na maliit malapit sa pulso niya... Andun!
Yung eksaktong porma ng mga ugat kapag naka-flex yung kamay... Andun!
Yung hubog ng mismong muscles niya na parang pinaghirapang i-sculpture ng mga diyos sa gym... Walang duda, andun!
Dahan-dahan, parang slow-motion sa pelikula, inangat ko ang tingin ko mula sa nakaka-uhaw niyang braso papunta sa mukha ni Prof Jake. Nagsasalita pa rin siya, nagpapaliwanag kung paano ko mababawi ang grades ko sa midterms kung gagawa ako ng extra credit. Pero naka-mute na yung paligid ko. Ang naririnig ko na lang ay yung malakas at mabilis na kabog ng sarili kong puso sa loob ng dibdib ko. Dug-tug. Dug-tug. Dug-tug.
Tinitigan ko yung mukha niya. Yung matangos at perpektong ilong. Yung panga niyang sharp na parang pwedeng makahiwa ng leeg. Yung hugis ng mga labi niyang medyo manipis pero mapula-pula.
Sa isip ko, visual effects activated. Nilagyan ko siya ng itim na half-mask na paboritong suotin ng streamer ko, nagtatakip sa itaas na bahagi ng mukha niya mula mata hanggang noo. Tinanggal ko sa isip ko yung silver na salamin niya. Tinanggal ko yung maayos at plantsadong polo niya at in-imagine kong naka-topless siya, pawisan habang binabati yung mga viewers niya.
Holy mother of abs.
Literal na napanganga ako. Natuyo ang lalamunan ko. Yung bagong prof namin. Yung istrikto, nerdy, at seryosong si Jake Hugh na sinesermonan ako ngayon dahil sa pariwara kong grades...
Siya si Big D.
Ang hot, yummy, matipuno, at araw-araw kong pinagpapantasyahang streamer.
Napatigil si Prof Jake sa pagsasalita nang mapansin niya ang reaksyon ko. Kumunot ang noo niya, visibly confused sa biglaang paglaki ng mata ko at sa pagnganga ko sa harap niya.
"Are you even listening to me, Miss Perez?" tanong niya, ang boses medyo may inis at pagka-awtoridad. Tumaas ang isang kilay niya.
Bumaba ang tingin ko ulit sa braso niya, sa mga ugat na gusto kong himasin, tapos umakyat ulit sa mukha niya. Jusko. Ano bang gagawin ko? Luluhod ba ako para humingi ng tawad sa grades ko, o luluhod ako para... erase erase, Julie, nasa school ka!
"S-Sir..." nautal kong sabi, hindi malaman kung anong uunahin. Pinagpawisan ako ng malamig.
Sumandal siya sa swivel chair niya at tinitigan ako nang seryoso. "What?"
Lumunok ako ng malalim, parang may nakabara sa lalamunan ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magtatalon. Gusto kong tanungin kung pwede ba siyang maghubad ng polo ngayon din para ma-confirm ko ang lahat. Pero sa halip na sumagot nang matino...
"Big D..." mahina kong naibulong.
At sa pagkabigkas ko ng pangalang 'yon, nakita ko kung paano biglang nanigas ang buong katawan ni Prof Jake Hugh.