CHAPTER 2

1148 Words
Hapon na nang makabalik si Timothy. Magdamag siyang hinintay ng asawa niyang si Cassandra sa sala. Naiintindihan ni Cassandra kung nagliliwaliw ang asawa niya. Pabor din naman sa kanya 'yon dahil gusto niya namang makalanghap ng sariwang hangin ang asawa. "Tim!" masiglang bungad niya nang masilayan ang kakapasok na asawa niya. Saglit pa siyang natigilan dahil nakikita niyang nakangiti ito. Nagtaka siya kung bakit gano'n ang naging ngiti ni Tim. Mula noong umuwi sila rito ay halos hindi na ngumingiti man lang ang asawa niya at madalas pa siya kung sungitan. She finds it weird seeing how his husband smiles like there's no tomorrow. Tinapunan lang siya nito ng tingin. Napawi ang ngiti ni Tim nang makita niya si Cassandra. "Saan ka nanggaling, hon?" tanong ni Cassandra sa asawa saka niya ito nilapitan. "Can you please stop asking questions?" galit nitong sagot. "Tim, I am your wife. Normal lang na magtanong ako," mahinahong tugon ni Cassandra kahit na nakakainis kung paano siya barahin ng asawa. Nakakapang-init ng ulo para sa kanya na ang nakangiting Tim kanina ay bigla na lang nagbago ang ekspresyon sa kanya. "Wife your ass," marahas na sagot ni Tim. Ramdam na ramdam ni Cassandra ang paninikip ng dibdib niya ng mga oras na 'yon. "Bakit, Tim? Bakit parang ibang tao ka na?" naluluha niyang tugon sa asawa. "Puwede ba, Cassandra, puro ka tanong!" sigaw ni Tim saka pumasok sa kwarto nilang mag-asawa. He slammed the door dahilan para mas lalong magulat si Cassandra at sumikip ang dibdib. Napalingo-lingo na lamang siya sa sinapit. Masakit para sa kanya na iba na ang ihip ng hangin sa relasyon nila ngayon pero kailangan niyang manatili sa tabi ng asawa. Ngayon pa na mas kailangan siya nito. Isa lang talagang naging palaisipan sa kanya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi si Timothy. Why did he become happy in just a moment? Ano ang posibleng dahilan no'n? Iyon ang mga bagay na naglalaro sa utak ni Cassandra. Lumabas siya saglit upang lumanghap ng sariwang hangin. Sa labas ng kanilang bahay na mismong sa loob ng La Casa Del Amore, makikita ang isang batis na napakalinis. Sa hindi kalayuan ay mayroon ding falls na malakas ang pagbuhos mula sa taas. Napaliligiran kasi ng bundok ang Casa nila. Naglalakihang ang mga puno sa paligid. Maraming mga pananim at hardin. Sa hindi kalayuan, natanaw ni Cassandra mula sa terrace ng kanilang kwarto ang dalawang kaibigan na sina Katya at Monica na naglalaba sa batis. Kasama pa ni Monica ang maliit na anak na si Ben na pilit sinusubukang tumulong sa ina. Napangiti si Cassandra nang mapait. Naisip niyang sana ay mayro'n na rin siyang tulad ni Ben years from now kung hindi lang siya nakunan. Napaiyak na lamang siyang hinihimas ang kanyang tiyan. Sariwa pa sa alaala niya ang aksidenteng isa sa mga naging dahilan kung bakita galit na galit sa kanya ang asawa. Napatingin sa gawi niya ang mga kaibigan kaya tinawag siya ng mga ito. She smiled at them bago bumaba. "Akala mo naman tinawag ka namin para makipag-chismisan kami sa 'yo? Tulungan mo nga kaming maglaba, Cassandra!" pagbibiro ni Monica. "Hindi kaya mamatay ang mga isda sa ginagawa n'yong paglalaba rito sa batis?" kunot-noo na tanong ni Cassandra. "Hindi naman siguro. Isa pa, dumadaloy naman ang tubig, friend. Sobra ka naman. Nature-friendly kami, 'no!" Si Katya ang sumagot. "Ano, manunuod ka na lang