---------- ***Third Person’s POV**** - Matagumpay nilang naisagawa ang plano—halos. Nakuha nila si Maurio Herrera, ngunit hindi bago sumiklab ang kaguluhan. Sa kasagsagan ng fireworks, habang tinatangay na nila si Maurio palabas ng venue, isa sa mga tauhan nito ang nakatunog. Isang putok ng baril ang pumunit sa ingay ng selebrasyon, at bago pa man makapag-react si Dylan, isang matalim na sakit ang lumukob sa kanyang tagiliran. Mabilis niyang naramdaman ang mainit na likidong dumaloy mula sa sugat niya, ngunit hindi siya bumagsak. Hindi siya nagpatalo sa sakit. Sa kabila ng dumudugong sugat, nagawa niyang makatakas kasama ang kanyang mga tauhan. Ngayon, habang mahigpit na nakahawak sa manibela ng kanyang itim na sasakyan, pilit niyang nilalabanan ang panlalabo ng kanyang paningin. Na

