------ ***Vienna's POV*** - Abala ako sa pag-aayos ng bagong dating na set ng coffee table nang maramdaman kong may pumasok sa shop. Hindi ko na agad nilingon. Sanay na ako sa ganitong mga kilos—mga customer na pumasok, mga supplier na nagde-deliver, o minsan, mga random na tao lang na napapadaan at napasilip. Wala na sa akin ‘yun. Pero nang marinig kong nagsalita ang isa sa mga staff ko na nasa gilid ko, doon na ako napaangat ng tingin. “Ma’am Vienna, may naghahanap po sa inyo,” ani Mariel. At putangina, ayun siya. Si Dylan. Nakangiti pa habang may hawak na bouquet ng mga bulaklak na para bang nasa pelikula lang. Gusto ko sanang igulong ang mga mata ko sa sobrang inis, pero pinigilan ko ang sarili ko. Lalo na’t napansin kong nagsisimula nang tumingin sa direksyon namin ang iba ko p

