bc

His Other Woman

book_age18+
1.9K
FOLLOW
9.8K
READ
second chance
arrogant
manipulative
goodgirl
drama
tragedy
twisted
bxg
illness
secrets
like
intro-logo
Blurb

Kapag harap-harapan ka nang niloloko asawa mo, handa ka bang magtiis sa tabi nito dahil lang sa pinangako ninyong habang-buhay sa harap ng altar?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LUGMOK na lugmok sa mga utang ang mag-asawang Del Amore dahil sa pagbagsak ng negosyo nilang mag-asawa na matagal na pinaghirapang mabuo ni Timothy. Isang businessman si Timothy. He owns a bar na matagal niyang ipinundar bago pa sila ma-bankrupt. Nakunan pa ang asawa niyang si Cassandra dahilan para mas lalong nagkapatung-patong ang problema at sakit na nararamdaman niya. It was unbearable. Laking probinsya si Cassandra. Maganda, morena ang kutis at mahaba ang makintab na itim na itim niyang buhok. Housewife material dahil sanay sa hirap ng buhay. Nang simulang nalugi ang negosyo nilang mag-asawa ay nagpasya siyang umuwi sila sa probinsya upang mas madaling maghilom ang sugat lalo na nang makunan siya at mawalan ng una sana nilang anak. Sa probinsiya nila sa Magenta, doon siya nagpatayo ng isang Casa. Ang La Casa Del Amore upang makatulong sa kanyang asawa. "Hon, this is just a challenge. I know, we can get through this together, okay?" Hinimas-himas ni Cassandra ang likuran ng kaniyang asawa na ngayo'y halos magpakalunod na sa alak. Araw-araw ay ganito ang ginagawa nito- nagkukulong sa kuwarto, naglalasing, at pagkatapos maubos ang alak ay ibabato ang bote na pinag-inuman dahilan para mabasag iyon at kumalat sa sahig ng kuwarto nila. Halos araw-araw din kung sundin ito ng linis ni Cassandra. She's trying so hard na habaan ang pasensya niya sa kanyang asawa dahil naiintindihan niya ang frustrations nito. "Please, Cassandra. Just leave me alone! Saka mo na sabihing kakayanin natin 'tong dalawa kung hindi mo pinatay ang anak natin!" sigaw ni Timothy sa kanya na siyang ikinagulat niya nang sobra. Nagbabadya na ang mga luha niyang pumatak. "Tim, ano ba ang sinasabi mo? Hindi ko sinasadya 'yon! Naaksidente tayo, Tim! Ikaw ang nagmamaneho no'n—" "Sinisisi mo pa ako? Sinisisi mo akong ikaw naman ang nagpumilit na sumama pa sa akin papunta kayna Mommy? Kasalanan ko na naman, Cassandra?" bulyaw ni Tim sa asawa saka ibinato sa kanilang dingding ang bote. Napasigaw si Cassandra sa gulat. "Kasalanan ko ang lahat ng 'to! Kasalanan ko naman lahat! Kasalanan ko kung bakit ka nakunan! Kasalanan ko kung bakit bumagsak ang negosyo! This life is bullsh*t, Cassandra!" pagsisigaw muli ni Timothy dahilan para unti-unting dumistansya sa kanya ang asawa. Ngayon ay umiiyak na si Cassandra, umiiyak sa sakit. Hindi niya akalaing aabot sa puntong 'to ang almost perfect love story nilang dalawa no'ng magkasintahan pa lamang sila. Kung hindi lang nagkasunod-sunod ang kamalasan sa buhay nila, sana ay masaya pa rin sila ngayon. This seems to be Cassandra's worst nightmare, at gusto na niyang magising. She wants to run away. Gusto niyang iwan na lang si Tim at hayaan itong mapag-isa pero dinudurog ang puso niya tuwing tinitingnan niya ang kalagayan ng asawa niya na noon lang ay isang napakagandang regalo na dumating sa buhay niya. He's that precious to her that she can't afford to lose. "Tama na, Tim. Pull yourself together. Problema lang 'to. Kaya natin 'tong lagpasan. Hindi ba't nangako tayo sa altar na magsasama sa hirap at sa ginhawa?" humihikbi niyang sambit. Bawat salita ay pawang masakit. Nasasaktan siyang sariwain ang masaya nilang naging pagsasama bago pa ito nangyari. "You can leave the room now," malamig na wika ni Timothy nang hindi nakatingin sa kanyang mga mata. His eyes was filled with madness. It's burning, at kapag sinalubong 'yon ni Cassandra ay mapapaso siya. Natigilan pa siya saglit at malungkot na tiningnan ang asawa habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. "I said, leave!!" sigaw ni Tim dahilan para magulat muli si Cassandra at lalong mapaiyak. Nataranta siyang lumayo sa