----------- ***Vienna’s POV*** - Warning: 70% of this chapter contains mature scene! - Dahan-dahang tumayo si Dylan mula sa kama, at sa harapan ko mismo, walang pag-aalinlangang hinubad niya ang kanyang saplot. Sinubukan kong iwasan ang pagtitig sa kanya, pero tila may sariling isip ang aking mga mata—hindi ko magawang tumingin sa ibang direksyon. Hanggang ngayon, kitang-kita ko pa rin ang nag-aalab na pagnanasa sa kanyang titig. Para bang sa bawat galaw niya, sa bawat segundo na lumilipas, ay lalo lamang siyang nagiging mapanukso. Alam kong dapat akong umiwas, pero sa totoo lang, wala akong lakas ng loob na gawin ito. Nang maalis ni Dylan ang damit ay sinunod nya ang suot nyang pantalon kasama ng suot nyang underwear. Bumaba ang tingin ko sa pagk*lalaki ni Dylan na naghuhumindig.

