"Mom," ani Cassandra. She decided to call Presila. Last resort niya iyon upang mapasama si Tim sa pagbalik nina Max sa lungsod. Ayaw niyang bumalik ang mga kaibigan ng asawa ro'n nang bigo. "You called," bahagyang nasurpresa pang wika ni Presila. "Ano na naman ang problema sa anak ko?" "Actually, Mom, wala. I just want to tell you na pupunta kami riyan." "Really?" "Yes, Mom. Matagal-tagal na ring hindi ka namin nadadalaw. Ano ang gusto ninyong pasalubong?" Kahit na alam ni Cassandra na walang amor sa kaniya ang ina ni Tim, hindi pa rin siya natitinag. Palagi niya pa rin itong pinapakitaan ng kabutihang loob. Only if maayos lang sila ni Tim, gagawin niya ang lahat upang mabigyan ito ng apo... Ulit. Iyon lang ang alam niyang paraan para gumaan ang loob sa kaniya ni Presila. "Any will do

