--------- ***Vienna’s POV*** - Pagkapasok pa lang namin ni Emanuele sa venue, agad akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Hindi dahil sa excitement—hindi rin dahil sa kilig—kundi dahil sa sobrang pagka-conscious ko sa bawat kilos ko. Napakaganda ng lugar, sobrang eleganteng ballroom na parang eksena lang sa mga pelikula. Kumikinang ang mga chandeliers sa taas, at ang marmol na sahig ay parang hindi nilalakaran dahil sa kinis at linis nito. Napakaraming bisita, lahat bihis na bihis, mukhang mga mayayamang sanay sa ganitong klaseng event. Wala naman akong balak pumunta rito, pero heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng isang marangyang pagtitipon kasama si Emanuele. Hindi dahil gusto ko. Hindi dahil espesyal ito para sa akin. Nandito lang naman ako dahil sa inis ko kay Dylan. Agad na na