asawa. Nataranta siyang umalis sa tabi nito. Dahan-dahan, habang papalabas siya ay tinanaw niya ang asawa niya. It's breaking her seeing the man he loves crying. Yes. Tim is crying because of so much frustrations. Iniisip ni Cassandra na sana man lang, kahit presensya lang niya ay sapat na para mapagaan ang loob ng asawa. But her words and presence aren't enough to console his husband. Nang makalabas ay napasandal na lang siya sa pader at marahang napahikbi na naglupasay sa sahig. Bakit ganito ang nangyayari sa almost perfect na buhay namin? What have we done in the past to deserve this? Tanong niya sa kanyang sarili. Nagising na lang si Cassandra sa kama nilang mag-asawa. Napaisip siya kung sino ang nagdala sa kanya ro'n. Napalinga-linga siya sa paligid. Walang tao at wala siyang kasama. "Paano ako napunta rito?" nagtataka na tanong niya sa sarili. Inilibot niya ang paningin niya sa buong kuwarto at nakita ang nagkanda basag na mga bote at kalat ng upos ng sigarilyo ng asawa niya. Maging ang mga gamit nito'y nakakalat na parang isang batang pinabayaan ng magulang. Her husband isn't around. Dahan-dahan siyang bumangon upang lumabas. Nadatnan niya ang kaibigan niyang si Katya na nakahilata sa sala nila. Agad napatayo si Katya nang makita ang nanghihina niyang kaibigan. Katya is Cassandra's long-time friend. Magkatuwang sila sa La Casa Del Amore. She is plain but pretty. Malakas ang s*x appeal kahit sa simpleng suot lang nito. Sa edad nitong thirty-two, hindi na ito umaasang makikita pa ang true love niya. She's a hopeless romantic being! "What's with that face, girl? Parang kang nakipag-lamay. Wait, nag-away ba kayo ni Tim?" pag-uusisa ni Katya nang makitang namumugto ang mata ng kaibigan. "Ha? Hindi, ah. Ganito naman talaga ang mga mata ko, friend," pagmamaang-maangan ni Cassandra. Bakas sa mukha ni Katya ang hindi pagkapaniwala. She knows Cassandra too well. Sa kanya pa ba ito magsisinungaling? "Ako pa ba ang pagsisinungalingan mo, Cassandra Del Amore?" Napabuntong-hininga si Cassandra saka naupo sa tabi ng kaibigan. "Galit pa rin sa mundo si Tim, Kat." Iyon ang bungad niya. Mariin siyang tiningnan ni Katya saka malamlam na binasa ang sinasabi ng mga mata nito. Wala siyang ibang nakikita kundi lungkot sa mga mata ni Cassandra. "Naku, eh bago pa man kayo naging mag-asawa, masungit na agad 'yon. Tingnan mo naman ngayong nagkalugmok-lugmok na kayo't lahat, imbis na magtulungan, tinutulak ka pa palayo. Sinisisi ka pa rin ba niya sa pagkawala ng baby n'yo?" Tumango-tango si Cassandra. "Hay! Diyos ko naman 'tong si Timothy. Pinalalala ang sitwasyon. Humingi kaya tayo ng tulong kay Tita Presila?" suhestyon ni Katya. Lumiwanag ang mga mata ni Cassandra. "Tama! That's a good idea." Kinuha ni Cassandra ang cellphone niya sa kuwarto saka mabilis na bumalik sa sala para tawagan ang mommy ni Timothy. If there's one person na puwedeng pakinggan ni Tim, it's his mom for sure. "Hello, Mom?" panimula ni Cassandra nang saguting ni aling Presila ang tawag niya. "Hmm?" tipid nitong sagot. Timothy's mom never welcomed Cassandra in the family. Nakikipagplastikan lang ito mula noon. Para kasi sa kanya, hindi deserve ni Timothy ang isang babaeng taga probinsiya lang. She has a high standards pagdating sa mapapangasawa ng anak niya and she was disappointed nang magdala ng taga probinsya si Tim noon sa bahay nila para ipakilala sa kanya. "Puwede po bang kausapin ninyo si Tim, Mom? Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya nakakabangon. Ayaw naman niya ng tulong ko. Baka po pagdating sa iyo, makinig siya, Mom." Tumikhim si Presila sa kabilang linya. "Well, I'll try, Cassandra, my dear. But as of now, ang maipapayo ko lang sa 'yo ay hayaan mo na muna ang anak ko. Besides, peace is what he needs the most especially ngayon." Napaisip si Cassandra sa mga sagot ng mommy ni Tim. Does she means, hindi ko binibigyan ng kapanatagan ang anak niya? Do I bring chaos in his child's life? She questioned herself.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook