---------- ***Vienna's POV*** - Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ako narito. Napapikit muli ako habang pinipilit alalahanin kung ano ang nangyari bago ako mapunta rito. Sa pagbabalik ng mga alaala, muling bumigat ang pakiramdam ko. Naalala ko—hindi ko na napigilan ang paghalo ng pagod, galit, at takot. Kaya ako hinimatay. Bago iyon, nasampal ko si Dylan habang nagtititigan kami. At pagkatapos... nagdilim na ang lahat. Muling dumilat ang aking mga mata, iniikot ang paningin sa kwartong nagmulatan ko. Nandito ako sa kwarto ko sa HQ? Ano ang ibig sabihin nito? Si Dylan ba ang nagbalik sa akin rito? Hindi ko maintindihan kung bakit pa ako nagtatanong—narito na nga ako. Hindi naman siguro ito isang panaginip lamang. Dahan-dahan akong bumang

