Sa kabilang dako ay abala rin sina Tim sa bachelor's party ni Max. Game na game ang lahat habang sinasayawan ng mga babaeng stripper. Ang isa ay lumapit kay Tim. Kahit nasa likod ng maskara ay halatang maganda ito. "Mukha kang malungkot," bulong nito kay Tim. "Marunong akong magpasaya." Hindi umimik si Tim. "Ipapaalala ko lang sa iyo, Tim," wika ni Clyde. "May asawa ka na. Dahan dahan lang. Hindi ka kagaya ko na walang commitment. So, malaya akong gawin ang gusto ko." Hindi siya pinansin ni Tim kaya bumalik siya sa pag-focus sa babaeng sinasayawan siya. "Ah, basta ako, i-enjoy ko na lang itong gabing ito. Dahil pagkatapos ng kasal, isa na akong asong nakatali sa kadena," natatawang wika naman ni Max. Hinalikan nito ang stripper na tila naka-assign sa kaniya. Mayamaya ay tumayo si Tim.

