------ ***Vienna's POV**** - Nagmadali akong pumasok sa opisina ni Dylan nang mabalitaan kong dumating na siya. Hindi niya ako pinatawag, ngunit hindi ko maiwasang puntahan siya dahil sa nag- alala ako sa kanya. Gusto kong malaman kung kumusta na ang kanyang kalagayan. Isang gabi pa lamang ang nakakalipas mula nang siya ay barilin, kaya tiyak kong sariwa pa ang kanyang sugat. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang papasok siya ngayon sa opisina. Pagkapasok ko, agad niya akong sinalubong ng malamig na tanong. Walang emosyon ang kanyang titig, parang hindi ako bahagi sa kanyang buhay. "Hindi kita pinatawag, bakit ka nandito?" Napalunok ako bago nagsalita. Alam kong lumabag ako sa patakaran niya, pero umaasa akong maiintindihan niya na nag-aalala lang ako. "G-Gusto ko lang malaman kung kum

