------- ***Vienna's POV*** - "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Emanuele sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya habang binabaybay namin ang daan pauwi. Nasa loob kami ng kotse niya, at dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dala ng maraming iniisip, hindi ko na tinanggihan ang alok niyang ihatid ako sa apartment. Sa totoo lang, ang tanging nais ko lang ay ang makauwi at makapagpahinga. "Oo," sagot ko, pilit na ipinapakita na maayos ako kahit alam kong hindi naman talaga. Hindi nagtagal, muling nagsalita si Emanuele. "Ano bang sabi ng doktor?" Bagama’t abala siya sa pagmamaneho, napansin ko ang panandaliang sulyap niya sa akin. Bilang tugon, pinilit ko na lamang ngumiti upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang pag-aalala. "Pagod lang daw," pagsisinungaling ko. Wala talaga akon