talaga riyan?" tanong ni Monica. Natawa na lang nang mahina si Cassandra. "Yes?" aniya. "Tara, Ben! Samahan mo 'ko sa entance ng Casa natin, may darating tayong guest ngayon, e. Ikaw ang magsabit ng garland, ha?" dugtong pa niya saka inakay si Ben. "O, siya! Dalhin mo na 'yan dahil hindi naman nakakatulong dito. Pinaglalaruan lang ang sabon ng labahan ko," reklamo ng mama ni Ben na si Monica. Yes, Monica already has a kid. Pero single parent lang siya. Her ex-boyfriend na siyang tatay ni Ben ran away from his responsibility. What a coward! Madaming naghahangad ng anak. At isa na sila Cassandra doon. But they are not that lucky to have one. "Magandang umaga po!" bati ng batang si Ben sa isang panauhin na dumating. It was a man. Guwapong lalaki. Nakasuot ito ng isang polong puti saka gray na shorts at sandals. Mukhang mayaman at mabango! Agad nitong tinanggal ang shades nito upang makita ang buong lugar. "Thanks, kid," anito kay Ben. At saka hinayaan nitong isabit ni Ben ang garland sa kaniya. Binalingan niya ng tingin si Cassandra na noon ay nakatingin din sa kanya at nakangiti. She's so pretty. Ani ng lalaki sa isipan nito. "Hello po! Sana mag-enjoy kayo sa stay niyo rito. I am Cassandra, the owner of this Casa." Pagpapakilala ni Cassandra. She smiled at him. "Hi! I'm Diolph," saad ng lalaki sabay lahad ng kanyang kamay. Na-blangko si Cassandra. "Eh?" nagtataka niyang sagot. "Shake hands?" Madali pang pinunasan ni Cassandra ang kamay niya saka iniabot iyon kay Diolph upang makipag-kamay. "Nice to meet you, pretty." Nagulat saglit si Cassandra sa sinabi nito saka na lamang pinilit na ngumiti sabay kamot ng batok niya. Ibinigay niya ang number ng kuwarto nito pati na rin ang susi saka nila ito hinatid doon mismo sa tapat ng kuwarto nito. "Here is your room. It's cozy and clean as you can see. Call us when you need us. There's a telephone inside the room," ani Cassandra. "Sure, I will. Thank you so much, pretty." He winked at her kaya mabilis na napatalikod si Cassandra at hinila na paalis si Ben. "Tita Cassandra, I saw it. Lagot ka kay Tito Timothy," ani Ben. Nanlaki tuloy ang mata ni Cassandra sa gulat. "H'wag kang magbibiro ng ganyan, Ben, ha. Bisita natin 'yon. Saka isa pa, may asawa na ako. I won't entertain any other guy kundi si tito Tim mo lang. Isa pa, hindi pa kami nagkaka-ayos. What shall I do, Ben?" ani Cassandra na kumukuha ng simpatya ng bata. "I don't know. What if you give him a baby?" inosenteng sagot nito. Sana nga ay gano'n lang kadali na magbigay ng bata, Ben. Sana gano'n gano'n lang. Pero sa kaso nila ngayon, mukhang malabo nang makabuo sila. Ilang buwan na rin siyang tigang at hindi pinapansin ni Timothy. Sa sitwasyon nila ngayon, mahirap dahil hindi sila maayos. Ni hindi nga siya kayang ngitian ng mismong asawa niya. Magsiping pa kaya sila? This isn't the right time to have a baby dahil hindi pa ayos ang issue nilang dalawa. Kahit gustohin man niya, itinataboy naman siya ng mismong asawa niya. Pinagmumukha niya lang uhaw sa atensyon ang sarili niya which is true. She's really thirsty of love and affection from her husband. Hindi niya maipagkakailang miss na miss na niya ito. Ang dating Timothy na pinakasalan niya. She needs attention from her husband. Hindi niya maipagkakailang miss na miss na niya ito. Ang dating Timothy na pinakasalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD