--------- ***Vienna’s POV*** - Warning: Contain Mature Scene! Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Inalala ko ang mga pagkakataong binabalewala niya ako, pati na rin ang mga salitang binitawan niya kay Emanuele kanina. Hindi ako dapat magpadala sa bugso ng damdamin at sa pagnanasa na biglang nagising sa loob ko. "Tigilan mo nga ako, Dylan. Ano bang ginagawa mo dito? Pinakawalan mo na ako, hindi ba?" mariin kong tanong sa kanya, pilit pinapakalma ang nanginginig kong boses. "Pinakawalan?" Mariin niyang ulit, bahagyang napangisi. "Who told you that? In case you forgot, you still have more than 300 days left in our contract, Vienna." Napasinghap ako, ramdam ang bigat ng kanyang sinabi. Hindi pa pala tapos ang kasunduan namin. At ang dahilan ng presensya niya rito ay hindi dahil gusto n

