-------- ***Third Person's POV*** - Ang matinding sakit at pighati ay bumalot sa buong silid, kasabay ng tunog ng mga pagdaing at mahihinang pagsusumamo. Sa loob ng kwartong ito, isang bangungot ang kasalukuyang nagaganap—si Dylan ay walang habas na nagpapahirap sa isang tao. Ilang araw na siyang nagbubuhos ng galit sa kanyang bihag, walang iba kundi si Maurio Herrera. Paulit-ulit niya itong sinasaktan, tinotorture sa paraang alam niyang magdadala ng matinding paghihirap. Ang bawat latay ng latigo, bawat suntok, bawat patak ng mainit na tubig na ibinuhos niya sa katawan nito ay muling nagbabalik sa kanya ng alaala ng isang malagim na nakaraan—ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang ina sa kamay ng taong ito. Ngunit hindi pa iyon sapat. Hindi pa siya nakokontento. Nais niyang maramdam

