-------- ***Vienna’s POV*** - Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga daliri habang nakatitig kay Dylan—o kay Damiano, kung paano man niya gustong tawagin ang sarili niya ngayon. Alam kong hindi siya nagbibiro. Alam kong kaya niyang gawin ang mga sinasabi niya. Napakagat ako sa labi, pilit na kinakalma ang sarili ko. Hindi ako maaaring matakot. Hindi ako maaaring magpatalo. Kailangan kong manatiling matatag sa kabila ng lahat ng nangyayari. "Ano bang gusto mong gawin ko, Dylan?" mahinang sabi ko, pilit pinapalakas ang aking tinig sa kabila ng panginginig nito. "Gusto mong lumuhod ako sa harapan mo at amining mali ang ginawa ko? Gusto mong humingi ako ng tawad dahil sumama ako kay Emanuele? Gusto mong makita akong nagsusumamo sa'yo?" Napalunok ak

